Faith
Sa pangalawang araw pa lang, inumpisahan na namin ang paglilinis sa loob ng bahay. Inuna namin ang ground floor. Naroon pa ang mga lumang litrato ng mga pumanaw na kamag-anak. It faded as years passed by. Kung hindi ko pa ito inasikaso agad pagkatapos ibilin sa akin ni Papa, baka tuluyan na ‘tong nasira.
“May kilala ka bang engineer?” tanong ko habang nagpapahinga kami sa maghapon na paglilinis.
Inaayos na ni Banjo ang mga ginamit namin. Babalik pa naman kami bukas. Pero hindi na kasama ang mga magulang niya dahil mag-uumpisa na sila sa pagsasaka.
“May kilala ako, Madam. Si Engineer De Guia.”
Tumango ako. “Magaling?”
“Oo, Madam! Kanila nga ‘yong hotel do’n malapit sa arko ng San Nicolas.”
Tumaas ang kilay ko. ‘yong hotel kung saan ako tumutuloy ngayon ang tinutukoy niya.
“Magaling ‘yon, Madam! Saka mabait si Engineer De Guia. Nagtrabaho na rin ako sa kanila noon.”
I smirked. “Oh? Eh ba’t wala ka na ngayon doon? Eh ‘di hindi na mabait?” pang-aasar ko.
“Hehe!” at nagkamot siya ng kanyang ulo.
Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at inipit ‘yon sa mga labi ko. Kinuha ko rin ang lighter na baon ko. Nakatingin lang sa akin si Banjo habang sinisindihan ko ang yosi. Pagkatapos kong pagningasin at hithitin ang usok, muli ko siyang nilingon.
Ibinuga ko ang usok sa kanang bahagi ko at saka ngumisi. “Oh? Ba’t parang nakakita ka ng multo?”
Nagkamot siya ng ulo. “Hindi ko alam na naninigarilyo ka pala, Madam.” Alanganing ngiti niya sa akin.
“Ngayon alam mo na?”
Mas lalong lumuwang ang ngiti niya. Tumango ako sa kanya ng minsan bago ko iginala ang mga mata sa paligid. Ipinagpatuloy ni Banjo ang pag-aayos. Mahusay sa trabaho ang binatilyong ito. Hindi ako nagkamali ng nilapitan. Kahit ang mga magulang niya, wala akong masabi sa ayos ng trabaho.
Tinungo ko ang kusina. Ito ang huling nalinis ngayong araw. Natanggal na rin ang mga agiw na kumapit sa dingding. Bulok na rin ang ilang bahagi ng kisame dahil sa anay. Kailangan na talaga ng renovation para sa hindi tuluyang masira ito.
“Madam!” tawag sa akin ni Banjo.
“Oh?” balik sigaw ko habang sinisilip ang banyo. Kahit luma, ang disenyo ng loob nito ay hindi pangkaraniwan. May bath tub din sa loob. Basag na rin ang ceramic tiles sa sahig at pader. Humithit ulit ako at pipihitin na sana ang gripo para tingnan kung may tubig nang may magsalita sa likod ko.
“Madam!”
I startled! Parang nahiwalay sandali ang kaluluwa ko sa sobrang gulat. Ang usok na hinithit ko sa sigarilyo ay hindi ko naibuga. Ang resulta, nagkanda-ubo ubo ako!
Ang lintik na ‘to!
“Naku, Madam! Sorry! Sorry po!” hindi magkandaugagang sabi niya. Akma niya akong lalapitan ng iniumang ko ang kamay ko nang sa gano’n ay hindi niya na ako lapitan.
Hindi ko alam kung saan ko ipipilig ang sarili. Ang hapdi sa pakiramdam ng hindi mailabas ang usok. Huli kong naramdama ito noong unang pagkakataong nasubukan ang manigarilyo. Kaya habang binabawi ang sarili, lumabas ako sa banyo para isandal ang sarili sa pader ng kusina.
“Sandali kukuha ako ng tubig!” tarantang sabi niya at nagmamadaling iniwan ako roon.
Nanubig na ang mga mata ko sa kakaubo. Nang tuluyang makabawi ay humugot ako ng malalim na hangin at saka tumuwid sa pagkakatayo. Nalingunan ko ang pintuan at nakitang paparating na rin si Banjo habang may hawak na bote ng mineral water.
Hinablot ko iyon sa kanya at mabilis na nilagok ang tubig. I feel refreshened. Pakiramdam ko kanina, para akong malalagutan ng hininga dahil sa tapang ng usok ng sigarilyo.
Pinunasan ko ang labi ko pagkatapos kong uminom. Matalim kong tiningnan si Banjo. Kita sa kanyang mukha ang pag-aalala at takot. I rose my lips in irritation.
“Ano’ng problema mo?” Singhal ko sa kanya.
He looked so worried in my state. Hindi siya makatingin ng maayos dahil sa nangyari.
“Magpapaalam na sana kami, eh. Uuwi na.” at saka itinuro ang labas.
Malalim ulit ang hugot ko ng hangin. Ipinatong ko ang bote sa mesa at saka hinugot ang wallet sa likod ng pantalon ko.
“Kunin mo muna ‘to. Sweldo niyo para sa dalawang araw.” At inabot ang pera sa kanya.
Tinanggap niya iyon at binilang sa harap ko. Namamangha siyang nag-angat ng tingin sa akin.
“Madam, sobra-sobra naman ito.” Aniya.
Tinanguan ko siya at saka isinuksok ulit ang wallet ko sa pantalon. “Ayos na ‘yan. Tip ko na sa’yo kahit na niyanig mo ako kanina.”
“Salamat, madam! Sige, alis na kami.” At saka tumalikod. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay muli niya akong nilingon.
“Oh? Bakit?” tanong ko.
“Kaninang umaga, tinanong mo sa akin si Engineer De Guia ‘di ba?”
Oo nga pala. Naghahanap nga ako ng inhinyero para masimulan ko na ang pagpapaayos ng bahay. Gusto ko na ring lipatan ito. Kung hindi pa lang talaga maayos itong tirhan, baka hinakot ko na ang mga gamit ko sa hotel at inilipat na rito.
“Ah…” at tumangu-tango ako. “Alam mo ba kung saan ang opisina niya?” balik tanong ko sa kanya.
“Oo, madam. Sa may plasa. Malapit sa munisipyo. Iyong building na may tatlong palapag, iyon ang opisina niya.”
Kailangan kong puntahan iyon bukas. I have to look for someone who will help me restore this house. Hindi dapat ako magsayang ng oras. Wala rin naman akong gagawin sa buhay ko so instead of idling again like what I did some years ago, why don’t I spend my time in here?
Tinungo ko ang restaurant ng hotel sa baba matapos kong maligo. Dito ko na naisipang kumain dahil sawa na ako sa cup noodles at sandwich sa unit ko. Magalang akong binati ng waiter at iginiya sa napiling mesa.
“Here’s our menu, Ma’am.” Aniya at inabot sa akin ang menu.
Sandali ko iyong pinagmasdan. Ang daming pagpipilian pero wala akong mapili. Kaya isinara ko ulit iyon at inabot sa waiter.
“Bigyan niyo na lang ako ng specialty niyo rito.” Ani ko.
“Alright, Ma’am.” At saka isinulat ang sinabi ko. “Drinks, Ma’am?”
“Do you serve beer?”
“We do, Ma’am, but right now, we’re out of stock po.”
Tumango ako. “Wine?”
“Yes, Ma’am. Which wine do you---”
“Stella Rosa, black. One bottle.” Putol ko sa kanya. Hindi na akong muling nagsalita pa. I saw it in the menu earlier.
“Would that be all, Ma’am?”
Tumango lang ako.
I busied myself with my phone. Checking some emails for the day. May mga text rin akong na-receive galing sa pamilya ko sa Manila. Binasa ko lang iyon at hindi na nag-reply. I just want to leave everything behind and start to live my life here. Eh, ‘di kung palpak ako rito, uuwi ako.
Nai-serve na sa akin ang pagkain at wine na in-order ko. Sa unang dantay ng likido sa dila ko, napawi ang uhaw ko. Hindi lang ng lalamunan, kundi ng uhaw na alaala.
I shook my head once. This is ridiculous. I went to this place to start over again.
Ah? Talaga ba, Faith? Ito na ba ang plano ko? Because the last time I check, wala akong plano para sa sarili ko.
Ano nga ba talaga ang gusto kong mangyari?
Napangalahatian ko na ang laman ng bote ng alak. Tinawag ko ang waiter para bayaran na ang bill ngunit wala pa akong balak bumalik sa unit ko. I’ll spend more time here in the restaurant. I’m enjoying the ambiance now; very light and cozy.
“Enjoy the rest of the evening, Ma’am.” Aniya at saka inabot ang card ko.
Ngumisi ako at saka tumango lang. I glanced at the glass wall of the restaurant, madilim na. Probably around 6:30 – 7:00 PM. Hindi ko maintindihan ang sarili dahil kalahati pa lang naman ang nakokonsumo ko pero ramdam ko na ang tama ng alak sa aking sistema. Gumapang na ang init sa buong katawan ko, and I won’t be surprised if my face will look like cherry pops dahil sa pagkapula.
“Are you alone?” narinig ko ang isang baritonong boses sa kaliwang bahagi ko.
Namumungay na ang mga mata kong tiningnan siya. My brow raised when I saw a familiar person.
“Ikaw na naman?” ani ko.
He chuckled. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at sinalinan ulit ang kopita ng alak. I pursed my lips as I realized, paubos ko na pala iyon. Akala ko, napapangalahatian ko pa lang.
Sa unit na lang ako magpapalipas ng oras pagkatapos ko nito.
“Can I join you?” he asked. There’s a hint of playfulness in his voice.
Hindi ko alam kung ano na ang tumatakbo sa isip ko. Sa ibang pagkakataon, tumatanggi ako sa mga ganitong alok. Lalo na noong nasa Manila pa ako dahil laman ako ng mga bars. Men, either at my ages or older than me, were always asking me if I’m lonely, alone, and if I just wanna have fun.
Damn all of them. They just want to get laid.
“Bahala ka.” Tanging sagot ko sa kanya.
Umupo siya sa katapat na upuan ko. Sumimsim ako ng alak bago ibinaling ulit ang tingin sa glass wall.
“Why are you always alone?” tanong niya habang matamang nakatingin sa akin.
Nilingon ko siya. Inilapag ko ang kopita sa mesa at pumangalumbaba sa harap niya.
“Eh ikaw? Bakit ka laging sumusulpot sa harap ko?”
Pinasadahan ko ng tingin ang lalaking kausap. He looked very manly with his white polo shirt that that perfectly fit on his muscular body. Thick brows, deep set eyes, narrow nose and thin lips. Clean cut ang buhok at well-shaved ang panga.
I smirk. Ba’t ko ba pinupuri ang lalaking ‘to?
“Nagkataon lang.” he casually said and crossed his arms around his body.
Ngumuso ako. Not convinced by his answers. Madalas siguro ang lalaking ito rito. This is a hotel with complete amenities. And given by his actions and words, this man is certainly…
I don’t like judging. Pero iyon ang pumapasok sa utak ko.
“Bakit? Don’t you believe in fate?”
Humalakhak ako. Malakas. Hindi ko alintana kung may ibang taong nakapansin no’n at napapalingon sa direksyon namin. I just can’t withstand his words directly.
“Naniniwala ka ro’n? Man, you’re too old for that!” I said and laugh again.
Siya naman ngayon ang ngumuso. I shook my head a couple of times bago ako nagdesisyong tunggain hanggang sa huling patak ang alak sa aking kopita.
Pumangalumbaba rin siya. He doesn’t look like drunk. Matino siyang sumagot. Kalkulado ang mga kilos. My mind may be awake but my system is already influenced by the alcohol.
“There are things that happen beyond our control. That’s fate.” Aniya.
Natatawa pa rin ako habang umiiling sa kanya. Inabot ko ang dulo ng kanyang ilong at mahinang pinitik iyon.
“All things happen for a reason. Hindi pwedeng wala. At lahat ng hindi mo kontrolado ay resulta ng desisyon na ginagawa ng tao, tama man o mali.” Sagot ko.
Ngumisi siya. Lalong inilapit ang katawan sa mesa. Sa laki ng lalaking ‘to, halos maabot niya ako na nakapangalumbaba rin sa mesang ito.
Umiikot na ang paningin ko. Bumabagsak na ang mga talukap ng mga mata ko. at habang tinitingnan ko siya ng mabuti…nagiging dalawa na siya.
Damn it.
“Kaya ba ako nasa harapan mo ngayon? Dahil nagdesisyon kang pakiharapan ako?” bulong niya.
Tumayo ako. At kahit umaalon ang paningin ko, pinilit ko ang sariling tumayo ng maayos at sagutin ang huling sinabi niya.
“Oo. At tadhana rin na iiwan kita rito dahil ito ang desisyon ko.” I smirked and walk away.