Chapter 26

1075 Words
Shawn Dalawang buwan ang nakakalipas simula nung mawala ang baby namin ni Denise, isang buwan niya na rin akong hindi masyadong kinikibo. Masakit din para sa akin ang nangyari pero mas masakit makitang nasasaktan si Denise at wala akong magawa para maibsan ang sakit na yo’n. Iniiwasan niya ako at hindi ko maintindihan, hindi ko alam ang gagawin.. naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung paano ko siya susuyuin at ano ang gagawin ko para lang bumalik ang lahat sa dati. Napa angat ako ng tingin nung marinig kong may kumatok sa opisina ko. “Bukas yan.” Sigaw ko sa kung sinuman ang kumatok. Napangiti ako nung makita ko si Adrian. “You’re back again.” Nakangiting sambit ko sa kaniya kaya napailing siya. “I heard what happened. Kamusta na si Denise?” Seryosong tanong niya kaya napabuntong hininga ako at napailing. “Hindi niya pa rin ako kinikibo.” Sarkastikong sambit ko sa kaniya at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. “She’s hurt.” Sambit ni Adrian. “I know. Pero nasasaktan din ako at mas lalo akong nasasaktan na makitang nasasaktan siya pero wala akong magawa para maibsan ang sakit sa kaniya.” Emosyonal kong sambit sa kaniya at saka ako napailing at napahingang malalim. “Just let her grieve hanggang sa maging maayos na siya.” Nakangiting payo sa akin ni Adrian. “You were never that patient to someone.” Sarkastikong komento pa ni Adrian kaya napailing ako. He’s right, pero ibang usapan na pagdating kay Denise at sa nangyari. Naiintindihan ko kung bakit nagkakagano’n siya at alam kong may kasalanan din ako sa nangyari. “What happened to Denise is different.” Komento ko sa sinabi ni Adrian kaya napangiti siya. Sabay kaming napalingon ni Adrian nung biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Denise na pumasok. Ito ang unang pagkakataong binisita niya ako ulit dito sa opsina ko. Napatayo ako sa kinauupuan ko at agad ko siyang sinalubong. “L-Love, b-bakit ka nandito? M-may kailangan ka ba?” Natutuwa pero nauutal kong sambit at lapit ko sa kaniya. Hindi siya kumibo at sa halip ay niyakap niya lang ako habang humagulgol siya. “Sshh.. stop crying, love. Ano bang nangyari?” Mariin kong tanong sa kaniya habang mahigpit pa din siyang nakayakap sa akin at patuloy lang siya sa pag iyak. “Shawn.” Mahinang sambit niya kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya para harapin siya. “Bakit? Anong problema, bakit ka umiiyak?” Mariin at alalang tanong ko sa kaniya pero mas lalo lang siyang naging emosyonal. “Mauna na ako, Kuya..” Singit naman ni Adrian sa amin kaya napatingin kami ni Denise sa kaniya at matapos niyang makalabas ay binaling kong muli ang atensyon ko kay Denise na patuloy pa din sa paghagulgol. “Love.. patawarin ako, patawarin mo ako kung sa’yo ko lahat binuhos lahat ng sama ng loob ko dahil sa nangyari. kung naging malamig ang pakikitungo ko sa’yo.” Humihikbing sabi niya kaya niyakap ko siya ng mahigpit. “Naiintindihan ko.” Malambing kong pagpapatahan sa kaniya pero emosyonal pa din siya. “S-Shawn, may sasabihin ako sa’yo..” Humihikbi niyang sambit sa akin kaya pinunasan ko ang luha niya at sinusubukan ko siyang pakalmahin. “Ano yo’n, nakikinig ako..” Malambing kong tanong sa kaniya. “Last month, nag apply ako ng trabaho sa isang kompanya, hindi ko sinabi sa’yo kasi alam kong magagalit ka at dahil hindi pa din ako handang kausapin ka..” Humihikbi niyang paliwanag sa akin pero umiling ako at ngumiti sa kaniya. “It’s okay. I understand..” Pagpapakalma ko sa kaniya pero mas lalo lang siyang umiyak. “Hindi ka galit?” Emosyonal niyang tanong kaya mapailing. “Of course not.” Malambing kong bulong sa kaniya tapos ay niyakap ko siya. “Alam mo ba? Nakiita ko si Papa kanina na kausap ‘yung boss ko. It turns out na friends sila.. akala ko okay na ako, Shawn. Akala ko kaya ko na siyang makita at baliwalain pero hindi. Masakit pa din pala lalo na pag aalala ko ang ginawa niya sa amin nina Mama.. Shawn..” humahagulgol niyang sambit. “Kung gano’n, umalis ka na sa kompanya na yo’n-“ “Pero ayoko na umasa lang sa’yo, Shawn. Ayokong sabihin ng ibang tao na kaya lang kita pinakasalan ay para sa pera mo. Ayokong patunayan ang sinasabi ng iba lalo na ng mama mo-“ “No! Asawa kita at responsibilidad kita.” Mariin kong pagtatama sa kaniya. “Denise, don’t listen to them. I know what I am doing and making you as my priority and responsibility is my choice.” Mariin kong paalala sa kaniya pero niyakap niya lang ako ng mahigpit. “Pero-“ “Ssshh.. ang importante sa akin ay ayos na tayo at nandito ka.. I missed you so..” Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinaplos ko ang pisngi niya at marahan kong pinunasan ang mga luha niya. Napako ang tingin ko sa mata niyang nangungusap. Marahan kong hinaplos ang mga pisngi niya pero parang nakarandam siya ng pag aalinlangan kaya napayuko siya. Marahan kong inangat ang mukha niya at do’n ko nagtama muli ang mga mata namin. Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa kaniya at hahalikan ko na siya sa labi pero sabay kaming napalingon nung biglang may kumatok sa pintuan. “Sino yan?!” Sigaw ko tapos ay napalingon akong muli kay Denise na mukhang nagtataka at nahihiya. Parang bumilis ang t***k ng puso ko nung makita namin kung sino ang kumatok. It was Tito Sancho, Denise’s father. Nakita ko din ang pagkabigla sa mga mata niya nung makita kami ni Denise. Naramdaman ko ang kaba at takot ni Denise dahil hinawakan niya ang mga kamay ko tapos ay pumunta siya sa likuran ko na parang bakas sa kaniya ang pangamba at takot. “Oh, Shawn. I.. I was about to congratulate you.. I guess the news was true.” Sarkastikong sambit nito at basag niya sa sandaling katahimikan na namamayani sa amin tapos napako ang tingin niya kay Denise na nasa likuran ko. Kaya napailing ako at napangisi dahil sa sinabi niya. “Congratulate? I don’t need that if it came from you. Isa pa, ano hong ginagawa niyo dito, you’re not welcome here? You are not welcome NEAR OUR FAMILY kaya anong kailangan mo at bakit ka pa nagpakita sa amin?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD