Denise
Kanina pa ako palingon lingon sa buong paligid. Nandito ako sa coffee shop ngayon habang hinihintay si Timothy, workmate ko at old classmate ko.
“Denise!” Napalingon ako nung marinig kong may tumawag sa pangalan ko tapos makita ko si Tim.
“Hello, nag order na pala ako ng coffee hinihintay ko na lang.” Nakangiting sambit ko sa kaniya.
“Alam mo talaga pampagising natin ah!” Pabirong sambit niya kaya natawa ako.
“Oo naman, coffee is life noh.” Nakangiting biro ko sa kaniya kaya nagtawanan kami.
“Oo nga pala, nasabi mo na ba sa asawa mo ‘yung tungkol sa work mo? Bakit ka nga pala nagtatrabaho eh, mayaman naman kayo?” Kunot noong tanong niya kaya napailing ako.
“Mayaman? Kami? Hindi ako, kundi si Shawn. Ayoko namang iasa sa kaniya ang lahat.” Nakangusong sambit ko pa sa kaniya kaya tinaasan niya ako ng kilay.
“Pero asawa ka niya, kaya natural lang yo’n noh.” Pailing iling pa niyang komento.
“Na’ko, maraming bagay ang hindi mo pa alam-“
“Edi ikuwento mo.” Nakangusong sambit niya sa akin.
“Na’ko masyadong konplikado ang lahat.” Bitter ko pang komento kaya natawa siya at umiling.
“Hindi ko naman ipagkakalat noh, at saka hindi naman kita, huhusgahan.” Nakangiting sambit niya pa.
“Ma’am, Sir. Here’s your coffee po.” Sabay kaming napailing nung iabot sa amin ng isang waitress ang order namin.
“Salamat.” Nakangiting sambit ko. Maya maya pa ay napalingon kami ni Tim sa labas nung makita namin na madaming kumpulan ng tao doon at parang nagkakagulo sila.
“Ano kayang meron?” Kunot noo at takang tanong ko kay Tim pero umiling lang siya.
“Oo nga pala, sasama ka ba sa team building natin next week?” Kunot noong tanong ni Tim kaya napanguso ako kasi hindi ko alam kung paano magpaalam kay Shawn o kung papayagan niya ako kasi alam kung kahit hindi niya sabihin ay nagtatampo siya sa akin dahil hindi ko agad sinabi niya sa kaniya ang naging desisyon ko na magtrabaho. Pero kahit gano’n, he became supportive of me pero nag aalangan pa din akong mag paalam kasi baka hindi niya ako payagan.
“Hoy! Okay ka lang ba?!” Bumalik lang ako sa ulirat nung marinig ko si Tim kaya napailing ako.
“Wala iniisip ko lang kung paano ko sasabihin sa kaniya kasi baka hindi niya ako payagan. Alam mo naman hindi ba? Mahirap maging asawa ang isang politiko.” Pailing iling ko pang sambit sa kaniya.
“Eh ano bang sabi niya nung pinagtapat mo sa kaniya na may trabaho ka-“ Naphinto ako at para akong natulala matapos kong marinig ang tanong ni Tim. Hindi ko kasi maiwasang hindi maalala ‘yung nangyari noong nakaraan.
Nakita ko si Papa na bumisita kay Shawn kaya nagbreakdown ako no’n, akala ko kasi ayos na ako kung sakaling makikita ko siya pero hindi, dahil nung nakita ko siya ay bumalik lahat lahat ng sakit nadinulot niya sa amin.
Shawn comforted me that time pero hindi ko maiwasang hindi maging hysterical lalo na nung sinubukan ni papa na kausapin ako at humingi ng tawad. Alam ko una pa lang na nung nagpakasal ako kay Shawn ay malaki ang posibikidad na makita o makasalamuha ko si Papa pero pinili ko pa din si Shawn.
“Hoy! Tulala ka naman! At saka mo na nga intindihin yo’n. Tara na, may meeting pa tayo.” Bumalik lang ako sa ulirat nung marinig ko si Tim na nakangusong nagrereklamo.
“Tara na, punta na tayo office.” Nakangiting sambit ko sa kaniya tapos ay kinuha ko ang kape ko.
“Akin na bag mo, mukhang dami mo namang bitbit eh. Napaka over packer mo talaga.” Natatawang biro sa akin ni Tim sabay kuha sa bag ko kaya sumimangot ako.
“Ay sus kaya pala, kapag may kailangan ka. Sa akin ka lagi lumapit!” Nakangusong depensa ko pa sa kaniya.
“Oo, kasi parang bag ni dora ‘yung bag mo eh.” Natatawang pang aasar pa niya sa akin.
“Ah gano’n, bayaran mo yang kape ah.” Pang aasar ko pang sambit sa kaniya sabay turo sa kapeng hawak hawak niya.
“Eto naman di mabiro!” Nakangusong sambit niya kaya natawa ako.
Palabas na sana kami ng coffee shop nung mapahinto ako nung makita ko kung sino ang nakatayo sa may likuran namin ni Tim. Nanlaki ang mata ko nung makita ko si Shawn tapos nung tumingin ako sa likuran niya ay madaming taong naka abang sa kaniya.
“S-Shawn, anong ginagawa mo dito?” Gulat at takang tanong ko sa kaniya pero seryoso lang siyang nakatingin sa skin hanggang sa magawi ang tingin niya kay Tim na nasa likuran ko habang bitbit niya ang bag ko.
“S-Shawn si Tim nga pala, ka-work ko.” Basag ko sa sandaling katahimikang namamayani sa amin. Randam kong hindi gusto ni Shawn kung anuman ang nakita niya dahil tahimik siya at seryoso siyang nakatingin kay Tim.
“Hi, Mayor. Nice to meet-“ Pagpapakilala sana ni Tim kay Shawn pero hindi niya ito inin-entertain.
“Let’s go.” Mariing sambit ni Shawn tapos hinila niya ako papalayo kay Tim kaya naman dali dali kong kinuha ang bag kong bitbit ni Tim.
“Una na ako, Tim.” Nakangiting paalam ko sa kaniya. Habang si Shawn ay agad na akong hinila papalayo at papalabas ng coffee shop.
“Shawn, sandali. Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako eh!” Mariin kong reklamo sa kaniya tapos ay buong lakas kong binawi ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
“Kaya ba tumanggi ka sa alok kong ihatid ka kanina? Ni hindi mo man lang sinabi sa akin na makikipagkita ka sa katrabaho mo!” Mariin at galit niyang kuwestyon sa akin kaya napailing ako.
“Ano bang problema mo?!” Mariin at dismayado kong tanong.
“Ikaw!” Mariin niya namang sagot at bakas sa mukha niya na na-f-frustrate na siya.
“Teka nga! Huwag mong sabihin sa akin na nagseselos ka kay Tim?!” Natahimik siya dahil sa tanong ko.
“What do you expect me to think?! After seeing the both you having fun with each other-“
I look at him with disbelief. “Shawn?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Nag uusap lang kami. Nagbibiruan.” Sarkastiko at hindi makapaniwalang depensa ko.
“Bakit? Ganiyan ka ba kawalang tiwala sa akin? Sa tingin mo ba lolokohin kita gaya ng ginawa ng ex mo? Gano’n ba ang tingin mo sa akin?!”