CHAPTER 11

1671 Words
Faith Pinilit kong iwaksi ang nararamdaman kong galit kay Philip. I thought that it’s not worth of my time putting some f*****g emotion to him. Nagustuhan ko man ang nangyaring halikan ng gabing iyon, galit ako dahil pakiramdam ko, naloko ako. It was like a spurt of heated desire kaya nadala ako sa mga halik at haplos niya. Pero bakit nga ba ako nakakaramdam ng ganito? Eh hindi naman kami? Naloko… I shook my head. I shouldn’t feel this. Napakawalang kwentang mag-dwell sa ganitong nararamdaman. I should stay cool and act like I don’t mind his effect on me. The hell with him! Yeah, that’s it. Hindi na kami mga bata. I have to deal this like it’s nothing. Kakalimutan ko na lang ang nangyari. But damn him, he’ll never be easy on me now. He will not expect goodness on me. Tatratuhin ko na lamang siyang isang kakilala na mababaw ang pagkakakilanlan. Sa mga nagdaang araw, I maintain my stoic aura and coldness towards him. Nakikipag-usap lamang ako sa kanya kung tungkol lang iyon sa renovation ng mansyon. Nakakakuha naman ako ng updates sa engineer na nakatoka rito kaya madalas, hindi ko na siya pinapansin pa. But he’s very eager to get my attention that I started to get irritated with his presence. Kung hindi ko lang talaga sa firm niya ipinahawak ang project na ‘to, nungkang papansinin ko ang lalaking ‘to! “Banjo, ikaw muna ang bahala rito ah?” Ani ko sa kasama na kalaunan ay naging matalik ko ng kaibigan. “Saan ka pupunta, Madam?” Nasa tent kami ngayon. Nagpapainit siya ng tubig sa takure, ang naunang nainit na tubig ay tinitimpla na niya para sa panghapong kape ng mga trabahador. I received a billing statement from Philip’s secretary. Kailangan ko na ulit magbigay ng partial payment para sa renovation. “Sa siyudad, magwi-withdraw.” Tipid kong sagot. Tumango siya at saka muling binalingan ang ginagawa. Nagsasalin na siya ng tubig sa mga nakahilerang coffee mugs. Sanay na siya sa pakikitungo ko. Hindi iyon naging problema sa kanya. Kaya kahit madalas ko siyang sungitan, hindi niya iyon iniinda. Siya lang, sa mga taong narito, ang kayang umintindi sa kagaspangan ng ugali ko. “Babalik ka pa ba rito, Madam?” Muli niyang tanong. Nabitin ang pagsagot ko sa kanya dahil narinig ko ang pamilyar na ugong ng sasakyan sa harap ng gate. The side of my lips rose in irritation. My eyes glared in his car with so much annoyance. At kahit alam ko na kung sino ang bababa roon, hindi ko inalis ang pagkakatingin ko sa sasakyang dumating. “Madam?” Tawag sa akin ni Banjo. Doon lang napukaw ang atensyon ko. Bumaling ako sa kanya. Hawak ang dulo ng sigarilyong sinindihan ko kanina, tinaktak ko ang upos no’n at saka muling hinithit. “Hmm?” Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng sasakyan niya. Hindi ko maiwasang mataranta sa presensyang dala niya rito. Pakiramdam ko, kakausapin na naman niya ako, na ayaw ko nang mangyari. I saw in my peripheral vision that he’s heading to our tent. Lalong dumagdag iyon sa iritasyon ko. I tried my best to stay calm and remain my reactions bland kahit ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Why am I suddenly feeling nervous? Eh si Philip lang naman ‘to! Nakita kong nakasunod din ang tingin ni Banjo sa taong kararating lamang. Habang ako, abala ako sa pag-iisip kung paano ko iiwasan ang lalaking unti-unting lumalapit sa pwesto namin. “Good afternoon.” Bati niya. Napansin ko ang bitbit niyang puting plastic bag na may dalang pagkain at inilipag niya iyon sa maliit na mesa. Hindi ko siya pinansin, katulad sa kung paano ko siya pakitunguhan noong mga nakaraang linggo. Na kay Banjo lang ang tingin ko pero ang herodes ay nakangiti na ngayon sa lalaking kinaiinisan ko. “Good afternoon din po, Engineer!” Malugod na bati niya rito. Tumaas ang isang kilay ko. Tss. Siya itong nagtatanong sa akin pero dumating lang ang idol niya, hindi na ako pinansin? Sinitsitan ko si Banjo para mabaling ang atensyon niya sa akin. “Aalis na ako.” Nalipat ang mga mata niya sa akin at makailang ulit na tumango. I threw the cigarette butt and left them immediately. Alas dos na ng hapon. Dadaan pa ako sa hotel room para mag-shower bago tumulak sa siyudad. It’s a 40-minute drive pero kung magmamadali ako sa pagmamaneho, kaya kong makarating doon sa loob ng beinte minutos lamang. Narinig ko ang nagmamadaling pagpapaalam ni Philip kay Banjo. Ayokong mag-assume pero tingin ko, susundan niya ako. Hindi ako nagkamali, dahil akmang bubuksan ko pa lang ang pintuan ng sasakyan ko, pinigilan niya ang mga susunod na kilos ko sa pamamagitan ng paghawak sa aking siko. “Faith!” I was halted. I threw sharp gazes at him. Tikom ang mga labi ko habang mariin ang pagtitig ko sa kanya. However, he looked hopeful…or rather hopeless. Ang mga nangungusap na titig niya sa akin ay tila nangungumbinsing pansinin ko ang pagtawag niya sa akin ngayon. Kalmado kong binawi ang siko kong hawak niya pa rin hanggang ngayon. Hindi ako nagpaapekto sa pinapakita niya sa akin. I remained my cold gestures at him. “Yes, Engineer De Guia?” I said icily. Napalunok siya. Kitang-kita ko ang paggalaw ng Adam’s apple niya. He was taken aback with my cold interaction towards him, na resulta ng hindi niya agad pagsagot sa akin. “May sasabihin ka ba? I’m on my way to the bank in the nearest city. Nagpadala na ng billing—-“ hindi ko na natapos ang mga sasabihin dahil agad niya akong pinutol sa pagsasalita. “Let’s talk.” Mahinang sabi niya. My brow raised at that. I wanted to be rude at him but that will only make me looked so damn affected. So instead of letting my irritation rule my mind, I smiled at him. And yeah, that even made him more puzzled, based on his reactions that I’m seeing right now. “We’re talking now.” “I-I mean…” he sighed. “I want to talk to you in a more private place.” At saka inilinga ang tingin sa paligid. I scoffed sarcastically. Tingnan mo nga naman ang gagong ‘to. Hihingi ng pagkakataong mag-usap kami. Heto na nga’t hinaharap ko na siya ngayon pero hindi pa rin nakukuntento. Gusto pang makipag-usap sa mas pribadong lugar! Kumulo ang dugo ko sa ideyang pumapasok sa utak ko. Hindi ako inosente pero maliwanag pa sa sikat ng araw ang iniisip kong gusto niyang mangyari. I won’t allow it anymore. “We can talk here, Engineer. Para saan ba ang pag-uusapan natin?” “Faith…” he said a bit impatient now. “Or maybe, we can talk about it some other time. Kailangan kong habulin ang cut-off sa bangko.” Malamig na sabi ko. He licked his lower lip. Namula iyon dahil sa ginawa niya. Awtomatikong bumuhos ang mga alaala ng mga halik niya sa akin nang gabing ‘yon. The hot kisses that we shared, his sensual touches throughout my body that almost consumed my sanity and the kind of heated response that he brought me, lahat ‘yon, sa simpleng ikinilos niya, pakiramdam ko, bumalik lahat iyon sa sistema ko. Shit! This is f*****g crazy! “The bill can wait, Faith—-“ Mapang-uyam akong ngumisi sa kanya. “At ang tawag ng laman, hindi?” Nangunot ang kanyang noo, tila hindi agad nakuha ang gusto kong sabihin. “Why do you want us to talk in a more private place? This is already private. No one will hear us.” “I just want to clear something the last time we’re okay.” He said patiently. “Ano’ng sinasabi mo?” Patay malisya kong tanong sa kanya. Ayoko nang pag-usapan pa ang nangyari sa amin ng gabing ‘yon. Ginusto ko man, alam kong hindi tama. Hindi ko dapat hinayaan na mangyari ‘yon. He has a girlfriend. Ayokong makasakit ng kapwa ko babae. After all, I’m still a woman, too. Hindi ako kailanman nakaranas ng panloloko ni Earl sa akin pero alam kong sobrang sakit ang maidudulot no’n kapag natuloy nga ang nangyari sa gabing ‘yon. I smiled, Earl is really a gentleman, unlike this man in front of me. He didn’t speak. I used that chance to strike more para matigil na siya. “Is it about what happened that night?” Mayabang na tanong ko. Damn you, Philip! It’s my ego now that’s talking here! Tumango siya. I mocked his answer through my insulting chuckles. “Don’t worry, it’s nothing to me.” I added, still cold towards him. Pain and confusion lashed out in his eyes when I uttered my uncoated words. Hindi ko alam kung bakit pero I felt satisfied when I saw it in my own eyes. It was like a victory on my part. Gumaan ang pakiramdam ko. Parang naiganti ko na rin ang sarili ko noong araw na nakita kong bumaba ang babae sa sasakyan niya. Umiling siya. Hindi makapaniwala sa narinig sa akin. I smirked evilly, sinigurado kong masasaksihan niya kung paano ako trumato sa mga taong iniisahan ako. “I know that your cold and adamant but damn…” umiling siya at binasa ang ibabang labi gamit ang kanyang dila. “Your tongue stings.” Lalong lumapad ang ngisi ko. I’m good at this, refusing other people. Breaking my connections with them. Not explaining my behalf because no one will f*****g understand me. I moved closer to him. Matangkad siya kumpara sa akin pero hindi nalalayo ang taas ko sa kanya. I touched his rough jaw and carressed it while plastering my mocking stares at him. I felt him stiffened with my touch but he remained unmoved. “You don’t know me yet. If you won’t f**k off, I will be your destruction.” I said grimly. I gently patted his cheek before I left him there.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD