CHAPTER 13

2113 Words
Faith Simpleng pulang sleeveless blouse at maong pants ang sinuot ko na pinaresan ko ng simpleng sandalyas na may taas na dalawang pulgada para sa okasyon na pupuntahan ngayong gabi. Dumaan na rin ako sa isang wine shop para bumili ng mamahaling alak at sa bakery para naman sa cake. I don't want to go to the party empty handed. This will serve as my present since I don't have much time to buy a gift to Mark. I texted Banjo earlier to attend the birthday party with me. But unfortunately, he won't come. He gave me some instructions, though, na sa tingin ko'y hindi ko rin maiintindihan dahil mahina ako sa direksyon. "Banjo, nandito na ako sa parke! Ano'ng parke pa ba ang sinasabi mo dahil ito lang ang nakikita ko?" Banas kong sabi sa kanya. Kasalukuyan ko siyang kausap sa telepono habang nagmamaneho ako. Nakailang ikot na ako sa sinasabi niyang parke rito sa plasa pero hindi ko matukoy kung saan ang sinasabi niyang kanto. "Mini park 'yon, Madam! Kung manggagaling ka mula sa hotel na tinutuluyan mo, makikita mo iyon sa iyong kanan." "Mini park?" Kinabig ko sa gilid ang sasakyan at nag emergency signal dahil sa alanganing pag-park ko. Inilinga ko ang paningin sa paligid. "Malaking parke ito! Hindi ito papasang mini park!" Tanaw ko rin mula sa sa kinaroroonan ko ang building ng opisina ng De Guia Construction. Kalapit lang ito sa munisipyo ng San Nicholas. At ang parke na tanaw ko ngayon ay nasa harap mismo ng munisipyo. "Lalampasan mo 'yan Madam. Dumiretso ka lang diyan. Sa pangalawang kanto bago ka makarating sa kurbada, makikita mo 'yong mini park na sinasabi ko. Lumiko ka sa kanan. Makikita mo agad ang bahay ni Engr. Mark Constantia dahil iyon lang ang bahay na may tatlong palapag sa hilera na 'yan." He explained patiently. Ramdam ko na rin ang iritasyon sa boses niya dahil sa kakulitan ko. Pero ano'ng magagawa ko kung hindi ko rin siya kukulitin na ituro sa akin ang daan papunta kila Mark? I don't have his number, though. And knowing that Philip will also be there, calling him to ask about it is the least thing I would. Mabilis akong nagmaneho, Banjo is still on the line. I'll ask him again just in case I'm loosing my way. Sa pagmamaneho ko, agad kong natanaw ang mini park at ang kantong sinasabi niya. I slowed down. Pagliko ko, nakita ko ang iilang sasakyan na nakahilera sa gilid ng kalsada. "I think, I'm here," sabi ko kay Banjo. I saw a three-storey house on the left side of the street. Tama si Banjo. Iyon lang ang bahay na ay tatlong palapag doon. Maluwag na nakabukas ang gate at maliwanag sa buong kabahayan, may musika rin akong naririnig mula sa loob ng bahay at ilang taong labas masok sa kanila. "Oh sige, Madam, mag-enjoy ka! Huwag mong kalimutang magbalot, ah?" Aniya at sinundan iyon ng mahinag halakhak. "Kung sumama ka sana sa akin—" "Hindi nga po pwede, Madam. Kulet mo." Putol niya. I unbuckled my seatbelt, "Fine! Mabilis lang ako. Uuwi rin ako agad. I'll hang up." "Oh sige, bye!" I didn't to answer back and just ended up the call. Pinasadahan ko muna ang mukha sa rear view mirror. Okay naman ang itsura ko kahit papaano. Ngumisi ako nang makita ang sariling repleksyon sa salamin. It's been a while since I dressed up like this. Ngayon lang ulit ako nag-ayos ng sarili at nag-attend sa party kahit na alam kong simple lang iyon. Bitbit ang bote ng wine at ang karton na may lamang cake, binaybay ko ang daan papunta sa bahay nila Mark. Habang unti-unti akong lumalapit doon, mas napapakinggan ko ng mabuti ang mga ingay ng tao. May nagtatawanan, kumakanta sa videoke, at ang iba'y nagkukwentuhan. "Magandang gabi po," magalang kong bati sa babaeng nag-aasikaso ng mga nagamit na plato at kubyertos sa bakanteng mesa. Binitawan ng babae ang ginagawa at agad akong hinarap. I think, she's in her late 40's or early 50's now. "Naku! Magandang gabi!" Nakita ko ang bahagyang pagpasada niya sa akin bago niya ako mabilis na nilapitan. "Kaibigan ka ba ni Mark? Nandoon siya sa loob!" Nakangiting sabi niya sa akin. Her eyes drifted on the things that I brought. Alanganin man sa mga kilos namin ay walang pakundangan kong inabot iyon sa kanya. I can see her hesitation at first pero dahil na rin siguro sa pagkakataranta ay kinuha niya na rin iyon sa akin. "Kliyente niya ho ako," tipid na ngiti ko. "Ganoon ba? Naku, eh halika! Tatawagin ko siya. Nasa garden sila, eh, nag-iinuman. Kasama ang mga kapwa niya engineers. Pasok ka't ipapatawag ko siya." Nakangiti akong tumango sa kanya. I followed him inside the house. May mangilan-ngilang tao rin doon na kasalukuyang kumakain. May mga bata rin na naglalaro, mga pamangkin niya siguro. At may grupo ng mga kabataan na kumakanta sa may sala. Ipinatawag niya si Mark sa isang kasambahay habang iginigiya niya ako papunta sa kusina. May mga tao rin doon npero hindi katulad sa living area, sila'y abala sa pag-aasikaso sa mga handa. "Pasensya ka na, hija, at medyo magulo. Gahol na kasi kami sa oras at ang bilin lang ng binata ko'y simpleng birthday dinner lang daw ang ihanda namin." Nakangiting sabi niya ng ilapag ang wine at cake sa counter top. Kumuha siya ng malinis na plato at kubyertos at saka inabot iyon sa akin. "Salamat po," malugod ko iyong tinanggap. "Kanina nga lang din po siya nag-imbita kaya hindi na rin po ako nakapaghanda ng regalo. Iyan na lang po ang naisip kong ibigay sa kanya." Sabay nguso sa mga dinala ko. Makahulugan siyang ngumiti sa akin. "Ikaw ba'y kliyente lang talaga?" "P-po?" Takang tanong ko. I can sense the meaning of her smiles and question towards me but I don't want to assume much. Hindi ko lang alam kung ano ang basehan niya at naitanong niya sa akin iyon. "Eh kasi, ikaw lang ang babaeng inimbitahan niya rito sa bahay." Sagot niya. Sinasabi ko na nga ba. I scoffed inwardly. Ayokong maniwala sa sinasabi niya sa akin. Sa edad ni Mark, imposibleng hindi pa siya nakakapagdala ng babae rito sa kanila. Or he's just discreet and playing around? May itsura rin naman ang isang 'yon. Hindi imposibleng magkaroon din siya ng nobya. "Kliyente lang po talaga—" "Mama!" Narinig ko ang pamilyar na boses sa aking likuran. Mula sa akin ay nalipat ang tingin ng babaeng kausap ko sa aking likuran. I automatically turn around, only to see Mark approaching us. "Mabuti naman at nakarating ka, Ma'am Faith!" He said with a wide smile plastered on his face. "Um-oo ako eh," halos bulong ko sa kanya. Mas dumami ang bisita ni Mark kaya hindi na rin nagtagal at nagpaalam na rin ang Mama niya. Abala sila sa pag-aasikaso sa bisita pero ang celebrant ay narito sa hapag habang sinasaluhan ako kumain. "Asikasuhin mo ang mga bisita mo. Don't mind me." I said assuringly because he doesn't want to meet his visitors yet. "Mamaya na, Ma'am. Ikaw muna ang aasikasuhin ko." He said Hindi ko napigilan ang matawa. It sounded sarcastic. Huli na ng matanto kong baka na-offend ko siya pero mukhang hindi naman dahil natawa rin siya sa naging reaksyon ko. "May nasabi ang Mama mo sa akin," I tried to started a conversation. Papunta kami ngayon sa garden kung saan naroon ang mga bakanteng mesa. Naroon nga ang ilang bisita niya, nag-iinuman. They called Mark but he gestured that he's with me. "Ano 'yon, Ma'am?" Nangingiting tanong niya. I smirked. "Na ako pa lang daw ang babaeng naimbitahan mo rito sa inyo." Humalakhak siya at sumimsim ng juice. "Si Mama talaga, binubuking ako, eh." "Huwag kang mag-alala, hindi naman ako naniniwala." I said while chuckling. Hindi ko napansin ang pagdaan ng oras. Tuloy pa rin kami sa kwentuhan ni Mark habang kumakain. Nagpahatid na nga siya ng ilang putahe rito sa mesa namin para hindi na namin kailangan pang bumalik sa hapag. He seems fine, though. May sense kausap. I was never bored talking to him. Kung dati'y may pag-aalinlangan pa siya sa tuwing susubukan niyang kausapin ako, ngayo'y ramdam kong kumportable na siya 'pag kausap ako. "Bumilib talaga ako sa'yo no'ng nilapatan mo ng first aid si Jeff! I didn't know that you are a doctor." Ani niya. Kasalukuyan na naming iniinom ang wine dinala ko para sa kanya. Nagpadala rin siya ng ilang hiwa ng cake na dala ko rin. "Ah, oo." Ngumisi ako. "Wala akong choice, malayo ang ospital sa mansyon, I'm the only one I could help." "So...kaya ka ba umuwi rito ay para...magbakasyon?" I sipped my wine before I nodded. "Yeah, you could say that." Bumaling ako sa mesa kung nasaan ang mga kasama niya kanina. I don't recognize anyone of them...except to someone I didn't notice all through this time. Is that Philip? Nagsasalita ang lalaking katabi niya pero hindi nakatuon ang atensyon niya sa kausap. Damn this man, he just shamelessly looking at me. Hindi ko binawi ang mga titig ko sa kanya. I am determine to show to him that I am not bothered with his presence. Naririnig kong nagsasalita si Mark at sumasagot ako sa mga tanong niya pero masyado nang occupied ang isip ko sa lalaking katitigan ko. Siya ang unang bumawi ng tingin at inisang lagok ang baso niyang may lamang alak. Then I noticed a woman on his other side. Nakikipagtawanan ito sa ilang mga kasama niya. Agaw pansin dahil sa boses niyang may kalakasan. And as I looked at her intently, mas nababanaag ko ang kanyang itsura. Right, this is the woman he brought to the mansion before. The one who called him ‘babe’. So this is Phil’s girlfriend. But I suddenly remembered how she looks like when I first saw her. She was more womanly before. Babaeng-babae magdamit at kahit ilang minuto ko lang siyang napansin noon, alam kong pino ang kanya mga kilos. This woman I am seeing now is…boyish. Babae ang itsura pero kung kumilos at magsalita ay may pagkabrusko. I even saw her emptying a glass of liquor in just a shot before she chuckled with pride. I saw Philip glared at the woman beside her. Hindi siya nagsasalita pero base sa mga titig niyo sa kanya ay may halo iyong banta. But the woman just smirked and ignored his sharp stares towards her. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung ito nga ba ang babaeng nakita ko noon o baka kamukha lang. “Sino ‘yong tinitingnan mo?” Naagaw ng tanong ni Mark ang atensyon ko. Bumaling ako sa kanya at umayos sa pagkakaupo. “Naroon pala si Engr. De Guia.” “Kanina pa siya nariyan, kasama si Karissa.” Karissa. So iba ‘yong si Kai? O pareho lang? “Iyong mga kasama nila, mga engineers din?” “Hindi lahat. Ang ilan sa kanila’y nagta-trabaho sa ibang ahensya.” Sumimsim siya ng alak bago muling nagsalita. “Si Kai lang ang pinakabata sa kanila.” I knew it. That girl named Karissa and Kai were the same. Tumango ako. “I remember her. Siya iyong dinala minsan ni Philip sa mansyon.” Then I glanced again to their direction. Agad ko nga lang binawi ang mga mata ko dahil nahuli kong nakatingin muli siya sa amin! What is he up to? Ba’t ba tingin ng tingin ‘to? “Ah, oo, I remembered that, too.” At muling nagsalin ng alak sa kanyang kopita bago iyon ininom. “Is she his girlfriend?” Wala sa loob kong tanong sa kanya. Napamulagat nga lang ako nang biglang maubo ang kausap ko. Dinaluhan ko siya dahil mukhang nasamid sa alak sa ininom niya kanina. He coughed consecutively, trying to regain himself as quickly as possible. “Ano’ng nangyari? Nagtatanong lang ako, nasamid ka na diyan,” ani ko. He cleared his throat as he looked at me with confusion and humor. Hindi ko makuha ang ibig sabihin ng kanyang reaksyon. What’s wrong with asking about it? Mukhang lantad naman sila sa publiko bilang magkarelasyon. I am just confirming it. “What are you saying? Si Philip, girlfriend si Kai?” Natatawa niyang tanong sa akin. “That’s why I’m asking you. Ba’t parang natatawa ka?” “Didn’t he introduced her to you before?” Ngumiwi ako sa klase ng kanyang tanong. “Bakit naman? She’s obviously his girlfriend—“ He cut me off while shaking his head. “Karissa is Philip’s cousin, Faith.” Natawa na siya ngayon. “Walang nobya si Philip, sa pagkakaalam ko, but Karissa is definitely not his girlfriend.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD