NAMILOG ang mga mata ni Suzie dahil sa sinabi ng kapatid niya. Tama ba ang narinig niya? Bumisita si Luis sa bahay niya?
“What? Ano’ng ginagawa ng lalaking `yon dito?”
“Baka manliligaw. Nagpaalam na iyon sa `kin no’ng unang punta niya rito eh. At dahil alam kong crush mo siya, pumayag na rin ako.”
Mas lalo lang nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ni Gelo. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito sa kanya. Kinilig siya dahil sa nalamang iyon.
“Bakit ngayon mo lang `yan sinabi sa `kin?”
“Hindi ka naman nagtatanong ate eh.”
“Heh,” inirapan niya ang kapatid. “Ginu-good time mo lang ako eh,”
Nagtagpo ang mga kilay nito at humalukipkip. “Kung ayaw mong maniwala, tanungin mo na lang ‘yong lalaki.”
Tumatambling yata sa loob ng dibdib niya ang puso niya. Hindi niya gustong seryosuhin ang sinabi ni Gelo, pero hindi pa rin niya maiwasang hindi mangarap.
“Ano’ng ipinakain sa `yo ng lalaking iyon at botong-boto ka sa kanya?” tanong niya rito.
Ngumisi si Gelo. “Fried chicken.”
“Aba’t—”
“Bilisan mo na ate. Baka mainip `yong manliligaw mo.”
Akmang kukurutin niya si Gelo pero mabilis na tumakbo ito papasok sa bahay habang tatawa-tawa pa.
Napilitan na rin siyang sumunod dito. She tried to fix herself a little before going inside her house.
Pakiramdam ni Suzie ay huminto sa pagtibok ang puso niya nang makita si Luis na nakatayo sa gitna ng sala ng maliit niyang bahay. Para itong prinsipe na dumalaw sa bahay ng alila nito. Masyado itong out-of-place. Nakasuot ito ng manipis at maluwang na white v-neck shirt na tinirnuhan nito ng itim na fitted jeans. Para itong isang modelo na rarampa sa ranway.
Nang lingunin siya nito ay binigyan siya ng matamis na ngiti na nagpatunaw ng kanyang mga tuhod. Napahawak siya sa sandalan ng upuang nilang gawa sa kahoy.
Kaagad naman na nilapitan siya ni Luis. “Okay ka lang?”
Tumango siya. “Nahilo lang yata ako dahil sa dami ng nilalabhan ko.” Dahilan niya para hindi nito mahalata na ang ngiti nito ang nakapagpanginig ng mga tuhod niya.
Inalalayan pa siya nitong makaupo sa kawayang sofa nila.
“D’yan ka lang muna.”
Napakunot-noo siya nang magpunta ito sa kusina nila. At doon lang din niya napansing wala na pala si Gelo. Lagot sa kanya ang kapatid niyang iyon mamaya.
Pagbalik ni Luis ay may hawak na itong isang basong tubig na ibinigay sa kanya. Sinalat pa nito ang noo niya na kaagad niyang inilayo.
Nagtatanong ang mga matang tiningnan siya nito.
Namumula siya sa hiya. “P-Pawisan ako.”
A small smile crept to his lips and he pulled her to him. “Silly.”
Naglabas ito ng panyo mula sa bulsa sa likod ng pantalon nito at ito na mismo ang nagpunas sa kanyang noo. Bakit ba ginagawa nito iyon? Gusto ba nitong atakihin siya sa puso sa murang edad niyang iyon? This guy knows his charm, and he knows how to use it well.
“Hindi ka na ba nahihilo?”
Nababanaag niya ang pag-aalala sa boses nito kahit na ba para itong walang emosyon kung titingnan.
“Hindi na. Okay na ako.”
“Good.”
Umayos ito ng upo sa tabi niya.
“Bakit ka nga pala nandito?”
Nahihiyang ngumiti ito sa kanya and she was captivated by his shy smile. “Yayayain sana kita na pumunta sa zoo. Actually, kayong dalawa ni Gelo.”
“Pero…”
“Oh, bago ko makalimutan.” May kinuha ito sa likod nito at nanlaki ang mga mata niya nang makita iyon.
Nagsimulang magwala ang puso niya. Isang bouquet ng pulang rosas ang iniabot nito sa kanya na kiming tinanggap naman niya.
“Hindi mo naman kailangang bigyan ako ng ganito.”
“It’s fine. Isa pa, ano ba ang ginagawa ng mga manliligaw?”
Napasinghap siya sinabi nito habang nanlalaki ang mga mata. Kinindatan pa siya nito na resulta ng muntik na niyang pagkahimatay.
My goodness!
Hindi niya akalaing makikita ang isang playful Luis. Palagi kasi itong seryoso sa lahat ng bagay kaya nakakapanibagong makita itong ganoon. Hindi kaya…
“Hindi ka naman siguro si Vergel, `no?”
Sinimangutan siya ni Luis. “Akala ko kaya mo na kaming i-identify sa isa’t-isa.”
Nakita niya ang pagkawala ng sigla sa mga mata nito. Pinagsisihan tuloy niya ang mga sinabi. Nang mga oras na iyon ay gusto niyang pukpukin ng martilyo ang ulo niya.
“Tama ba ang narinig ko? Gusto mo akong ligawan? Hindi mo ako jinojologs lang?”
Seryoso siyang tiningnan nito kaya kinabahan siya. “I am not joking.”
“Luis…”
“Ate! Punta na tayo ng zoo.”
Pareho silang napalingon kay Gelo na ngayon ay nakadamit panlakad na at talagang nagawa pa nitong patayuin ang buhok. Nginitian siya ng malapad ng kanyang kapatid.
“Aba! Sino’ng may sabi sa `yong magbihis ka?”
“Sasama naman tayo kay Kuya Luis, `di ba? Hindi ba? Hindi pa ako nakakapunta ng zoo, Ate.” Sa pagkagilalas niya ay binigyan pa siya ni Gelo ng puppy look. Hala! Ano ang nangyari sa kapatid niya?
“Ate, please?” At nag-puppy eyes pa ito.
Napabuntong-hininga na lang siya. “Ano pa ang magagawa ko? Eh nakabihis ka na.”
Ano nga kayang pinakain ni Luis sa pilosopo niyang kapatid?
Tumalon pa talaga ito at nag-thumbs up kay Luis. “Yehey!”
Napasimangot siya. Parang naisahan yata siya ng dalawang kumag na ito ah.
Hinila ni Gelo ang kamay niya. “Magbihis ka na, Ate!”
“Huwag mo nga akong hilahin. Magbibihis naman ako eh. Pinagkaisahan pa ninyo akong dalawa.” Pero natigilan din siya. “Naku, hindi pala puwede.”
“Bakit?” sabay pa na tanong nina Gelo at Luis.
“Hindi ko pa tapos ang mga nilalabhan ko. Wala na akong oras para maglaba bukas dahil may pasok pa ako sa trabaho.”
“Huwag mo ng alalahanin ang mga lalabhan mo. Mag-relax ka muna ngayong araw.” sabi ni Luis.
Marahas ang naging pag-iling niya. “Hindi puwede. Kailangan kong tapusin iyon.”
“Ate, ito na ang pagkakataon na makakapunta ako sa zoo tapos hindi ka naman pala papaya?” nakalabing sabi ng kapatid niya.
“Gelo—”
“Alam ko kung ano `yang sasabihin mo. Na mapupuntahan naman natin ang lahat ng lugar na gusto nating puntahan kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral pero Ate, malayo pa `yon eh. Malaki na ako no’n at hindi ko na gusting pumunta sa zoo.”
Bumuka ang bibig niya para makipag-argumento rito pero naunahan siya nito.
“At kung sakali mang gusto ko pa ring pumunta sa zoo ay magiging masyado na akong abala para doon.”
Nakonsensiya naman siya sa sinabi ng kapatid kaya napatango na lang siya. Siguro ay tatapusin na lang niya ang labada mamaya pagkauwi nila sa zoo.
Ngumiti si Gelo. “Magbihis ka na Ate. Hindi ka na nahiya kay Kuya Luis. Siya parang prinsepe samantalang ikaw parang basahan.”
Pinanlakihan niya ng mga mata ang kapatid na nginitian lang siya. Walang utang na loob itong kapatid niya. Siya na nga ang naglaba, pinahiya pa siya nito sa harap ni Luis. Desinte naman ang suot—
Napatingin siya sa sarili at sa nanlalaking mata ay napabaling sa salamin nila na nasa gilid ng pinto. Nakita niya roon ang sarili at naihiling niya na sana ay lamunin na siya ng lupa.
Tama nga si Gelo, kumpara kay Luis, mukha nga siyang basahan. Nakasuot kasi siya ng malaking kulay putting t-shirt na basa dahil nga naglalaba siya. At napaghahalataang wala siyang suot na panloob!
Biglang naitakip niya ang braso sa harap ng dibdib niya habang ramdam ang pagkalat ng kulay sa kanyang mukha.
Isa pa, maikling shorts lang ang suot niya kaya kitang-kita ang hindi naman kagandahan niyang legs. Magulo ring naka-bun ang buhok niya na ginamitan lang niya ng lapis dahil hindi na siya nagsuklay pa kanina.
Kung alam lang niyang darating ang lalaking ito.
Napalunok siya bago tumingin kay Luis. Nakatingin ito sa kanya—sa katawan niya! May kakaibang damdamin siyang nakita roon kaya mas lalo siyang nahiya.
Nag-angat ito ng tingin at nagsalubong ang mga titig nila. He smiled slowly at her and it was like watching a slow motion movie where the hero was focus.
Parang may kiliti siyang naramdaman sa puso.
“I appreciate…” Hinagod nito ng tingin ang katawan niya. “your body.”
Pakiramdam niya ay sasabog siya sobrang init na nararamdaman. Mabilis na tumakbo siya papasok sa kanyang kuwarto pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang palihim na kindatan ng nakababata niyang kapatid at ni Luis.