Maria Aliana
Nandito ako ngayon sa bahay ng mga Dela Costa. Kagabi pa ako hindi mapakali dahil hindi ko makontak si Denise pero yo’n pala ay magkasama sila ni Shawn. Kung paano at bakit? Ay yo’n ang hindi ko alam. Bigla na lang akong tinawagan ni Shawn kanina at nakiusap siya kung puwede raw ba akong pumunta dito para makausap ko siya. Mas lalo akong nag alala nung malaman ko mula sa kaniya na masama ang pakiramdam ng anak ko.
Hinihintay ko sina Denise at Shawn na bumaba kanina nung biglang dumating ang nanay ni Shawn at may kasama siyang isang babaing pamilyar na pamilyar sa akin.
Nanginginig ako at para akong napako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Dekada ang lumipas nung huli ko siyang makita.
“Anong ginagawa mo dito?” Mariin tanong ni Shantal sa akin pero nakapako ang tingin ko sa kapatid niyang si Shasia.
Akala ko noon maayos na ako, na kapag dumating ang araw na makita kong muli si Shasia ay wala na akong mararamdaman na kahit galit dahil wala na rin naman akong pakielam sa kanila ni Sancho eh. Pero hindi, dahil ngayon? Nanginginig ang buong kalamnan ko sa galit at gigil sa babaing sumira sa pamilya ko.
“Tinatanong kita, anong ginagawa mo dito?” Rinig kong mariing tanong ni Shantal pero hindi ko siya sinagot hanggang sa sabay sabay kaming napalingon nung marinig naming may pababa sa hagdanan at nakita ko si Shawn na bakas sa mukha ang gulat nung makita kaming tatlo.
“Shawn, anong ginagawa ng babaing to dito?” Sa pagkakataong ito ay si Shasia ang nagtanong sa pamangkin. Mataas ang tono ng boses niya at mukhang hindi yo’n nagustuhan ni Shawn.
“Don’t shut at her. Kayo nga ang dapat kong tanungin. Anong ginagawa niyo dito?” Mariin suway at kuwestyon ni Shawn sa kanila na kinagulat ng mama niya.
“You’re not welcome here.” Mariin pa niyang dugtong.
“Shawn, don’t talk to your tita that way-“
“Then she might as well learn how to respect my mother in law.” Mariin deklara ni Shawn kaya maging ako ay nagulat. Ibig sabihin, sila ni Denise ulit?! Napangiti ako sa nalaman ko. Mabait na bata si Shawn kaya wala akong nakiktang dahilan para tumutol sa relasyon nila ni Denise bukod sa Tita niya itong kabit at pang aagaw na si Shasia.
“Mo-mother in law? What the hell are you talking about?!” Gulat at inis na reaksyon naman ni Shantal sa sinabi ng anak.
“P-pumayag na si Denise sa proposal mo, anak?” Nakangiti at nagtatakang tanong ko kay Shawn tapos ay marahan siya tumango kaya kitang kita ko ang pagkadismayado ni Shasia lalong lalo na ni Shantal.
“What proposal? Hindi ako papayag, Shawn-“
“I got dad’s permission, Mom and also Tita Aliana’s too.” Sarkastikong deklara ng anak niya tapos ay ngumiti ito sa akin.
“Kung yan ang gusto ng anak kong si Denise. Wala akong magagawa..” Nakangiting sambit ko sa kanila at kitang kita ko ang inis sa mga mata nila Shasia at Shantal sa pinagsasabi ni Shawn.
“Ayaw mo niyo ba yo’n? Magiging isang one big happy family na tayo.” Mapang asar ko pang sabi sa kanila.
“Ma, does dad knew that you took that woman again? I bet hindi niya magugustuhang malaman.” Sarkastikong sambit nitong si Shawn kaya mas lalong nainis ang mama niya.
“Are you threatening me, Shawn? Ha?!” Mariing tanong ni Shantal sa anak pero umiling ito at ngumiti.
“No, Ma. But I know you know the consequences of everything.” Paalala nito sa ina.
“At sana hindi mo pa nakakalimutan ang ginawa ng babaing yan sa amin ni Adrian..” Seryosong sambit pa ni Shawn.
“You will regret this, Shawn.” Mariing banta ni Shantal sa anak bago hilahin papalabas ang kapatid niya na ang sama ng tingin sa akin pero binigyan ko lang siya ng isang matamis na ngiti.
“Sorry, Nay.” Rinig kong sambit ni Shawn bago siya lumapit sa akin.
“Apektado pa din ako kay Shasia pero nakita mo ba ang mukha niya nung sinabi niyang mother in law?” Sarkastiko at natatawang tanong ko kay Shawn.
“Nay, totoo po-“
“Kayo na ulit ni Denise?” Nakangiting tanong ko sa kaniya at isang ngiti at marahang pagtango ang sinagot niya sa akin.
“Nay, mahal ko po ang anak niyo. At gusto ko po siyang pakasalan. Sana po pumayag kayo.” Nakangiti pero nahihiya niyang sambit.
“Sinabi ko na noon hindi ba? Na kay Denise ang desisyon..”
“Alam mo kung hindi mo lang talaga Tita iyong si Shasia, botong boto at wala akong pag aalinlangan sa’yo..” Nakangiting sambit ko sa kaniya tapos ay biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko at parang nagiging emosyonal ako.
“Wala akong magagawa kung ikaw talaga ang gusto ng anak ko, Shawn. S-Suportahan ko kayo. Pero nak, kung sakaling dumating araw na ayaw mo na sa kaniya.. huwag na huwag mo siyang sasaktan, ibalik mo na lang siya sa amin.. ayokong nakikitang umiiyak ang anak ko nang dahil sa’yo.” Nakangiti pero emosyonal kong pakiusap kay Shawn.
“Huwag ho kayong mag alala hindi ko ho pababayaan si Denise.” Nakangiting pagpapagaan ng niya ng loob sa akin kaya napangiti ako sa sinabi niya at sasagutin ko sana siya nung bigla naming narinig ang boses ni Denise at paglingon ko sa may hagdanan ay nakita namin siyang nakatayo doon at mukhang nagtataka nung makita niya ako dito.
“S-Shawn…”
“Nay?” Mahinang sambit niya at bakas sa mukha niya ang pagkalito.
“Anak..” Nakangiting sambit ko sa kaniya bago siya bumaba at niyakap ako.
“Nay, ano pong ginagawa niyo dito?” Nagtatakang tanong niya sa akin pero umiling ako.
“Sinusundo ka. Ayos ka na ba? Ang sabi nito si Shawn eh masama daw ang pakiramdam mo kaya hindi ka na nakauwi.” Tanong at paliwanag ko sa kaniya tapos ay nakita kong nagkatinginan sila ni Shawn.
“Opo, nay. Ayos na ako.” Nakangiting baling niya sa akin kaya niyakap ko siya.
“Oo nga pala, Shawn. Ano nga pala ‘yung sinasabi mo kanina sa mama mo? B-bakit.. g-galit din ang papa mo kay Shasia?” Nag aalangang tanong ko kaya pati si Denise ay nagtataka akong tinignan.
“N-nandito ang mama mo kanina, Shawn-“
“Even that Shasia came here.” Sarkastikong kuwento ko kay Denise.
“Bakit sila pumunta dito? Dahil ba nalaman nilang nandito ako?” Nag aalalang baling ni Denise kay Shawn pero umiling lang ito at ngumiti.
“Hindi. Hinahanap nila si Tristan.” Seryosong sambit ni Shawn na kinagulat namin ni Denise.
“Don’t tell us.. Tristan is-“
“Shasia is my mother.” Sabay sabay kaming napalingon nung marinig namin si Tristan at nakita namin siyang nakatayo sa likuran namin.
“Denise.. Tita.. sorry po kung hindi ko sinabi ang tungkol doon. Alam ko po ang nangyari una pa lang. Nung lumipat kayo ulit dito. Ginawa ko lahat para sa kompanya makapag apply si Denise kasi.. gusto ko kayong tulungan kaya sorry-“
“Kung anak ka ni Shasia… ibig bang sabihin magkapatid kayo ni Denise?” Naguguluhang tanong ko kay Tristan pero umiling siya at bumaling kay Denise.
“Anak ka ni Shasia, Tristan ibig abihin anak ka din ni Papa, magkapatid tayo?”