Chapter 19

1364 Words
Denise Para akong tangang nakatulala habang nakikinig sa mga paliwanag ni Tristan. “Hindi, hindi tayo magkapatid Denise. Tito Sancho is just my step father. My biological father died in a car accident nung bata pa ako.” Paliwanag ni Tristan at bakas sa mukha niya ang lungkot at panghihinayang. “Pero bakit mo ako tinulungan?” Mausisa at takang tanong ko sa kaniya pero isang ngiti lang ang ibinigay niya sa akin. “Hindi mo kasalanan kung anuman ang kasalanan ng tatay mo. Isa pa, alam kong si mama ang mali at may kasalanan sa inyo kaya sino ako para magalit sa inyo?” Pag aalinlangang tanong pa niya at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya tapos ay napayuko siya na para bang nahihiya siya. “Kayo nga po ang dapat kong tangunin, galit po ba kayo sa akin, Tita?” Malungkot na tanong ni Tristan tapos ay binaling niya ang tingin niya kay Nanay. Sa tagal naming magkakilala. Naging malapit na din si Tristan kay Nanay at tinuring niya na din itong parang anak gaya nang kung paano niya tratuhin si Shawn kaya masakit para sa akin kung makikita ko silang magkasira o hindi magkibuan dahil lang sa anak siya ng babaing sumira sa pamilya namin. Hindi naman siya ang may kasalanan sa amin kaya labas siya do’n. Bumuntong hininga si Nanay at umiling. “Hijo, hindi ako galit. Sabi mo nga diba? Hindi kasalanan ng anak ang kasalanan ng magulang kaya kung anuman ang kasalanan ng mama mo sa amin, labas ka na do’n.” Nakangiting paniniguro at pag alo pa ni Nanay kay Tristan tapos ay niyakap niya ito. “Para na kitang anak eh.” Pabirong hirit pa ni Nanay kay Tristan kaya nakita ko sa ekspresyon niya ang pagkagalak at tuwa. Nagkatinginan kami ni Shawn at saka ako nguniti sa kaniya at lumapit tapos ay niyakap ko din siya. “S-Shawn, ano nga palang sabi ni Mama at Tita Shantal lalo na’t nakita nila dito si Tita Aliana?” Mausisa at baling na tanong ni Tristan sa amin tapos ay binaling niya ang atensyon sa pinsan niya. Ngumisi si Shawn at umiling. “As usual, they didn’t take it lightly. Pero huwag kang mag alala. Ayos na yo’n. I don’t may magiging problema.” Nakangiti at sarkastikong sambit ni Shawn. “How about Tito? Alam niya ba na bumalik na si Mama-“ “That’s the problem, hindi alam ni Dad. At sigurado akong hindi siya matutuwa kapag nalaman niya.” Mariin at sarkastikong sagot ni Shawn sa tanong ni Tristan kaya nagtataka akong nag angat ng tingin kay Shawn tapos ay kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. “B-Bakit nga ba galit ang papa mo sa tita mo?” Mausisa ko namang tanong at singit sa usapan nila kaya naman napailing si Shawn. “Tita Shasia is ambitious, she wants to always be the center of attention.” “Isa lang yo’n sa pinaka rason bakit ayaw ni Dad sa kaniya. One time, nakisuyo ang parents ko kay Tita Shasia kung puwede niya ba kaming bantayan ni Adrian. Busy kasi sila, pero instead of looking after us. Iniwan niya kami no’n sa condo niya. You were on your dad’s place that time, Tristan. Buhay pa no’n ang daddy mo at kaka-separate lang nila no’n, if I remembered ít correctly-“ “That was the time that mom is slowly introducing Tito Sancho to me while dad is pleading to her, because he wanted to fix their relationship.” Sarkastikong sambit ni Tristan habang inaalala ang nakaraan. “Pero ayaw na ni Mama dahil may iba na siya.” Sarkastikong sambit pa ni Tristan at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. “I guess, at nung mamatay ang daddy mo. She quickly married Denise’s father-“ “Dahil nakuha na rin ni Sancho lahat sa akin. Even ang college funds ng mga anak ko. Kinuha niya.” Malungkot na sambit ni Nanay habang inaalala ang nangyari noon kaya lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang mga kamay niya para damayan siya. “He’s really the worst, not surprised.” Komento pa ni Tristan. “So ayon, nung gabing iniwan niya kami sa unit niya. Ang sabi niya eh sandali lang siyang mawawala at hindi ko alam kung saan siya pumunta kaya wala naman kaming choice ni Adrian kundi mag-stay doon. We got nothing there. We don’t have any foods, we don’t have any medicine. Inatake no’n si Adrian pero wala kaming makitang gamot at naka-locked ang unit niya kaya hindi kami makalabas para makahingi ng tulong. Hanggang sa nagkasunog sa building kung nasaan kami. Hindi ko alam kung paano at saan nagsimula ang sunog pero umabot yo’n sa unit kung nasaan kami.” “Muntik na kaming mamatay. Buti na lang dumating si Daddy no’n..” Sarkastiko at emosyonal na paliwanag ni Shawn sa amin habang tahimik lang kaming nakikinig sa kaniya. Inabot ko ang mga kamay niya at bahagya kong minasahe iyon para pakalmahin siya. “Iyon ba ang rason kung bakit galit ang daddy mo sa kaniya?” Mausisang tanong ni Nanay kay Shawn pero umiling ito at isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Shawn. “Hindi ko din alam, Nay. Pero sa tingin ko, hindi lang ho yo’n. There are things that even mom couldn’t justify.” Sarkastikong paliwanag ni Shawn na para bang dismayado siya. “Ang importante. Malayo tayo sa kaniya and we have the freedom and choice to distance ourselves to her.” Nakangiting sambit ni Tristan na may halong lungkot sa boses niya. Alam kong kahit may hindi sila magkakaunawaan ng mama niya ay nanay niya pa din yo’n. Masakit para sa kaniya ang marinig ang mga ganitong bagay tungkol sa mama niya. “Oo nga pala. Na asikaso ko na ‘yung pinapaasikaso mo, Shawn.” Napa angat kami ng tingin kay Tristan nung bigla niyang inaba ang usapan kaya naman napatingin si Shawn sa akin tapos ay nabaling ang atensyon niya kay Nanay na nakangiti lang sa amin habang pinagmamasdan niya kami. “Gusto ko pong ituloy ang kasal namin ni Denise, nay-“ “Gaya ng sinabi ko noon at kanina, na kay Demise ang desisyon at wala sa akin.” Mariin at nakangiting sambit ni Nanay sa amin kaya sa akin na tuon ang atensyon nina Shawn at Tristan. “Denise..” Malambing na tawag ni Shawn sa pangalan ko tapos ay hinawakan niya ang mga kamay ko. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kaba dahil lahat sila nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot ko. Ngumiti ako at tumango. Kitang kita naman ang galak sa mga mukha ni Shawn dahil sa pagpayag ko. “Let’s go.” Nakangiting sambit ni Shawn tapos ay kinuha niya ang mga kamay ko at hinawakan yo’n ng mahigpit. “Saan tayo pupunta?” Nagtatakang tanong ko kay Shawn habang palabas kami ng bahay at kasunod namin si Tristan at Nanay. Makulimlim ang panahon kaya hindi masyadong mainit sa labas. Nanlaki ang mata ko at na mangha nung makarating kami sa garden nila dahil naka ayos yo’n at ang daming decorations. “Ang ganda!!” “A-anong meron dito, Shawn. May okasyon ba ngayong araw?” Nangiti at namamanghang tanong ko kay Shawn habang tinitignan ang buong paligid na maraming eed at white roses na design sa buong paligid. “Alam kong mabilis. Pero ayoko nang patagalin pa..” Panimulang sabi ni Shawn tapos ay binitawan niya ang kamay ko at nilingon niya ako. “I couldn’t wait, Denise.” Nakangiting at malambing na sambit pa niya sa akin kaya bumilis ang t***k ng puso ko dahil parang alam ko na kung anong ibig niyang sabihin. Maya maya pa ay biglang may inabot sa akin si Tristan na paper bag na dala dala niya kanina pa. Nag aalangan ako napa angat ng tingin kay Shawn nung makita ko kung ano ang nasa loob ng paper bag. Isang iyong puting bistida na may simpleng deseñyo lang at hanggang tuhod ko lang ang haba pero mukhang fitted sa akin. “Don’t tell me.. magpapakasal tayo dito, ngayon?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD