Faith
Wala kaming imikan habang tahimik naming binabaybay ang kalsada pauwi sa hotel na tinutuluyan ko. Tanging ang tunog lang ng sasakyan at buntong-hininga lang ang naghahari sa paligid namin.
Saan ko ba ihahatid 'to? Sa hotel? Sabi niya kanina, sa hotel na lang daw siya matutulog.
"Saan kita ihahatid?" Tanong ko dahil hindi ako sigurado sa naiisip ko.
Nilingon niya ako. "Ayos lang ba kung sa bahay ko na lang? Wala akong damit na pamalit sa hotel. Ayoko na ring mang-istorbo ng kasambahay para dalhan ako roon kung sakali."
Tumango ako. "Ituro mo na lang kung saan."
Itinuro niya sa akin kung saan ang daan papunta sa bahay niya. Napansin kong hindi iyon kalayuan sa bahay nila Mark. Pwede ngang lakarin kung tutuusin dahil nasa apat na bloke lang ang layo nito. Nadaanan din namin ang building kung saan ang opisina ng construction firm niya. Lumiko kami pakanan sa kalsada hanggang sa marating namin ang kabilang dulo nito. I turned right again, as per his instruction. Agad kong napansin ang magarang bahay na may taas na tatlong palapag.
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito. Mukhang bagong tayo lang. Maliwanag ang paligid dahil sa mga ilaw na naka-on. Ngunit kapansin-pansin ang lawak ng veranda sa ikalawang palapag nito.
"Is this your house?" I asked knowing the obvious answer.
Narinig ko ang pagtanggal ni Philip ng seat belt. "Yeah. Halika, magkape ka muna bago ka umuwi."
"Kape?"
He smirked and nodded. Siya ang unang lumabas sa sasakyan pero hindi niya rin isinara ang pintuan dahil hinintay niya akong kumilos.
Ayoko mang tanggapin ang alok niyang magkape, nakuryoso naman ako sa itsura ng bahay niya. Hindi ko namamalayang inalis ko na rin ang seat belt ko at sumunod na sa kanya sa pagbaba.
Pagkalock ko sa sasakyan, sinundan ko siya na ngayon ay nasa gate na at nag-doorbell. Hindi rin nagtagal ay may lumabas na kasambahay. She opened the gate and let us in.
Napako ang tingin ko sa garahe kung saan may nakaparada ring Lamborgini na kulay itim. May motor bike din na BMW ang tatak. Naalala ko ang Hammer truck na minaneho ni Karissa kanina. And I realized, this man I am with is filthy rich.
"Nice bike," puri ko.
Hinipo ko ang itim na motorsiklo. Gusto ko rin sana ang magkaroon ng ganito. Earl had one of these, iba lang ang tatak kaysa rito. But he never teach me how to drive this thing.
"Kay Karissa 'yan." Aniya. "Pumunta siya rito para sabay na kaming pumunta sa bahay nila Mark."
Tumangu-tango ako. "How about the Lambo?"
Tumaas ang isang kilay niya. Sandali niya akong tinitigan bago sumagot.
"It's mine." He answered.
I nodded slowly. Hindi na ako muling nagtanong pa. Nagpatuloy kami sa paglalakad. He lead the way inside his house. Magara na iyong tingnan sa labas ng bahay niya pero hindi ko alam na kakainin pala ako ng pagkalula dahil sa buong kabuuan nito.
It's a modern rustic style dominated with brown, black, and dirty white colors. I can see wood everywhere, from the shiny wood tiles, exquisite furnitures, up to its minimalist and manly ornaments.
The house resembles the character of the home owner.
"You have a nice house," wala sa sariling naisatinig ko. "Sino'ng kasama mong nakatira rito?"
Nakatayo ako ngayon sa gitna ng kanyang living room, pinagmamasdan ang kabuuan nito.
"Ako lang, maliban sa mga kasambahay." Sagot niya.
I startled a bit when I noticed his presence behind me. Hindi ko napansing nasa likod ko lang pala siya. Masyadong natuon ang atensyon ko sa paghanga ng bahay niya.
Hinarap ko siya. "What about your parents?"
"May sarili silang tinutuluyan."
I nodded once. "How about your wife?"
He crossed his arm and narrowed his stares towards me.
"Walang asawa? Eh girlfriend?" I concluded...or more like teasing him.
Alam ko namang wala siyang girlfriend, lalo na ang asawa. Mark told me earlier about it. Klinaro niya ring pinsan lang niya ang babaeng kasama niya kanina. Pero naisip ko lang, bakit 'babe' ang tawag sa kanya nito?
Ano 'yon? May gustong patunayan?
Gusto kong batukan ang sarili ko nang maalala kung paano ko siya iwasan para hindi lang siya makausap nitong mga nagdaang linggo. I've concluded too much. Na-guilty ako nang maalalang hinusgahan ko rin siya sa ideyang iyon.
I scoffed inwardly. Why would I feel guilty? It's not like I knew it beforehand! Natural na reaksyon lang 'yon. We kissed and...almost made out. Kaya hindi niya ako masisisi kung gano'n ang takbo ng isip ko matapos kong makitang may kasama siyang ibang babae!
"I don't have girlfriend. Lalong wala ring asawa." Malamig na sagot niya.
Ngumisi ako at nagkibit balikat. I was just teasing him. Binalewala ko ang sinabi niya at nagpatuloy sa pagtingin-tingin ng mga muwebles.
"I know. Mark told me a while ago," ani ko.
Hindi ko nakikita ang realsyon niya dahil nakatuon ang tingin ko sa isang solid wood handcraft na nakapatong sa sideboard cabinet pero ramdam kong natigilan siya sa sinabi ko.
Muli ko siyang hinarap at tinaasan ng kilay.
"Bakit ka tinawag ng ganoon ng pinsan mo habang kausap ako?" Kuryoso kong tanong sa kanya.
May ideya na ako pero...ayokong mag-akala.
Lumapit siya sa akin. Sandaling kumabog ang dibdib ko dahil hindi napuputol ang tingin niya sa akin. His eyes bore on me like I'm the only he's seeing. At nagbigay 'yon ng pagkailang sa akin.
"I'm not sure. May ideya ka ba?" He asked sarcastically.
I equalled his sarcasm by scoffing, showing him that I don't know what he's talking about.
"Hindi ako manghuhula, Engr. De Guia. Kaya kita tinatanong dahil hindi ko alam ang dahilan. Now, if you choose not to answer me, it's totally fine," Hindi ko napigilan ang irapan siya. "It's not like I'm so much interested knowing your answer."
Pero sa likod ng utak ko, gusto ko ring...malaman talaga.
Hunakbang pa siya ng kaunti. Dumagdag ang kaba sa dibdib ko. Ngayon, kaunting galaw na lang, magtatama na ang katawan namin.
"I didn't say I won't answer you," aniya sa namamaos na boses. "Alam kong may tumatakbo na sa isip mo at gusto ko ring malaman kung ano 'yon."
"Talaga? Sige nga, hulaan mo?" Hamon ko sa kanya.
He closed our distance again. Kung kanina'y ang t***k lang ng puso ko ang hindi normal, ngayon, pati paghinga ko, apektado na dahil sa sobrang lapit ng presensya niya sa akin!
"She wanted to see your reaction."
"Reaction?" Mapang-uyam na sabi ko.
Tumango siya. "Maybe she wanted to see how would you react if she calls me that."
"At bakit naman niya gugustuhing malaman ang reaksyon ko?"
"Hindi ko rin gusto ang ginawa niya pero sa huli, gusto ko na ring magpasalamat sa kanya."
Umisang hakbang pa siya patungo sa akin. Biglang sumikip ang paghinga ko. Hindi ko na mapigilan ang mapalunok nang maramdaman ko ang marahang hawak niya sa siko ko.
I stood still, frozen, while returning his soft gazes towards me.
"Faith," He licked his lower lip while looking at me intently. "I like you."
Sandali akong napigil sa paghinga dahil...hindi ito ang inaasahan kong sasabihin niya!
I expected that her cousin's just playing around. Na titingnan kung...magseselos ako dahil doon. Of course, I got mad and disappointed when it happened. Pakiramdam ko, naloko ako!
How could he ravished my lips and caressed my body like that? Tangina! Ganoon pa lang ang nangyari pero...pakiramdam ko...gusto kong...maulit 'yon.
"H-h-hah?" Tanging nasabi ko.
Dahil hindi na ako makapag-isip ng tuwid. Damn it! Wala akong mahagilap na salita na pwede kong sabihin!
Ngumisi siya at saka umiling. "This is a first time."
"Na?"
"Ito. First time mo. Na walang maisagot, walang...maibatong salita sa sinabi ko." Humina ang boses niya sa mga huling katagang sinambit niya.
I gulped again, kasabay no'n ang paglunok ko sa mga salitang gusto kong maisatinig. Gusto kong magsalita pero...hah!
Para saan? Eh hindi ko naman siya gusto!
I blinked twice bago ko tuluyang iniwas ang mga tingin sa kanya. Hindi ko na kayang tagalan ang mga titig niya sa akin. May nagwawala sa kaibuturan ko. At kahit pilitin kong ayawan ang nararamdaman, mas nananaig ang pagkagusto ko rito!
Ngumisi ako, na parang maitatago no'n ang nagwawalang kaba sa dibdib ko.
"Ano'ng sinasabi mo?" Sarkastiko kong tanong sa kanya. "Saka akala ko ba, magpapakape ka?"
Umiling siya. "Gusto kita, Faith. May gusto ako sa'yo. The moment I saw you on the parking area, I knew I liked you then." Pambabalewala niya sa mga sinabi ko.
Fuck. Lalong nagwala ang isip ko dahil sa mga sinabi niya sa'kin. Hindi ko alam kung iindahin ko 'tong malakas na pagtibok ng puso ko at pagwawala ng kung anuman sa tiyan ko. Dahil sigurado ako, hindi ito kaba nang pag-aalala. Sumasabog ang buong pagkatao ko dahil sa tuwa.
When was the last time I felt this thing? Ang tagal na! I can't even remember the last time, how it felt so good to hear these things; confessing someone's feelings towards me.
Nakaka-flatter. Parang may mainit na bagay na humahaplos sa dibdib ko.
Pero...hindi. I'm not so sure, too.
Itinukod ko ang magkabilang kamay ko sa dibdib niya at itinulak siya palayo sa akin. Hindi ko iyon binigyan ng gaanong pwersa pero dahil siguro unguarded siya, mabilis ko siyang napaatras ng bahagya.
"Aalis na ako. Next time na lang 'yong pa-kape mo." Then I stormed out of his house.
Hindi na ako lumingon pa kahit makailang ulit niya akong tinawag. Ayoko siyang tapunan ng tingin ngayon dahil ayaw ko mang aminin sa sarili ko, may parte sa isip kong ayaw ko pang umalis doon.
Mabilis kong tinungo ang sasakyan ko. Ni hindi ko na naisipan ang mag-seatbelt pa. Matapos kong buhayin ang sasakyan, mabilis ko iyong pinasibad at umuwi sa hotel.