Faith
Nakatitig lang ako sa mukha ni Mark na hanggang ngayon ay bakas pa rin ang tawa sa sinabi ko.
Am I hearing it right?
Gusto ko mang ikaila sa sarili ko'y hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya sa sarili. All this time, mali ang inakala kong totoo. Pero teka, hindi ko naman din kasi siya binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag dahil...pinaniwalaan ko lang ang gusto kong paniwalaan.
Damn it! I should have known better!
Pero...bakit ba ako nakakaramdam ng ganito? Eh ano ngayon kung nagkamali ako ng inakala? Hindi dapat ako nagpapaapekto sa mga ganitong bagay. Kung nagkamali...eh 'di nagkamali!
Hindi 'to big deal, pero...hindi rin.
Ba't parang...nagbubunyi ang loob ko?
Nagtagis ang mga bagang ko. I cursed myself countless times as Mark continued chatting with me. Ngiti at tango na lang ang naitutugon ko sa kausap dahil inokupa ng nalaman ko ngayong gabi ang isip ko.
No. I should dismiss what I feel. Walang magandang patutunguhan 'to.
Hindi na ako muling lumingon sa direksyon kung nasaan sila Philip at ang ibang mga kasama nito. I focused talking to Mark. Iba't-ibang topic na ang inabot ng usapan namin. At hindi ko namamalayang napaparami na rin ako ng inom.
I know when I'm drunk but right now, I'm sure that I'm not. Maaaring umiinit ang pakiramdam ko dahil sa alak na pinagsasaluhan namin ni Mark pero tuwid pa rin ang paningin at pag-iisip ko.
"You want another glass?" Alok sa akin ni Mark at iminuwestra niya ang bote.
Handa na akong tumanggi sa alok niya. Magda-drive pa ako pauwi sa hotel. Kung tatanggapin ko pa ang alok niya'y baka lalong magtagal ako sa daan, sa loob ng kotse habang nagpapalipas ng tama sa alak.
"I want, too,—"
"Mark, tama na. Magmamaneho pa siya pauwi."
I heard a low baritone voice beside me. Hindi ko man kailangang lingunin ang sinumang nagsabi no'n, pamilyar sa akin ang boses ng kung sino ang pumigil sa kausap.
Ba’t ba pasulpot-sulpot ‘to?
“Oh, Phil! Nagkakatuwaan kasi kami ni Ma’am Faith dito. Hindi ko na kayo nasamahan doon.”
“Walang magmamaneho para sa kanya. She’s drunk.” Malamig na tugon sa kausap.
Nangunot ang noo ko sa narinig. I can sense his concern pero ano’ng karapatan ng lalaking ito na magsalita para sa akin?
Natigil sa pagsasalita si Mark habang nakatingin lang kay Philip. Silence crept the three of us for a couple of seconds. Nagsisimula nang mangibabaw ang awkwardness sa aming tatlo. Hindi na ako kumportable pa.
Tipid na nangiti si Mark at saka ako binalingan.
“Pwede kitang ihatid Ma’am, kaya mo pa bang mag-drive?”
“U-uh, yeah!” I cleared my throat because damn, my voice cracked. “Actually, I’m not drunk but I can’t take another glass,” bumaling ako sa lalaking pirmi pa ring nakatayo sa gilid ko.
I felt Philip’s one deep sigh, like it was such a relief for him that I turned down Mark’s offer.
I glanced at my phone. It’s nine thirty in the evening already. “Magpapaalam na rin ako.” dagdag ko dahil hindi ko na rin matagalan ang presensya ni Philip.
Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Awkwardness lang ba? O guilt dahil hindi naging maganda ang pakikitungo ko sa kanya sa mga huling pag-uusap namin?
Pero mas nananaig ang hiya ko, hindi lang para sa kanya, kundi para na rin sa sarili ko.
I can’t talk to him now! Not now that I just knew the real score about him and the woman he brought to the mansion!
Hindi ko siya pinansin kahit ramdam kong naghihintay siya ng pagkakataong sulyapan ko siya. Nagmadali akong nagpaalam kay Mark at sa kanyang ina. Biglang naging aligaga ang sitwasyon at bago ko pa na-realize na masyado akong nagmadali sa mga kilos ko, natanto ko na lamang ang sariling palabas sa bahay kasama si Mark para ihatid ako kung nasaan ang sasakyan ko.
I can’t see nor feel Philip’s presence anymore. Baka nagpaiwan na sa loob. Ayos lang, I can pretend and look at him like a blind eye for now. Saka ko na lang siya siguro kakausapin o kung hingin na lang ng pagkakataon.
“Salamat sa pagpunta, Ma’am Faith.” Ani Mark nang marating namin ang sasakyan ko.
Pumihit ako paharap sa kanya. Ngumisi ako at tumango ng minsan.
“Walang problema,” sabi ko.
Kay Mark ako nakatingin pero kahit medyo madilim ang parteng iyon, lumampas ang mga mata ko sa kanya nang maaninag ang dalawang bulto ng taong palabas din sa gate nila.
Sila Karissa at Philip.
His car was parked near the gates. Maliwanag ang parteng ‘yon dahil sa ilaw na tumatanglaw galing sa bahay nila Mark. Agad ko silang naaninag.
Karissa saw us first. Malayo man, dinig ko ang boses niyang tinawag ang pangalan ng pinsan at iminuwestra ang direksyon namin sa pamamagitan ng pagtango at pag-nguso. My breath hitched as I felt a bit panicky when Philip looked at our direction. Nahuli niya akong nakatingin sa kanila. Lalo na si Philip, na nagtama ang mga mata namin ng ilang segundo bago nanlalaki ang mga mata kong nagbawi ng tingin sa kanila. Hindi naman kalayuan ang distansya ng sasakyan ko sa sasakyan nila. Nakita kong natigil sila sa pagpasok sa loob nito.
Agad kong tinuon ang atensyon ko sa lalaking kausap dahil sa kahihiyang muli kong nagawa. I smiled warmly at Mark. Nakitaan ko siya ng sandaling pagkamangha sa inasal ko pero agad namang nakabawi.
“Alis na ako, see you tomorrow.”
“Sige Ma’am. Ingat ka.”
I clicked the lock of my car and opened its door. Pagpasok ko sa loob ay ibinaba ko ang salamin para bigyan ng huling sulyap si Mark na nanaitiling nakatayo roon.
But to my surprise, Philip is approaching towards us.
Sa taranta ko’y agad kong binuhay ang sasakyan ko. Medyo nagsisi pa ako kung bakit ko pa ibinaba ang salamin ko eh nakapagpaalam naman na ako kay Mark. Hindi ako makapag-isip ng tama. Damn it! Bakit ba ako nagkakaganito? Kanina, halos magmadali akong iwasan ang presensya niya. Ngayon nama’y papunta siya ulit sa amin pero parang…ayoko pang umalis.
Para akong batang sabik na naghihintay na muli niyang mapansin!
“Can you still drive?” He asked with so much concern.
I blinked a couple of times as my confusion started to heat up. Why is he like this all of a sudden? Sobrang concern ang pinapakita niya. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay.
Hindi pa ako nakakapag-isip ng tuwid ay narinig ko ang bahagyang paghalakhak ni Mark.
“Okay pa ‘yang si Ma’am Faith, Phil. She’s not drunk—“
“Tell me if you can’t, I can drive for you. Kai will drive my car home. Sa hotel na ako matutulog.” Pambabalewala niya sa sinabi ni Mark.
Naiipit ako sa dalawang ‘to. I don’t want to draw confusion on Mark but Philip’s actions are really making me crazy. Hindi ko na alam kung ano’ng mararamdaman ko. Kung dapat ba akong mainis sa kakulitan niya o matuwa dahil…hindi ko alam kung bakit ko naiisip na natutuwa ako!
“Mark, I’ll take care of her.” Dagdag niya dahil hindi ko alam kung ano’ng isasagot sa huling sinabi niya.
Nagugulat ako sa mga kilos na ipinapakita ng lalaking ito. He looked determined, though. Mukhang hindi tatanggap ng pagtutol.
Kung sa ibang pagkakataon, I can just dismiss the two of them, iwan ko na sila rito at umuwi na lang. Ayokong naiipit sa mga ganitong sitwasyon. It’s annoying and I don’t have patience for this kind of argumentation.
But hell, here I am now, feeling so confused but at the same time…thrilled with so much anticipation. Nakakaramdam ako ng tuwa sa pangungulit ni Philip at awkwardness para kay Mark.
“K-Kaya ko namang umuwi,” ani ko.
Damn, Faith. Stop contradicting!
“No, you’re not. Namumula ka na.” Philip’s voice are stern.
Natigilan ulit ako sa sinabi niya. Hindi na ako nakaangal, o mas tamang sabihing hindi na ako umangal pa.
“Alright,” Mark said in defeat. “I’ll leave you both here.” He chuckled. “Bye Ma’am Faith.” He waved and bid his goodbye.
Ni hindi na ako nakapagpaalam uli ng maayos kay Mark. Philip dominated my sight as he blocked my window to check on me.
Kinain kami ng katahimikan. Wala ang isa sa amin ang gustong magsalita. Kung kanina’y pilit niyag isinisiksik ang sarili sa pagitan namin ni Mark, ngayon, para siyang tuod na nakatayo lang sa labas ng sasakyan ko.
Kumakabog ang dibdib ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. I can’t collect my thoughts because it’s already tangled with what I am feeling now. My mind wants to get me out of this place now but something is pushing me not to leave yet.
“I can take care of myself, Philip. Hindi mo na ako kailangang ipagmaneho.” Ani ko.
He licked his lower lip and parted. Kahit ang paglunok niya’y kitang-kita ko. Dumungaw siya sa bintana ko, dahilan para magtama ng husto ang mga mata namin.
“I want to have a minute with you, Faith.”
“Bakit?”
Humigpit ang hawak ko sa manibela. The anticipation is making me anxious. Kung bakit kasi hindi pa ako diretsahin eh!
“To clear things,” he said. “Isa pa, ayokong magmaneho ka na may alak sa sistema mo.”
“I’ve been doing this for so long, Phil. Isa pa, kaunti lang ang nainom ko ngayon.” I smirked. “Saka, what makes you think na papayagan kitang ipagmaneho mo ako pabalik sa hotel?”
Naagaw ng atensyon ko ang pagharurot ng sasakyan sa kalsada. Iyon ang sasakyan niya! Karissa drove the car. At bago niya kami lagpasan, huminto siya sa gilid namin at natatawang bumati.
“Insan, hiramin ko muna ang sasakyan mo, ah?” She smirked sarcastically bago dumapo ang mga mapaglaro niyang tingin sa akin.
Tumuwid sa pagkakatayo si Philip at hinarap ang pinsan niya. “Diretso ang uwi, Kai.” Nagbabanta ang mga boses nito.
She looked sharply at her cousin. “Oo. Nagmamadali ako, may naghihintay sa akin sa bahay.” Narinig kong sabi niya.
“Huwag mong patutulugin do’n!”
Ngumiwi ang babae, “Oo na!” Bumaling siya sa akin. “Bye!” Then she winked at me.
Mabilis na minaniobra ni Karissa ang pick-up truck ni Philip, agad niyang nilisan ang lugar. Ilang sandali pa’y naiwan na kami roon, napag-isa.
“Kung hindi mo ako papayagang ipagmaneho ka, baka…pwede mo akong ihatid sa amin?”
Nangunot ang noo ko sa narinig. Then I realized, kung tatanggi ako sa alok niya, maiiwan siya rito’t…wala na siyang sasakyan pauwi sa kanila!
Iniwan siya ng pinsan niya. Wait, did they plan this all along?
“Kai already left with my car. Wala nang tricycle na dumadaan—“
“Tsk! Hop in!” I said impatiently.
I unlocked the doors so he would get in. Wala akong choice. Hindi nga niya ako ipagmamaneho pero magsasabay naman kami pauwi.
He grinned. I looked defeated but hell, my mind is clouding with unknown feelings. Hindi ko maintindihan pero isa lang ang sigurado ako…
Gusto ko siyang kasama ngayong gabi.
“Sigurado ka? Hindi ka napipilitan?” Muli niyang tanong.
I sighed annoyingly. Inis kong ginalaw ang kambyo para makausad na ako. I don’t have any intention to leave him. Naiinis lang ako dahil para siyang bata kung umasta!
“Wait up!” Natatawang pigil niya sa akin.
Ngumisi ako habang pinapanood siyang umikot papunta sa passenger’s seat ng sasakyan ko. I rolled up my window upwards. Hindi mabura ang ngiti sa labi ko dahil sa naglalarong kaisipan na makakasama ko siya ngayong gabi.
I looked at him after he settled himself in his sit.
“Ready?” I asked.
Tumingin siya sa akin at sandali akong pinagmasdan.
“Not yet,” he answered before he went nearer to me.
I stiffened from my seat. Our bodies were so close to each other. Pinigilan ko ang sariling hindi gumalaw para hindi magtama ang mga balat namin. Mabuti na lang, naging mabilis din ang mga naging kilos niya. May inabot siya sa gilid ko at agad din iyong hinila.
Damn. Nanuot ang mabango niyang amoy kahit na may halong alak iyon.
He clicked my seatbelt. Then he lifted his gazes on me.
“There…” he said. “Tara na.”
To oppose what I am really feeling now, ngumiwi ako at nagsuplada. He only pursed his lips to hide his damn smile but too late, he couldn’t.