29. The Zoo

1331 Words
NAKASAKAY na sina Suzie sa kotse ni Luis at lahat na pero hindi pa rin mawala ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa hiya. Hindi siya komportable na nakita nito ang—ang katawan niya. Nakakahiya talaga. “Hey, ano’ng problema?” tanong ni Luis nang malamang ay mapansin nitong kanina pa siya tahimik. Parang gusto niyang magtago sa kasuluksulokang bahagi ng mundo ng mga oras na iyon. “W-Wala.” “Kung inaalala mo pa rin ‘yong kanina, `wag kang mag-alala. Sexy ka naman kaya wala kang dapat na itago o ikahiya.” Nahampas niya ito ng malakas sa braso nito na ikinatawa lang nito. Hindi siya sanay sa makulit at maharot nitong personality. But she likes this side of him. Pakiramdam din niya ay kunti lang ang nakakakita sa side nitong iyon. “Hindi ko akalaing ganyan ka.” Tumaas ang isang kilay nito at saglit siyang tiningnan bago muling binigyang-pansin ang pagmamaneho. “Ganitong ano?” Hindi niya ito sinagot dahil wala naman siyang maisagot. Ano nga ba? Palagi itong seryoso tapos ngayon ay bigla-bigla na lang nitong ipapakita sa kanya ang pagiging playful nito. Shock pa rin siya sa mga ikinikilos nito kaya hindi niya ito magawang sabayan. “Huwag ka ng mahiya, Suzie. Maganda naman eh. Maganda ka naman talaga.” “Tigilan mo nga ako Luis. Ano ang nakain mo at ganyan ka magsalita ngayon?” Saglit na tila nag-isip pa ito. “Ahm…kanin, bacon, egg at candy.” Kumunot ang noo niya. “Kasali sa agahan mo ang candy?” Nagkibit-balikat lang ito. Napanganga siya. Hindi kasi ito ang tipo ng taong mahilig sa matamis. Well, iyon ang tingin niya. Masyado kasi itong…manly. At kadalasan sa mga lalaki ay hindi naman mahilig sa matamis. Ayon sa mga nababasa niyang nobela. O iyon lang ang paniniwala niya dahil wala naman talaga siyang alam tungkol sa opposite s*x? “O, bakit ganyan ang reaksyon mo?” tanong nito. “Wala namang masama sa candy ah?” tila defensive na sabi nito. “Buti hindi nasira `yang ngipin mo.” “Nagsisipilyo naman ako pagkatapos.” “Sabi ko nga.” Mayamaya ay tumigil na ang kotse nito. “Nandito na tayo.” Nilingon niya si Gelo. “Nandit—kaya naman pala natahimik.” Nakatulog na pala ang kapatid niya kaya hindi na ito sumasabat sa usapan. At talagang inukopa pa nito ang buong backseat. Parang sarap na sarap ito sa tulog nito. “Gigisingin pa ba natin?” Napakislot siya dahil sa boses ni Luis. Tumango lang siya. Bumaba siya ng kotse para lumipat sa backseat at gisingin ang kapatid. Nang magising ito ay excited na nagtatatalon ito at nauna pa sa kanilang dalawa na tumakbo sa entrada ng zoo. Napailing na lang siya. “Mga bata talaga.” “Hayaan mo na. Active lang talaga ang mga bata.” sabi ni Luis at hinawakan ang kamay niya. “Tara na.” Parang mapupugto ang hininga ni Suzie nang ipagdaop ni Luis ang mga kamay nila. Hindi naman niya magawang bawiin ang bihag nitong kamay niya sa kadahilang hindi lang talaga niya magawa. Isa pa, masarap sa pakiramdam ang pagdadaop ng mga palad nila. Nararamdaman niya ang kakaibang pintig na iyon ng kanyang puso pero hindi na siya masyadong nagulat pa roon dahil sa tuwing magkakalapit sila ni Luis at nararamdaman naman talaga niya iyon. Nasanay na siya. “Hala, sayang naman wala tayong camera ate.” sabi ni Gelo habang nagniningning ang mga matang nakatingin sa liyon. “May camera ang cellphone ko.” sabi ni Luis, saka inilabas ang bagong labas na modelo nitong cellphone. Pinakawalan nito ang kamay niya at bahagya siyang itinulak sa tabi ni Gelo. “Say cheese!” Bago pa siya makagalaw ay na-click na nito ang camera. “Hey!” reklamo niya. “I-delete mo `yon. Hindi pa nga ako nakakapag-smile eh.” “Sige isa pa…Gelo, usog ka ng kunti sa kanan, ikaw rin Suzie para makita ang lion sa background.” Sinunod niya ito. Sunud-sunod naman ang ginawa nitong pag-click sa camera ng cellphone nito. Lumapit si Gelo sa isang lalaking napadaan at hinila ang laylayan ng suot nito. “Bakit bata?” tanong ng lalaki kay Gelo. “Puwede n’yo po ba kaming kunan ng larawan ng ate ko at ni Kuya Luis? Please po.” Ngumiti naman ang lalaki at ginulo ang buhok ni Gelo. “Sure. Iyon lang pala eh.” Ibinigay ni Luis ang cellphone nito sa lalaki at tumabi sa kanya. Nasa gitna nila si Gelo. Nagbilang ng hanggang tatlo ang lalaki. Pagkasabi nito ng tatlo ay nilawakan niya ang ngiti pero ganoon na lang ang gulat niya nang maramdaman ang pagdampi ng labi sa pisngi niya. Nilingon niya ang salarin at nanlaki ang mga mata niya ng mahuli si Luis sa akto. Nang mapansin nitong nakatingin siya rito ay kinindatan pa siya bago halikan ng smack sa—sa labi! Graciousness! Pwede na siyang mamatay. “Salamat po!” masiglang sabi ni Gelo sa lalaki. Hindi na niya napansin iyon dahil titig na titig lang siya sa mukha ni Luis na nakatitig din naman sa kanya. Naramdaman na lang niya na hinila-hila ni Gelo ang laylayan ng kanyang suot na blouse. “Ate, and cute ng lion!” ***** Kasalukuyang kumakain sina Suzie sa isang maliit na kainan na malapit lang sa zoo. Katatapos lang nilang libutin ang zoo. Nakaramdam na siya ng pagod ng mga sandaling iyon at nagparamdam na rin ang tiyan ng kapatid niya. Noon lang din niya naalalang wala pa nga pala silang tanghalian na dalawa. Alas tres na ng hapon kaya pareho na silang nalipasan ng gutom. Sa lakas ng tunog ng tiyan nito ay hindi na siya nagulat pa nang marinig iyon ni Luis kaya nagdesisyon ang binata na kumain na muna sila. Maganang kumain ang kapatid niya habang siya ay halos hindi na malunok ang pagkain. Nagpaalam si Luis kanina na magbabanyo lang daw ito pero natagalan naman ito at hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik. Nang maisip si Luis ay hindi maiwasang pamulhan siya ng mga pisngi. Naaalala pa niya ng sariwa ang nangyari kanina. Iyon ang unang halik niya kahit na ba napakabilis lang niyon at hindi umabot ng isang minuto. Hanggang ngayon ay may kiliti pa rin siyang nararamdaman sa kanyang Sistema. Kung hindi dahil sa nakababata niyang kapatid ay hindi pa siya matatauhan mula sa pagkakatulala. “Ayos ka lang?” Napakislot siya nang makaramdam ng mainit na palad na dumapo sa kanyang noo. Hindi pa man niya nakikita ang nagmamay-ari ng kamay na iyon ay alam na niya kung sino dahil sa pamilyar na t***k na iyon ng puso. “L-Luis…” “Ayos ka lang? Namumula ka.” “Ate, naiinitan ka ba? Sa bagay, mainit naman talaga rito.” singit ng kapatid niya. “H-Hindi naman.” Inabutan siya ni Luis ng bottled mineral water. Tinanggap naman niya iyon at tinunga. Halos maubos niya ang laman niyon. Nagbuga siya ng hangin pagkatapos uminom. Natawa naman si Luis sa tinuran niya. “Dahan-dahan lang.” “Wow!” malakas na sambit ni Gelo. Pareho silang napalingon ni Luis dito. Hawak nito ang cellphone ni Luis at para bang may kaiga-igaya itong nakikita roon. “Kung alam ko lang na magki-kiss pala kayo, eh di sana umalis na ako sa picture na ito. Perfect na perfect ang pagkakakuha. Siguro ay photographer si Kuya.” Nag-init ang mukha niya dahil sa pinagsasabi ng kapatid. Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero hindi siya pinansin nito. Natawa naman si Luis sa mga pinagsasabi ni Gelo. Para bang gustung-gusto nito ang mga naririnig. “Well, little, boy, next time, umalis ka na lang sa picture para makadiskarte ako sa kapatid mong manhid.” “What?” marahas ang naging paglingon niya kay Luis. Nginitian lang siya nito. “Hoy, hindi ako manhid.” “Hindi nga ba?” “Hindi.” “Then you know that I’m courting you?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD