CHAPTER 12

1681 Words
Faith Napansin ko ang unti-unting pag-distansya ni Philip sa akin. Hindi ko na siya nakikita rito sa site pagkatapos naming mag-usap. Ang mga site engineers na lang niya ang nagbibigay sa akin ng update sa progreso ng pagpapaayos ko sa mansyon na ito. Pero ang sabi ni Banjo, nagpupunta pa rin daw iyon dito. I shrugged my shoulders. Baka itinataon niyang wala ako rito kaya hindi kami nagpa-pang-abot. Okay na rin 'yon. Wala na rin naman sa akin ang nangyaring halikan noong gabing iyon pero ang malamang may girlfriend siya ang hindi ko matanggap. I don't want to put myself in trouble. I started to involve myself again in the clinic kahit na nandito ako sa probinsya. I mostly do administrative, hindi na ako tumatanggap ng pasyente dahil hindi ko naman sila personal na nakikita. Isa pa, I'm still the co-owner of the clinic kaya kailangan ko rin iyon pagtuunan ng pansin. Sa aming dalawa ni Earl, mas may kakayahan siyang mamuno ng isang klinika. Hindi katulad ko na mas may kumpyansa kung sa pasyente lang ang atensyon ko. We started in a small clinic but we managed to sustain and expand it by establishing different branches in the city. Kaya nang mapabayaan ko iyon ay ibinigay ko pansamantala ang pamumuno kay Ate Priscilla. Kuya Onyx has a hospital to take care of. Hindi niya na mahe-handle pa iyon. Mabuti na lang, hindi iyon napabayaan sa mga panahong napabayaan ko rin ang aking sarili. "Ma'am Faith, pwede ba kitang makausap?" Ani Engr. Mark sa akin isang hapon pagkatapos mag-pack up ng mga trabahador. Nilingon ko siya. Kasalukuyan naman akong nagtitimpla ng kape sa tent. Kung tutuusin, pwedeng sa loob ng kusina maglagay ng ilang gamit pero pinili kong dito pa rin muna pansamantala. I want it to be fully finished bago namin tuluyang gamitin. "Sure," sagot ko. "Coffee?" Alok ko. Napakurap-kurap siya. Tila nagulat sa inasal ko. I smirked. Muli ko siyang tinalikuran para kumuha ng isa pang tasa. I made another coffee for him. "Black?" Muli kong tanong nang hindi na siya nililingon. "Y-Yes, Ma'am." Nauutal na sagot niya. Hindi ko naman masisisi ang mga tao rito dahil sala sa init, sala sa lamig ang ugali ko. Si Banjo lang ang nakakatagal sa akin. Sa ilang buwan na naming magkasama rito, tanging siya lang ang nakakatiis na kausapin ako ng matagal. Maingat kong kinuha ang tasa ni Engr. Mark para ibigay iyon sa kanya. Sobrang init ng tubig! Napapaso pa ang balat ko sa paghawak ko sa tasa. "Engineer—-" "Tulungan na kita, Ma'am!" Agap niya sa akin. I handed the cup carefully. Medyo ramdam ko na ang sakit sa mga daliri ko dahil kahit sa handle ako nakahawak ay mainit pa rin iyon. Naginhawaan lang ako nang tuluyan na niya iyong nakuha. "Salamat, Ma'am." Aniya. Tumango ako. "Tungkol ba saan ang pag-uusapan natin?" Tanong ko habang hinihipan ang kape ko. "Malapit na pong matapos ang renovation ng mansyon mo, Ma'am. Kaunti na lang po sa interior." Esplika niya. Tumangu-tango ako. "Mabuti naman kung ganoon. Kailan ko ba pwedeng lipatan?" "Pwede na po kayong lumipat anytime, Ma'am. 'Yong sa mga kwarto sa second floor na lang po ang tatapusin namin." "Eh 'yong master's bedroom?" "Tapos na rin po." sagot niya. Humigop ako ng kape. Hawak ko ang tasa sa kanang kamay at ang kaliwa ko naman ay nakapamaywang. "Sige, lilipat na ako sa weekends. Masyado ko nang pinayayaman ang amo mo, eh!" Biro ko sa kanya saka mahinang humalakhak. Hindi siya agad nakasagot pero mukhang nakabawi naman nang tipid siyang ngumiti sa akin. Man, what did I do? Sobrang rude ko ba kaya takang-taka siya sa mga inaasal ko ngayon? "Sa hotel ka pa rin po ba nila tumutuloy, Ma'am Faith?" Normally, I won't entertain questions that includes some of my information to people I barely know. This man worked with me in this project for a couple of months now. Ayos din naman siguro kung buksan ko rin ang sarili kahit kaunti? "Oo," inubos ko ang natitirang kape na nasa tasa ko. "Paano mo nalaman?" Sabay lingon ko sa kanya. Nakita ko ang pag-aalangan sa kanyang itsura, tila hindi sigurado kung paano niya sasagutin ang tanong ko. Only Banjo and Philip know where I am staying. O baka naman naitanong na rin niya iyon sa kanila? Banjo stays here most of the time. And by his talkative nature, hindi imposibleng naikwento niya na iyon sa kanya. Ganoon din siguro kay Philip. "Nakita kasi kita minsan doon, Ma'am Faith." "Ah..." Coincidence pala. "Sa...resto bar ng hotel. Ano, ahm…kumakain ka mag-isa." Pagpapatuloy niya. Tumangu-tango ako. So that explains why. "Sa tingin mo, mga ilang linggo pa ang bubunuin ninyo bago matapos ang renovation?" "Nasa isa o dalawang linggo po." Inilapag ko ang baso sa mesang naroon at saka ko siya nilingon. "Engineer—" "Ma'am Faith—" Pareho kaming natigilan nang sabay naming tawagin ang isa't-isa. Nagtama ang mga mata namin. Ilang segundo kaming nag