Pagkalipas ng mahabang oras natapos din agad nila ang kanilang ginagawa.
"Hay salamat naman at natapos nadin natin" Jack
"Oo nga kahit last minute nalang" Keirea
"Tara kanten muna tayo, sagot ko na" Jack
" Ayoko bibili ako ng sakin ayaw ko magkaroon ng utang na loob nohhh" Keirea
"Grabe ka naman alam kung mayaman ka at bestfriend mo nga minsan na nga lang ako manglilibre ganyan kapa" Jack ( napasimangot pa ito sa pagtanggi ng dalaga ).
"Yun na nga mag bestfriend tayo kaya ayaw kung may utang sayo" Keirea
" Libre ko naman hindi mo utang kaya pumayag kana, please sige na bestfriend pumayag kana please" nagpapacute na sambit ni Jack
"Okay sige na nga baka umiiyak ka pa jan ayy, maglunch nalang din tayo doon balik nalang tayo dito pag oras na ng ating klase" Keirea
"Yeheyyyyyy let's go" Jack
Nagtungo na nga ang dalawa sa kantena at kumain na sila. Habang tahimik na kumakain ang dalawa nilapitan sila ng taong lalaki.
"Hi miss beautiful pwede ka ba naming makasabay kumain" boy 1
" Oo nga naman miss beautiful, ang cute cute mo kasi" boy 2 (akmang pipisilin nito ang kamay ng dalaga ng tabigin iyon Jack)
" Tigilan nyo nga ang bestfriend ko" Jack
" Oyyyy lumalaban pare ha ha ha " boy 3
"Ang tapang mo naman bata huh " boy 1 (sabay pilipit nito sa kamay ni Jack)
"Ahhhhh aray" Jack
"Ahhh aray ha ha ha" boy 2
"wala ka ding palang sinabi, hindi naman ikaw ang kailangan namin bakit haharang harang ka" boy 1
" Tigilan nyo na nga yan nasasaktan ang kaibigan ko, kung wala kayong magawa sa buhay nyo pwes wag kami ang sturbuhin nyon okay" Keirea
" Ohhhhhhkayy sabi mo eh" boy 1 ( saby bitaw nito sa kamay ni Jack na noo'y namimilipit na sa sakit)
"Okay ka lang ba" Keirea
" Buhay pa yan kamay lang naman yan" boy 3
"Ang sasama nyo talaga, Jack lika alis na tayo dito " Keirea
Inakay ng dalaga palabas ng kantena ang binata dahil masakit parin ang kamay nito sa ginawa ng isang lalaki halos mabali ang mga buto nito. Hindi pa sila nakakalayo ng muling narinig ni Keirea ang sigaw ng tatlong lalaki na nagtatawanan.
" Magkikita ulit tayo miss beautiful ha ha ha "
" Ha ha ha, magiging samin kalang ha ha ha"
"Palakasin mo yang bodyguard mo para naman maag tanggol ka niya ha ha ha ha"
Hindi na lamang pinansin ni Keirea at Jack ang mga ito bumalik na lamang sila sa kanilang room, dahil magsisimula na ang kanilang klase.
Matapos ang kanilang klase, nagsiuwian na din ang kanilang kamag-aral.
"Kaya mo na ba o ihahatid ka namin nila daddy" saad ni Keirea sa kabigan
"Kaya ko na kamay naman hindi naman sa paa kaya makakalakad ako, salamat nalang ingat ka sa pag-uwi mo" Jack
" Sige ikaw bahala, ingat ka din sa pag-uwi, I have to go na bye, naghihintay na sila mommy at daddy sa labas ng gate" Keirea
" Bye" Jack
Nagkawayan pa ang dalawa sa kanilang pagkalayo. Lumabas na si Keirea sa paaralan at hindi nga siya nagkakamali naghihintay na doon ang kanyang ama at ina, hapon na kasi ang kanilang uwian.
" Hi mommy, Hi daddy" Keirea
" Hello iha " Keil and Sandrea
Sabay pumasok na din ito sa loob ng kotse. Habang nasa daan nagkwentuhan ang mga ito tungkol sa nangyari sa ngayong araw.
" How's your school naman iha" Sandrea
" Oo nga pala natapos nyo ba yung kailangan nyong tapusin sa paaralan" Keil
" Okay lang naman po mommy and daddy ,t opo natapos naman po namin, kaso lang kanina" Keirea
" Oh anong nangyari may hindi ba magandang naganap sa maghapon ng aming dalaga" Sandrea
Dahil sa tanong ng ina, napilitan na lamang mag kwento ang dalaga sa nangyari sa kanila ni Jack sa loob ng kanten. Kinuwento niya ang ginawa ng tatlong mga lalaki na iyon.
