Faith
I woke up with a throbbing pain in my head. Tinanghali na ako ng gising. The wine literally put me to bed. Madalas akong mag-inom pero ito iba ngayon ang tama sa akin ng alcohol.
Parang mababasag ang ulo ko sa tindi ng hangover. Idagdag pa ang sakit ng katawan na nakuha ko sa ilang araw na paglilinis sa bahay. Kaya hindi ako makapagdesisyon kung papapasukin ko si Banjo ngayon o hihilata lang ako maghapon sa kama.
Nakatulog ako ulit dahil sa matinding hilo at sakit ng ulo. Hindi pwede ito. Wala akong matatapos kung ganito na lang ang mangyayari. Kaya kahit nanghihina ako, pinilit kong bumangon sa kama.
I checked my phone. Ang daming missed calls. Saka ko lang naalalang…
Shit! Si Banjo!
Agad kong ni-dial ang number niya. Two rings, he answered it immediately.
“Madam!” bati niya sa akin sa kabilang linya.
“Pumasok ka ba?” walang alinlangan kong tanong sa kanya.
“Opo! Alam ko naman kung saan nakalagay ‘yong mga gamit kaya tinuloy ko na ang trabaho.” Nagmamagaling na sagot niya sa akin.
I sighed. Mabuti naman at maaasahan ang binatilyong ‘to.
“Oh sige. Ikaw na ang bahala diyan. Tapos---”
“Madam, pupuntahan mo ba si Engr. De Guia ngayon?” putol niya sa akin.
Tangina. Isa pa pala ‘yon.
Mariin akong pumikit, bahagyang nakaramdam ng pagsisisi dahil sa ginawang pag-inom ng marami kagabi. Isang bote ng wine ang naubos ko. Hindi ko naisip na may mga lalakarin pala ako ngayong importante.
“Oo na, pupunta ako mamaya.” Ani ko.
Binuksan ko ang kitchen cabinet ng hotel. I cursed in the air as I checked what’s inside. Wala na palang noodles. Kinain ko kaninang hatinggabi. ‘yong kapeng binili ko noong nag-grocery ako, dinala ko sa bahay. Pinangmeryenda namin kahapon.
Kesa tuluyang ma-badtrip, kinuha ko na lang ang tuwalya at dumiretso sa banyo para maligo.
Kasalukuyan akong nagmamaneho papunta sa plasa. Nawala na rin sa isip kong araw pala ngayon ng Linggo. Napakaraming tao. Katatapos ng misa sa simbahan at sa kabilang bahagi ng plasa, naroon ang munisipyong tinutukoy ni Banjo. Agad kong nakita ang building na may tatlong palapag malapit doon.
Bukas kaya ang opisina ng engineer na ‘yon?
Naghanap ako ng parking area para sa sasakyan. Medyo nahirapan pa ako dahil halos mapuno nang sasakyan ang palibot ng parke. Kaya imbes na sa malapit lang ako makakapag-park, napalayo pa iyon ng kaunti.
Mataas ba ang sikat ng araw. Masakit na ang tama nito sa balat. I am really hoping that it’s open kahit na malaki ang tiyansang hindi ito bukas dahil Linggo ngayong araw.
Suot ang aking wayfarer, I graced the building of their office. Sakto lamang ang laki ng reception. May sofa para sa waiting area. At mabuti na lang, bukas ang opisinang ito.
“Good morning, Ma’am!” nakangiting bati sa akin ng receptionist.
Hilaw akong ngumiti sa kanya.
“I am looking for Engr. De Guia.” I said.
“May appointment po ba kayo sa kanya today?”
Tumaas ang isang kilay ko. Kailangan pa ba no’n?
Kinamot ko ang sentido ko dahil nagsisimula na naman akong ma-badtrip. The lady sensed my irritation kaya siya muli siyang nagsalita.
“Ma’am, Sunday po kasi today. By appointment lang po ang schedule ni Engr. De Guia ngayon. If you want, I can set a schedule for you tomorrow afternoon.” She explained.
Shit. Bukas ng hapon?
Tinanggal ko na ang wayfarer ko. I wanted to have an appointment as early as tomorrow. Masyado nang matagal kung bukas pa ng hapon. At saka, pagod na ako ng mga oras na iyon. Hindi naman ako tumutunganga lang maghapon sa malaking bahay na iyon. Tumutulong din ako sa pag-aayos.
Isinandal ko ang isang kamay ko sa information desk at matamis na ngumiti sa kanya.
“Nandyan ba siya ngayon, Miss?”
Tumango po siya. “Yes, Ma’am.”
“Baka pwede mo akong isingit? Ang layo pa kasi ng pinanggalingan ko, Miss. Dinayo ko talaga ang opisina niyo dahil inirekomenda ito ng kaibigan ko.”
“P-po?” nauutal na sabi niya.
I pouted and nodded slowly.
Iminuwestra ko ang mga daliri ko. “Tatlong oras ang ibinyahe ko mula sa amin papunta rito. Kung…bukas ng hapon mo pa ako bibigyan ng schedule, alanganin na rin iyon para sa boss mo ‘di ba?”
Kitang-kita ko sa itsura niya ang reaksyon sa mga sinabi ko. Her judgements were already mixed with panic and pity. Kaunti na lang, bibigay na rin ito sa akin.
“P-Pero kasi M-Ma’am---”
I shrugged my shoulders. This is my last card. Kung hindi ito bibigay, wala akong magagawa kundi ang bumalik na lang talaga bukas.
“Sige, ‘di bale na lang. Kung hindi ko siya makakausap ngayon, sa ibang construction services na lang ako pupunta.” I smiled defeatedly.
Oh, Faith. You were always good in this.
Tumalikod na ako. Nagsimula nang magbilang ang utak ko kung ilang Segundo bago siya kakagat sa paing ko. Pero hindi pa ako natatapos sa limang segundi, bigla niya akong pinigilan.
“M-Ma’am, maupo muna kayo. Susubukan ko pong kausapin si Engineer.” Pigil niya sa akin.
Bingo!
I smiled wickedly. Bibigay rin naman pala. Now I just have to wish that her boss will allow meet me.
Dahil nakatalikod ako, hindi niya nakikita ang mala-demonyo kong ngiti. Nang humarap ako sa kanya, my reaction shifted immediately. I smiled gratefully at her. I made sure I looked thankful for my favor.
“Thank you!” Ani ko.
I served myself and sat down on the couch. Mga ilang minuto rin akong naghintay roon. Mukhang nahihirapan ang babaeng iyon sa pakikipag-bargain sa amo niya. Maybe I should get her some meryenda, eh?
Napabalikwas ako ng upo nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. I stood up immediately and smiled at the lady. Nakangiti rin siyang lumapit sa akin. Well, I can sense good news from her.
“Ma’am, pasok na po kayo. Hinihintay na po kayo ni Engr. De Guia.” Aniya.
I nodded. “Thank you.”
Iginiya niya ako papasok sa isang glass door. Tinted iyon sa labas kaya hindi nakikita kung sino ang nasa loob. Ngunit pagkaapak ko pa lang sa loob nito, agad na luminga ang paningin ko.
Hindi ako maalam sa mga disenyo pero ang isang ito, may kalibre. May sinasabi. Simple lang pero sumisigaw ng kaelegantehan. I am really engrossed now of what can this engineer do. Pinagmamalaki pa naman sa akin ito ni Banjo dahil talagang magaling raw.
“Are you sober now?” narinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki sa bandang kanan ko.
Agaran ang paglingon ko roon. At laglag ang panga ko nang makilala kung sino iyon.
Binasa ko ang marmol na may nakaukit na pangalan niya.
Engr. Philip Emmanuel C. De Guia
Itinuko niya ang magkabilang siko paitaas sa kanyang mesa at pinagsalikop ang mga daliri niya. He lazily rested his chin there and smirked at me.
“Hindi ko akalaing magsisinungaling ka sa sekretarya ko para makaharap mo lang ako.” Dagdag niya.
I scoffed sarcastically. Matunog iyon. Gusto ko ngang humalakhak para naman medyo mahimasmasan ang lalaking ito.
I sneered and looked at him sharply.
“Arogante.” I murmured.
Nakangisi pa rin siya habang nakataas ang isang kilay. Kapagkuwa’y umayos na rin ng pagkakaupo. Gusto ko na tuloy umatras. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pwedeng tumulong sa akin.
I can look for another construction services, you know. Pwede kong iwanan ang lalaking ito at magtanung-tanong na lang sa iba kung may iba pang pwedeng mag-renovate ng bahay ko. I can really do that.
But honestly, mahirap. I only know Banjo and his family in this town, even in this province. Kung may nakakakilala pa sa akin, hindi ko na rin sila makikilala. I grew up in the city and though we stayed here for vacation when I was younger, iba pa rin iyong may kakilala ka talagang pwede mong sandalan.
“What brings you here, then?” muling tanong niya sa akin.
Umupo ako sa silyang kaharap ng office table niya. The furnitures are also flashy. Mukhang exported pa ang materyales galing abroad. Yari lang rito sa Pinas dahil sa disenyo.
“Alam mo, kung hindi ka lang inirekomenda ng kakilala ko, hindi kita pupuntahan dito.” I fired back. Pambawi ko man lang sa nasaling na ego ko kanina nang bigyan niya ng kulay ang pagpunta ko rito.
What is he trying to say? That I’m so interested that I even made myself appear in front of him?
Hah! Ang taas naman ng tingin niya sa sarili niya kung ganoon.
“Well, I know this time, you really need my help.” He coolly said.
Tumaas ang kilay ko. Ano’ng pinagsasabi nito?
“You rejected me once. Now you’re here asking me---”
I cut him off. Medyo badtrip na sa mga sinasabi niya.
“Kailangan ko ng magre-renovate sa bahay ko. I want your firm to do it.” Diretsahang sabi ko.
Ayoko ng paliguy-ligoy.
Ipinilig niya ang kanyang ulo. Tila nagtataka sa mga binitawan kong salita kanina. May nasabi ba akong mali.
“You want my firm to do the renovation kahit wala pa akong naipi-presintang plano sa’yo?”
Umayos ako ng upo. Medyo…may tama siya sa bagay na iyon.
“E-Eh ‘di…” nauutal na sabi ko. I have to fix my composure. Hindi pwedeng ganito ako sa harap ng lalaking ito. “You can have ocular inspection of the place if you have time.” Ani ko.
Tumango siya. “I’ll check my---”
“I want it done today.” I said in my most arrogant and demanding tone.
Nangunot ang noo niya sa narinig. Hindi makapaniwala. Amusement and irritation drew on his face. Ganyan. Medyo kumambyo ka ng kaunti.
“Ano?”
I smiled sweetly. “Nagmamadali kasi akong lumipat. Don’t worry, my demands to your firm will be compensated well.”
Humalakhak siya. Mahina pero ramdam ko ang gumuguhit na insulto roon. Pero hindi ako nagpatinag. I just gave him an impassive look.
May kinuha siya sa kanyang drawer at nang tumayo, niyaya niya na akong lumabas.
“Let’s get this done.” Naiiling sa sabi niya.