Purple Scarlet Part 1
Chapter 1
Black dragon gang kilala ang grupong ito dahil sa makapangyarihan ang mga taong nasa likod nito. Si Zack ang pinuno ng grupong ito dahil sa galing nito sa martial arts at walang sinumang makakatalo dito. Napakalupit ni Zack kunting pagkakamali lang kamatayan kaagad ang naiisip nitong solusyon kaya naman hindi na natiis ni Keil at Sandrea ang pagmamalupit nito at naisipan nilang magtiwalag at mag bagong buhay. Ngunit ang kanilang kagustohan ay hindi sinang ayunan ni Zack, kanang kamay niya si Keil at secretary niya si Sandrea, sobrang daming nalalaman ng dalawa tungkol sa kanilang grupo kaya hindi siya papayag na basta basta nalang aalis ang mga ito. Kung pipilitin ng dalawang umalis kamatayan ang ibibigay sa kanila ni Zack, walang nagawa ang dalawa at naghintay ng tamang pagkakatao na makaalis sa grupong iyon.
Isang tahimik na gabi, tulog na ang kanilang mga kasamahan ng tahimik silang tumakas at sa kabutihang palad walang nakaramdam ng kanilang paglisan.
Habang nasa daan ang dalawa iniwan nila ang mga gamit sa kanilang katawan na pwedeng gamitin para matrace ang location nila, pagkatapos ay nagtungo sila sa airport mabuti na nga lang at nakakuha rin sila ng isang bag na pera mula sa grupo, magagamit nila iyon sa pagbabagong buhay, kinakabahan sila ng labis. Kinakabahan at naisip ng dalawa na baka nakaramdam na ang kanilang kasama na wala na sila at baka pinaghahanap na sila ng mga ito. Ilang oras lamang ang lumipas agad na lumipad ang eroplanong kanilang sinasakyan doon na lamang napanatag ang loob ng dalawa. Pagkarating nilang makarating sa Cebu humanap agad sila ng tattoo artist upang iapatanggal ang kanilang tattoo sakanilang kamay. Pagkatapos agad silang humanap ng matitirhan at magsimula muli. Galit na galit si Zack sa ginawa ng dalawa at papatayin nya ang mga ito kapag nalaman niya kung saan nagtatago ang mga ito, ang hindi niya alam nakalabas na ng bansa ang dalawa. Sa kabilang dako namuhay naman ng masaya ang dalawa.Mabilis lumipas ang panahon at may katagalan narin ang dalawa na namuhay ng tahimik, naisip din nila na baka nakalimutan na ni Zack ang nangyari at hinayaan nalang sila. Isang araw galing sa simbahan ang dalawa ng maagaw ang pansin nila ng umiiyak na sanggol.
* Wahhhhh, huhu, huhuhuh whaahhhhhhhhh huhu * nanginginig na tinig ng isang bata ang narining nina Keil at Sandrea mula sa isang basurahan malapit sa kanilang tahanan. Agad na nilapitan ng mag-asawa ang basurahan at bumungad sa kanila ang batang babae na umiiyak at nanginginig pa sa lamig dahil basang basa ito, nagtataka ang dalawa bakit may batang babae na naroon. Ang batang babaeng iyon ay si Zain na pinatapon ng ama sa ibang bansa bilang kaparusahan sa ginawa nito. Kinuha ng mag- asawang Valdez ang nanginginig at iyak ng iyak na bata na nasa basurahan. Ang mag asawang Keil at Sandrea ay 11 years ng nagsasama kahit nung nasa black dragon palang sila mag - asawa na agad sila ngunit kailanman ay hindi sila biniyayaan ng anak kaya naman laking tuwa nila ng makita ang batang babae na nasa basurahan, at hindi rin nila nakilala na ang batang iyon ay anak pala ni Zack na pinuno nila sa black dragon. Mayaman na ngayon at mabait ang mag- asawang ito kaya naman napakaswerte ni Zain na ito ang nakapulot sa kanya. Mas pinili ng mag- asawa na manirahan sa ibang bansa para sa katahimikan ng kanilang buhay at para narin makatago sa mga taong humahabol sa kanila. Hindi nakakapagsalita ng panahong iyon si Zain dahil sa mga nangyari lagi lamang itong umiiyak kaya naman hindi siya makausap ng mag - asawa. Nasa limang taon palang siya ng matagpuan ng mag asawa kaya't sinikap ni Sandrea na turuan at hubugin si Zain bilang isang mabait at mabuting bata tsaka turuan itong malimot ang nakalipas. Pinangalanan nila ang bata bilang Keirea kinuha ito sa pinaghalong Keil at Sandrea.
