Shantal Napailing ako nung makita ko ang isang social media post tungkol kina Shawn at Denise na kung aaan ay mukhang nagtatalo sila pero pagkatapos no’n ay umalis din naman sila na magkasama at nagkahawak kamay pa. Agad kong sinara ang ipad na hawak hawak ko nung marinig kong bumukas ang main door at doon ko nakita si Frances na mukhang good tapos ay excited siyang lumapit sa akin. “Tita, Good Morning!” Nakangiting bati niya sabay beso sa akin. “Good mood?” Sarkastikong tanong ko sa kaniya kaya mas lalong lumawak ang ngiti niya. “You know what, Tita.. nalaman ko na nagta-trabaho si Denise sa isang kompanya nang hindi alam ni Shawn. Worst thing is.. she’s getting close with an employee. I think old classmate too but way too close.” Sarkastikong paliwanag ni Frances kaya napailing