"Hayaan mo iha, bukas na bukas din hahanap ako ng martial arts school dito at ipag- aral kita doon para maturuan mo sila ng leksyon" Keil
" Kahit wag na po daddy" Keirea
" No hindi pwede sasama ako bukas sa paghahanap ng daddy mo" Sandrea
" Para sayoyang ginagawa namin iha okay" Keil
"Okay po" Keirea
Wala ng magawa ang dalaga kundi na manahimik hanggang sa makarating sila sa kanilang tahanan. Pagkarating nila tulong tulong na silang nagligpit at nagkain. Matapos ang kanilang hapunan, umakyat na si Keirea sa ikalawang palapag kung saan naroon ang kanyang kwarto at ang mag-asawa naman ay naiwan sa ibaba at nag lock ng mga pinto, dahil sa baba narin naman ang kwarto nila kaya hindi na nila kailangang umakyat pa sa second floor ng kanilang bahay . Pinatay na ang ilaw ng buong bahay nila at sabay sabay na din naman silang nagpahinga.
* Kinabukasan *
* Wala ka talagang kwentang anak *
" hindiiiiiiiiiiiiiiiiii" napabalikwas si Keirea sa kanyang higaan dahil sa kanyang napanaginipan
"Nanaginip ulit ako, ano kaya ang lagi kung napapanaginipan na iyon" Keirea
Napanaginipan ulit niya ang mga salitang paulit ulit niyang naririnig sa kaniyang panaginip. Lumabas sa kanyang kwarto si Keirea at nagtungo sa kusina upang mag-inom ng tubig. Nakita niyang tahimik ang buong bahay.
"Nakaalis na ba sina Mommy at Daddy bakit walang ingay dito sa kusina, nakakabinging katahimikan naman to" Keirea
Matapos niyang uminom ng tubig sumaglit muna siya sa kwarto ng kanyang mga magulang upang tingnan kung naroroon pa ba sila. Nakita niyang wala na nga ang mga magulang doon kaya naman bumalik nalang siya sa loob ng kanyang kwarto dahil mamaya pa naman sa hapon ang pasok niya. Habang pabalik siya sa kanyang kwarto napansin niya ang kakaibang kotse na nasa labas ng kanilang bahay at tila nagmamasid ito sa bahay nila. Makalipas ang ilang oras umalis na din naman ito kaya binaliwala nalang ni Keirea at bumalik na ito sa kwarto. Pagpasok niya sa kanyang kwarto kinuha niya ang kanyang mga aklat at nagbasa basa siya ng kanyang lesson upang ready mamaya siya sa kanilang discussion.
Tanghali na ng mabaling ang atensyon ni Keirea sa orasan,maging ang almusal nakaligtaan niya dahil sa pagbabasa. Dali dali siyang pumunta sa kusina at tiningnan kung may pagkain ba siya. Pagkarating niya meron namang pagkain marahil niluto iyon ng ina bago ito umalis kaya naman kumain nalang siya at nagtungo sa paaralan. Pagpasok niya sa gate naroroon na ang kaibigan nitong si Jack na hinihintay siya. Agad naman lumapit si Jack kay Keirea ng makita ang kaibigan na paparating
" Good morning my beautiful best friend"- Jack
" Wow naman hinintay mo talaga ako"- Keirea
"Yes of course, as what I always did"- Jack
"Thank you let's go na sa room natin baka malate pa tayo" Keirea
Habang papunta sila sa kanilang room makakasalubong ulit nila ang tatlong lalaki na nambully kay Jack sa kantena
"Here we go, good morning miss beautiful, habang patagal lalo kang gumaganda"- boy 1
"Magaling na ba bodyguard mo nayan" boy 2
"Ahhhh arayy daw ha ha ha" boy 3
"Bakit kasi sya pa ang lagi mong kasama eh pwede naman ako, I got you baby"- boy 1 ( kumindat pa ito sa dalaga na siya namang ikinangiwi ng mukha ni Keirea)
" Mas may tiwala naman ako sa kanya kaysa sa inyong tatlo" Keirea
" Oyyyy pare ginaganyan ka lang " boy 3
"Masyado mo naman pinagmamalaki itong kaibigan mo " boy 1 ( sabay lapit nito sa dalaga na nakangisi )
"Lumayo ka nga sakin ang baho mo" Keirea
"Ang sakit mo naman magsalita miss beautiful, ito lang tatandaan mo hinding hindi ako makakapayag na hindi ka mapasakin dahil sakin ka lang" boy 1
" Mas lalong hindi ako papayag na mapasayo " Keirea
" Tigilan nyo na nga kaibigan ko" Jack
" Jack hayaan na natin sila tara na malalate na tayo" Keirea
" Malalate na pala ang future mo pare" boy 3
" Okay you can go" boy 1
Umalis na ang dalawa sa harap ng mga ito at ang tatlo naiwan na namang nagtatawanan, sumigaw pa ang mga ito.
"Mag- aral kang mabuti future ko haha" boy 1
"Ha ha haha" boy 2 & 3