-* After 10 years *-
* Wala ka talagang kwentang anak*
"Patawad po patawad huhuuuuuuuu patawad"- Keirea
"Anak Keirea, anak gising nananaginip ka " Sandrea
Nag - aalala ang inang ginising ang nanaginip na dalaga, nagising naman si Keirea at agad niyakap ang ina
" Mommy huhuuuuuuuu" Keirea,
nanginginig pa ito habang nakayakap sa ina
" Nanaginip ka na naman " Sandrea
"Napanaginipan ko ulit mommy, ang sama ng panaginip ko " umiiyak na sambit ni Keirea
"Shhhh tama na okay panaginip lang yun, nagpray ka ba bago natulog" Sandrea
"Opo mommy huhu" Keirea
"Kukunan kita ng tubig okay, dito ka lang huh" Sandrea
"Sige po mommy" Keirea
Nagtungo na ang ina sa kusina para kumuha ng tubig maya maya pa ay bumalik na rin man ito at may dala dalang tubig.
"Salamat mommy" Keirea
" Walang anuman uminom kana at magpahinga ulit okay, magdasal ka bago matulog. Ikaw na bahalang magbalik ng baso, babalik na ako sa kwarto namin ng daddy mo at may pasok pa kami bukas" Sandrea
"Opo mommy" Keirea
Matapos uminom ng tubig ay isinauli na niya ang baso tsaka bumalik sa pagkakahiga
*Kinabukasan*
* Tik tak tik tak tik tak*
Nagising na lamang si Keirea sa paulit ulit na pagtunog ng kanyang alarm. Niligpit na niya ang kanyang higaan at nagtungo sa kusina. Pagkarating niya sa kusina naroon naman ang kanyang ama at ina na nag-aalmusal.
" Oh iha gising kana pala, come here sumabay kana samin ng daddy mo" Sandrea
" Ano oras ba pasok mo ang aga mo naman nagising, hindi kana ginising ng mommy mo akala namin mamaya pa ang pasok mo" Keil
"Mamaya pa naman po pero may tatapusin po kasi kaming project ng mga kaklase ko kaya maaga po ako papasok ngayon" Keirea
" Ganun ba, ihahatid ka nalang namin ng mommy mo bago kami pumunta ng office" Keil
Sabay na kumain ang tatlo ng umagahan. Pagkatapos ng almusal ay umalis na din agad sila, inihatid si Keirea ng kanyang mga magulang. Hindi na ipinasok ni Keil ang sasakyan sa loob ng paaralan, sa labas ng gate na lamang nito ibinaba si Keirea
" Bye mommy, bye daddy see you later , mag-iingat po kayo palagi" Keira
"Bye iha, mag - iingat ka din palagi" Keil and Sandrea
Nagkiss pa siya sa mga ito bago tuluyang pumasok sa paaralan. Pinag-aral si Keirea sa paaralan na kung saan puro Pilipino rin ang nag-aaral, kaya naman kahit nasa ibang bansa dalubhasa parin sa pagsasalita ng Filipino si Keirea at pilipino rin ang karamihang nakakausap niya. Sa paaralan madami siyang kilala doon ngunit tanging ang kaibigang si Jack lang ang kasama niya saan man siya magpunta. Si Jack ay isang working students sa paaralan na pinapasukan nila at wala na itong pamilyang kinalakihan. Sikat si Keirea sa paaralan bilang top performing students tsaka most beautiful and talented pa. Lumaki siya sa alaga ng mapagmahal niyang ama at ina kaya di nakapagtatakang bukod sa maganda, sobrang bait pang bata ni Keirea. Dahil sa taglay na katangian lahat ng lalaki ay naaakit kay Keirea, walang sinuman ang hindi magkagusto dito dahil nasa dalaga na ang lahat lahat. Maging ang kaibigang si Jack ay nahulog narin ang loob sa dalaga ngunit pinili na lamang nitong manahimik at itago ang kanyang nadarama para sa dalaga upang d masira ang kanilang pagkakaibigan. Pagpasok niya ng gate, pinagtitinginan siya ng mga studyante din ng paaralan.
"Buti pa siya sexy at maganda tas matalino pa" girl 1
"Kaya nga ehh full package, swerte ng mga magulang nya sa kanya" girl 2
"Sana ako din kagaya nya" girl 3
" Wag kana mag ambisyon, wala pa tayo sa dulo ng daliri niya" girl 2
Iilan lamang iyon sa narinig ng dalaga ngunit hindi na niya iyon pinansin at dumiretso na ito sa kanyang room. Sanay na siya sa ganun kaya normal na sa kanya ang mga ganung bagay.
"Oyyy best friend" aning Jack sabay tapik sa balikat ni Keirea
"Ikaw pala" Keirea
" Kanina ka pa ba dito, himala ang aga mo naman" Jack
"Hay ano ay diba tatapusin natin ang ating project ngayon dahil mamaya na ipapasa" Keirea
"Kaya nga ang aga ko rin ehhh" Jack
"Tara simulan na natin ang paggawa at ng matapos na natin ang ating gagawin" Keirea
"Sure my pretty best friend " Jack
"Tama na alam ko na iyan" Keirea
At nagsimula na ngang gumawa ng kanilang project ang dalawa.