tantiyahan kung sino ang unang magsasalita pero walang may lakas ng loob sa aming dalawa kung sino ang mauunang babasag ng katahimikan. I don't know but I find it humurous. Ako ang unang bumasag sa titigan namin at tuluyan na akong natawa ng bahagya dahil sa pagkakatigil naming dalawa. I nodded once, "Ano 'yon?" He chuckled, too. "May...salo-salo po kami mamaya, pagkatapos ng trabaho." "Talaga? Saan?" "Sa bahay namin, Ma'am..." he massaged his nape. "Birthday ko kasi ngayon, iimbitahan sana kita." Sandali akong nag-isip. Papaunlakan ko ba ito? Sabagay, maliban sa wala naman akong gagawin pagkatapos nito, hindi naman siguro masama kung paminsan-minsa'y o-oo rin ako sa mga ganitong paanyaya. Isa pa, I've been rude to them the past months we've been working together. Walang araw na wala akong nasusungitan sa kanila. My temper is always on my limits. I could be good, you know. Well...sometimes. Mostly, I'm rough with people and I don't care what they would think about me. Pero ngayon, here I am, considering someone's invitation because somehow, I don't want them to think that I'm a bruha who only knows how to enrage my temper and embarrass other people. "Oh sige," Pagpayag ko. Pumunit ang maluwang na ngiti sa kanyang mga labi. I knew it. This would open a doorway for me to meet other people. Medyo nakakailang pero...bakit hindi? Kung aayaw naman ako sa kalagitnaan ng sitwasyon ay maaari naman akong umalis agad. "Salamat, Ma'am Faith! Aasahan ka namin—" "Saan ba ang sa inyo? Hindi ako maalam sa lugar na ito, eh. Saka..." natanaw ko si Banjo sa 'di kalayuan. "Pwede ko bang isama si Banjo?" "S-Sige, Ma'am. Alam ni Banjo ang papunta sa amin. Siya na lang po ang magtuturo sa inyo." Nagkamot ako ng ulo dahil masyado siyang pormal magsalita. "Huwag mo na akong pino-po. Nakakatanda pakinggan, eh." Ani ko. "Hindi naman yata nalalayo ang edad nating dalawa, 'di ba?" "I'm actually...31 years old." Bulong niya sa mga huling salita. Gulat lang ang tanging reaksyon ko sa isinagot niya sa akin. Sigurado akong rumehistro iyon sa aking mukha. He's actually older than I! We'll, I'm thirty now but damn, this man in front of me only looks like in his early 20's! "What the hell? You're bluffing me!" I blurted out of amusement. "I am," then he smirked boyishly. "Kaedad ko lang si Engineer Philip." Nawala ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ko ang pagbanggit ng pangalan niya. I remembered again what happened that night. That manwhore, I can't get him out of my mind! "Kaklase ko siya noong nasa kolehiyo pa kami." Dagdag niya. "Mabait iyon at—" "Babaero?" Putol ko sa kanya at saka ngumisi. Tumaas ang isang kilay niya. "Ma'am?" Nagkibit-balikat ako para iwala na ang usapan. There's no point of making him our topic. Badtrip na badtrip talaga ako sa lalaking 'yon sa tuwing naaalala ko siya. "Sige, Engineer Mark, kita na lang tayo sa..." nabitin ang mga susunod na sasabihin ko nang magawi ang aking mga mata sa kalsada. Paparating ang sasakyan ni Philip. I rolled my eyes in annoyance. Speaking of the devil. Iniwas ko ang tingin sa gawi niya dahil naaalibadbaran ako sa presensya niya. But… I don’t understand myself. Bakit hindi ako mapakali? Natataranta ako habang unti-unti siyang lumalapit sa amin. And just as I thought, I already saw him in my peripheral vision that he’s already with Engineer Mark. My stupid traitor self! Kumalma ka! Si Philip de Guia lang ‘yan! Calm down, Faith! Narinig ko ang batian nilang dalawa. I can’t stand his presence, not in front of his colleague. “Sige, Engineer Mark. I’ll see you later.” Ani ko para makaiwas na sa presensya ng kararating na kasama. “Saan kayo…pupunta?” Si Philip. Hindi ko alam kung para kanino ang tanong na iyon. Is it for me or for Mark? But since I don’t have anythig to do with him, hindi ko siya sinagot. “Ah, inimbitahan ko siya sa bahay, Phil. Sumunod ka, pare ah? Isama mo na rin si Kai, ah?” Mark answered with enthusiasm. Kai. So…that’s the name of his girlfriend? Stop it, Faith. So what? Wala ka na ro’n! Hindi ko narinig na magsalita si Philip pero ramdam ko ang paninitig niya sa akin. Lalo kong gustong mawala sa paningin nila. Hinarap ko ang lalaking kausap ko kanina, “Alis na ako, Engineer Mark.” I blandly said, “Ah, yeah!” He said. Paalis na ako nang muli niya akong tawagin. I glanced at him, not minding the person standing beside him. “Just call me Mark, Ma’am.” He smiled. I smirked. I’m not sure if I looked like a smug or what. “Sure…Mark.” Hindi ko na tinapunan ng tingin si Philip. It’s like he likes to talk to me more. Napahiya siya sa huling pag-uusap namin at wala rin akong lakas ng loob na kausapin siya sa ngayon. Hindi na rin ako pormal na nakapagpaalam sa kanila. Umalis na ako sa tent at tinungo ang sasakyan pabalik ng hotel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD