CHAPTER 1

1462 Words
Faith     Naramdaman ko ang malambot niyang mga labi sa noo ko. Mahigpit ko siyang yakap. Ayoko siyang bitawan. Ayoko siyang pakawalan. Nang gumalaw siya, mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.   Narinig ko ang mahihina niyang halakhak. Gusto ko man siyang sabayan sa pagtawa, nauunahan ako ng takot ko.   “I love you, Earl.” Anas ko at saka tumulo ang mga luha ko.   Kumalas siya sa pagyakap sa akin at saka hinawakan ang aking magkabilang pisngi.   “I love you so much, Faith.” Bulong niya at saka pinahid ang mga luha ko sa aking mga pisngi.   Nasilayan ko ang matamis niyang ngiti. God, I miss his smiles.   “I’m sorry, I wasn’t there. Kung nandoon lang ako---”   Inilagay niya ang kanyang hintuturo sa aking mga labi, probing me to stop talking.   “It wasn’t your fault, Faith. It wasn’t, darling.” At saka siya umiling.   Inabot ko ang kanyang labi. Pumikit ako. It’s cold but I don’t mind. I want to feel his kisses. Naramdaman kong gumanti siya ng halik sa akin. Oh, Earl. I’m going crazy all over again.   Nang bitawan ko ang kanyang labi, nagmulat ako ng aking mga mata. Kasabay no’n ay ang paghabol ko ng hininga. Ramdam ko ang mga butil ng pawis na tumatagtak sa noo ko.   Mabilis akong bumangon. Hinanap ko siya sa aking paligid. But he’s nowhere to be found.   Mariin akong pumikit at saka pinunasan ang aking noo gamit ang aking kamay. Para akong nakipagkarerahan ng takbuhan dahil sa hingal at pagod ko. Dinungaw ko ang bintana sa veranda. Madilim pa. Madaling araw pa lang siguro. Hatinggabi na ako pumasok sa kwarto ko kanina. Ibig sabihin, ilang oras pa lang akong nakakatulog.   I sighed and smiled. Nakita ko ulit siya.   “Madam!” sigaw na Banjo sa akin habang kumakaway pagkababa ko sa kotse.   Suot ang aking aviators, tinanguan ko siya. May kasama siyang mag-asawa. Probably on their late 40’s. Naka-working clothes habang nakasuot ng sumbrerong abaniko.   Nakita kong papalapit sa akin si Banjo. Binuksan ko ang trunk ng sasakyan ko at saka kinuha ang cleaning tools na binili ko sa supermarket.   “Sakto lang, madam. Kararating lang din namin.”   Tumango ako at saka muling bumaling sa mag-asawa sa tapat ng gate.   “Parents mo?” I asked.   Nilingon niya sila saglit bago muling bumalik ang tingin niya sa akin at saka tumango. I smirked. Tumango ulit ako at saka nilampasan na siya roon.   Nagsimula kami sa pagtatabas ng mga d**o sa paligid. Sa bakuran nag-umpisa sila Benjo at ang mga magulang niya habang pinili kong unahing linisin ang harapan ng gate.   Mataas ang sikat ng araw. Tagaktak na ang pawis ko. Hindi pa ako nagtatagal sa paglilinis, pakiramdam ko ay susuko na ako. Mabuti na lang kahit papaano, paroon at parito si Banjo sa kinaroroonan ko para tingnan kung ayos lang ako.   Pero hindi ako humingi ng tulong. Tss. Kaliit na nga lang nitong nililinisan ko kumpara sa area na nililinisan ng mga kasama ko.   Mag-aalas dose na nang tanghali nang magpahinga kami. Niyaya ko silang kumain sa kalapit na karinderya. These people are good to me. Hindi lang masyadong nagsasalita ‘yong mag-asawa dahil sa sobrang kadaldalan ni Banjo. Siya na nga yata ang bumangka sa usapan.   Nakita kong ngumingiti lang iyong matandang babae. Iyong asawa niyang lalaki ay nakikinig lang sa usapan. Kaya kahit hindi ako masyadong interesado, sinubukan ko silang kausapin.   “Uh, ‘nay. Ano’ng pangalan mo?”   Hindi siya nagsalita. Tiningnan niya lang ako. My forehead creased. Hindi yata siya marunong managalog.   “Ah madam. Hindi nagsasalita ang nanay ko.” aniya habang nagkakamot ng ulo.   “Nakikita ko nga.” Malamig na sagot ko at saka uminom ng softdrinks.   Hinarap niya ako. “Hindi ‘yon, madam! Ang ibig kong sabihin, hindi siya nakakapagsalita. Pipi ang mga magulang ko.”   Nalaglag ang panga ko sa narinig. Ibig sabihin, all this time, hindi nila ako naririnig?  Pero paano? Kanina nang sinabi kong sa kabilang bahagi naman sila ng bakuran magbunot ng mga d**o, naintindihan naman nila. Eh ‘di paano nangyari ‘yon?   Pero hindi ko na iginiit. Tumango lang ako.   “Naty ang pangalan ng nanay ko. Tasyo naman ang pangalan ni Tatay.” Ani niya.   Parehong silang ngumiti na dalawa. Sabagay, wala namang mawawala sa akin kung…ngingiti ako.   Pero hindi, ngumisi lang ako at saka tumango.   “Ano’ng oras ulit bukas, madam?” tanong sa akin ni Banjo pagkatapos naming maglinis sa harapan.   Malaki ang ipinagbago ng itsura ng bahay nang matanggal lahat ang mga d**o sa paligid nito. Lumitaw ang kalakhan ng bahay. Luma man pero tanaw ang kagandahan nito. Mukhang ancestral house na dahil sa tagal ng naipatayo.   Kaso ngumiwi ako. Parang…haunted house naman yata.   “Parehong oras.” Tanging sagot ko sa kanya.   Tumango siya at saka ngumiti. “Sige madam, no problem!”   Hindi kalayuan ang bahay nila rito. Isinabay ko na sila sa pag-uwi. At nang makauwi ako sa hotel, ang tanging gusto ko na lang gawin ay maligo at matulog.   Siguro nakaidlip din ako ng halos isang oras. Nakabawi rin ako ng lakas kahit papaano. Tinungo ko ang mini ref para kumuha ng beer pero pagbukas ko, iisang lata na lang pala ‘yon.   Kulang na rin ang mga supplies ko. Pwede naman akong kumain sa restaurant ng hotel pero kung laging ganoon ang gagawin ko, madali akong mauumay.   Gustung-gusto ko na rin mag-yosi pero pucha, wala na rin akong stock. Ganoon ba talaga ako napagod at hindi ko namalayang pati iyon ay ubos na rin?   Nagbihis ako. Pupunta ako sa grocery. Mabuti na lang at may kusina ang kwartong nakuha ko. Isang linggo ang booking ko rito kaya kung magi-stock ako ng groceries, malaki ang matitipid ko. Malaki naman ang pera ko sa bangko. Kahit isang taon akong mag-book dito sa hotel, hindi ako mamumulubi.   Pero balak ko kasing ipa-renovate ang bahay na ‘yon. Bago namatay si Daddy, ibinilin niya iyon sa akin. Siguro naman kung ipaayos ko at alagaan ang ibinilin niya, patatawarin niya na ako sa langit.   “Anak ng…” bulalas ko. Flat tire!   Walang yosi. Walang pagkain. Walang beer. Flat tire pa.   Punyeta.   Kaya ko namang ayusin ‘to pero gugugol pa ako ng ilang minuto. Kumpleto naman ako sa tools. Pero badtrip talaga. Kung kalian marami akong kailangan, saka pa nangyari ‘to.   Binuksan ko ang trunk ng sasakyan ko at saka isa-isang kinuha ang tools. Para akong batang nagmamaktol habang isa-isa kong tinatanggal ang hub cap at niluluwagan ang mga nuts ng gulong. Hindi pa ako nangangalahati sa pagbomba ng car jack, bwisit na bwisit na ako.   “Need help?” narinig kong may nagsalita sa likod ko.   Nilingon ko kung sino’ng nagsalita. Isang matangkad na lalaking naka powder blue long sleeve polo. Nakatupi ang manggas hanggang sa kanyang siko at nakatuck-in sa maong pants niya. Naka leather boots din. Nakangisi siya habang nakatayo roon at nakapamaywang.   Tumaas ang kilay ko.   Ibinalik ko ang tingin ko sa ginagawa. “Huwag na. Kaya ko.” malamig kong tugon sa kanya.   “Hmmm… Tingin ko hindi.”   Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Nang makita kong tama na ang pagkaka-angat ng gulong, padabog kong kinuha ang lug wrench at isa-isang kinalas iyon.   “Mas mapapabilis siguro kung---”   Padarag akong tumayo at nilingon siya habang hawak ang wrench. Natigilan siya sa ikinilos ko.   “Ano ba’ng gusto mo?” iritable kong tanong sa kanya.   “I’m offering you help.”   “I don’t need it, Mister.” Diretsahan kong tugon.   Akma na akong magpapatuloy sa ginagawa nang muli siyang magsalita.   “Hindi ko matiis na makitang---” I cut him off again.   “Bolero ka, ‘no? May mga bolero pala rito sa probinsya?”   Ngumisi siya at saka ngumuso. Tss.   “Ang sungit mo naman.”   I smirked at him, too. Evilly.   “Alam ko ang ganyang mga galawan. Pumoporma ka lang. Hindi ako ipinanganak kahapon. Kaya…” I looked at him from head to toe and returned my gazes at him. “…huwag ako.”   Humalakhak siya. Malakas. Na habang tumatagal, pakiramdam ko, naiinsulto na ako.   “Damn, girl. I am just offering you help! Hindi kita type!” at muli siyang humalakhak.   My lips rose in irritation. Bahagya akong nakaramdam ng hiya pero hindi ko iyon ipinahalata.   I rebutted. “Then get lost.” Masungit kong sagot at tinalikuran na siya para ipagpatuloy ang naantala kong ginagawa.   “Fine. Fine. If you need anything, just ring the reception area. Ayokong nahihirapan ang mga customers ko rito.” He chuckled. Naramdaman kong palayo na ang mga yabag niya.   Customer niya? nangunot ang noo ko.   Sino ba ‘yon? Manager ng hotel? Tss.   Umiling ako ng minsan habang kinakalas na ang gulong sa hub.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD