Chapter 15

1192 Words
Shawn Para akong tangang nakatulala sa kawalan habang nakasandal sa swivel chair na kinauppuan ko. Napa angat ako ng tingin nung marinig kong basta na lang bumukas ang pintuan at doon ko nakita si Adrian na nakakunot ang noo. “You canceled all your meetings and activities again pero nandito ka lang buong araw sa opisina mo.” Mariin niyang paalala niya sa akin tapos ay sinundan ko lang siya ng tingin pero hindi ako nag abalang kumibo sa sinabi niya. Sa halip ay binuksan ko lang ang laptop ko at nagpanggap ako may c-chineck sa email ko pero napailing ako at pabagsak kong sinara ang laptop ko nung mapansin kong nakatuon lang ang tingin sa akin ni Adrian. “Ano bang problema mo at nandto ka?” Singhal kong tanong sa kaniya pero bumuntong hininga lang siya. “Ako ba talaga ang tatanungin mo ng ganiyan?” “Look at yourself, kuya. Mag iisang buwan ka nang ganiyan. Nagmumukmok lang din kung hindi sa bahay eh dito sa opisina.” Sarkastiko at mariin niyang paalala sa akin. “Kung nagkakaganiyan ka dahil kay Denise then puntahan mo siya-“ “At saan? Sa tingin mo ba gano’n lang kadali yo’n? Sa tingin mo, basta basta ko na lang siyang mapapabalik sa akin?” Kariin at irita kong sambit sa kaniya. “Exactly, then do something! Hindi siya babalik kung magmumukmok lang dito buong maghapon, duh!” Mariin at sarkastikong suhestyon ni Adrian sa akin tapos ay ngumisi siya at naupo sa may upuang katapat ng table ko. “Nakabalik na siya sa De Hermosa.” Balita ni Adrian sa akin kaya napabuntong hininga ako. “Alam ko. Sinabi niya sa akin nung huli kaming nagkita.” Sambit ko sa kaniya. “Hindi ko alam ang gagawin, mailap na siya-“ “Patapusin mo muna kasi ako!” Mariin at nakanguso niyang suway sa akin. “Kinausap ko si Tristan, okay?! Nung nakaraan, pinaliwanag ko lahat sa kaniya-“ “Teka, Teka? Anong kinalaman ni Tristan dito?” Mariin kong tanong kay Adrian at nagtataka ko siyang tinignan. “Alam niya na? Sinabi mo?!” Mariin at ulit kong tanong sa kaniya. “Anong naging reaksyon niya?” Mausisa ko pang tanong kay Adrian. “Well, nagulat siya, of course.” “He felt guilty… besides, di naman mangyayari to kung hindi naging magkarelasyon ang mommy niya at si Tito Sancho.” Sarkastikong saad pa niya kaya napailing ako. “Kaya he agreed to help. Sakto naman at isa sa mga na applyan ni Denise ay managed by Tristan-“ “Wait, ibig sabihin she’s working for Tristan again?” Gulat na tanong ko sa kaniya tapos nakita ko ang pagngisi nito at pagtango niya. Napangiti ako at natulala dahil hindi ko alam ang sasabihin. “I’m glad. Hindi ko sinabi sa kaniya dahil ayoko nang dagdagan ang problema niya sa mga magulang niya. Isa pa, kapag nalaman din ni Denise ang totoo na anak ni Tita Shasia si Tristan eh baka pati siya kamuhian din ni Denise-“ “Alam naman ni Tristan yo’n, kuya. Naiintindihan niya. Kung tutuusin may choice siyang huwag nang mangielam knowing the situation pero mas pinipili pa din niyang tumulong.” Nakangiting paliwanag ni “Anong ibig mong sabihin?” Mariing tanong ko sa kaniya. “Gusto mong makita si Denise?” Kunot noo at maloko niyang tanong. “Of course.” Sarkastikong sagot ko kaya umiling siya at humalakhak. “Tara.” Aya niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Saan tayo pupunta?” Kunot noong tanong ko sa kaniya dahil hanggang ngayon ay naguguluhan pa din ako. “Fine. Sabi ni Tristan may party daw sila ngayon doon at inimbitahan niya ako, tayo of course” Mariin at nakangising paliwanag ni Adrian pero nakatulala lang ako sa harapan niya. “Ano pang hihintay mo diyan? Tara na!” Mariin niyang lingon sa akin kaya dali dali akong tumayo. “Pagkakataon mo na oh… sasayangin mo pa.” Sarkastikong komento ni Adrian habang papasakay kami sa elevator. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Natutuwa ako na makikita ko ulit si Denise pero kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako. Nasa lobby na kami nung bigla naming makasalubong si Mommy pero hindi yo’n ang kinagulat namin ni Adrian kundi ang kasama niya. “A-anong ginagawa niyo dito?” Mariing tanong ko kay Mama at nabaling ang tingin ko sa likuran niya kung saan nakatayo si Tita Shasia. Kailan pa siya nakabalik? Alam kaya ni Tristan ‘to? “Alam ba ni Daddy ‘to, Ma?” Mariing tanong ko kay Mommy pero hindi siya sumagot. “Shawn, Adrian.. kamusta na kayo“ “Tita, wala ho kaming oras para makipag plastikan sa inyo. Ano hong ginagawa niyo dito?” Mariin kong tanong sa kaniya. “Si Tristan, kino-kontak ko siya pero hindi ko siya ma-kontak. Magpapasama sana kami para puntahan siya De Hermosa. Alam kong close kayo kaya baka matulungan niyo ako.” Nagbabaka sakaling sambit niya kaya napalingon ako kay Adrian na nasa tabi ko. Hindi puwede, hindi siya puwedeng pumunta ng de hermosa. Paano kung makita siya ni Denise?! “Tita, kung ako sa inyo hindi na ho ako mag sasayang lang ho kayo ng oras.” Mariin kong paalala sa kaniya bago namin sila tuluyang talikuran. “Kuya, paano kung pumunta sila kay Tristan ngayon?” Mariin at alalang tanong ni Adrian sa akin nung nasa labas na kami ng munisipyo. “Dala mo ba ang motor mo?” Sarkastikong lingon ko sa kaniya kaya tinaasan niya ako ng kilay. “Oo, pero iiwan ko sana dito.. yo’n ang ginamit ko papunta dito eh-“ “Akin na ang susi, uunahan ko silang makarating doon.” Nakangising sambit ko sa kaniya. Umiling siya at ngumisi din sa akin. “Iba ka talaga.” Nakangising sabi niya sabay abot ng susi sa akin. “Salamat, Adrian.. see you tomorrow.” Nakangiting sigaw ko habang paalis. Mas mabilis ang byahe kung motor ang gagamitin kaya kung may balak man sila mama na sumunod ay uunahan ko na sila. Nakasakay na ako sa motor ni Adrian nung i-text niya sa akin ang location nina Tristan. Hapon na at hindi pa naman rush hour kaya naman walang traffic at mabilis akong nakarating sa pupuntahan ko. Inabot ng 20 minutes bago ako makarating sa de hermosa. Wala pa man ako sa location na sinabi ni Adrian ay napahinto ako sa isang tabi. Bumilis ang t***k ng puso ko nung makita ko kung sino ‘yung nakatayo sa di kalayuan nung makaratimg ako sa tapat ng building na gaganapan ng party nina Tristan. “Denise..” Bulong ko sa sarili ko nung makita ko siya. Mukha siyang namumutla nung makita ko siya. Agad agad akong bumaba at tumakbo papalapit sa kaniya nung makita ko siyang biglang na-out of balance. “Denise..” Sigaw ko nung masalo ko siya. Bakas sa mukha niya ang gulat nung makita niya ako pero kita kita ko sa mga mata niya ang hindi siya okay. “S-Shawn? A-anong g-ginagawa mo d-dito?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD