Purple Scarlet Part 3

1558 Words
Nagpatuloy lang sa paglalakad ang dalawa hindi na nito pinansin ang tatlong lalaki. Pagpasok nila ng kanilang room wala pa doon ang kanilang guro kaya naman naghintay pa sila ng ilang minuto bago ito dumating at nagsimula na sa discussion. Halos apat na oras din bago sila idismiss ng kanilang professor. "Susunduin ka ba best friend ihahatid na kita sa labas ng gate" Jack " Lagi naman akong sinusundo nila mom and dad " Keirea "Tara samahan na kita" Jack "Sige salamat" Keirea Lumabas na nga silang dalawa sa paaralan. Naroroon na rin sa labas ng gate ang mga magulang ni Keirea na naghihintay sa kanya, nagmano si Jack sa mga ito dahil kilala rin naman siyang matalik na kaibigan ni Keirea. "Maraming Salamat sa pagsama sa anak namin lumabas ng gate iho" Sandrea " Walang anuman po tita, so pano po tuloy na po ako tita, tita, Keirea mag- iingat po kayo" Jack " Sige iho, mag-iingat ka din" Keil & Sandrea "Bye" Keirea Pagkaalis ni Jack, umuwi narin sila Keirea. Pagkarating sa bahay naupo muna si Keirea at kanyang ama sa sala, nanonood ang mga ito, samantalang ang ina naman ay nag-aayos ng kanilang hapunan. Pagkatapos ni Sandrea magluto at maghain ng kanilang makakain para sa hapunan tinawag naman nito ang kanyang mag- ama. Habang nasa hapag ang tatlo, napatanong ulit ang ama kay Keirea. "Kamusta iha ang pag-aaral mo, ginugulo parin ba kayo ng tatlong lalaki na sabi mo" Keil "Okay naman po daddy, yung tatlong lalaki po nakasalubong na naman namin sila ni Jack and same again nanggugulo po ulit sila samin" Keirea "Ganun ba, wag mo na muna sila pansinin iha huh hayaan mo lang sila may araw din na matuturuan mo ng leksyon mga yan" Keil "What do you mean daddy" Keirea "May nakita na kami ng daddy mo na martial arts school, tutal sabado bukas dadalhin ka namin dun" Sandrea "Baka mabalian lang po ako dun daddy" Keil "Don't worry iha para sayo yan okay, para kahit ikaw nalang mag-isa makakaya mong protektahan ang sarili" Keirea "Okay po, what do you mean naman po na kapag ako nalang isa daddy" Keirea "Ah eh what I mean is pag hindi mo kami kasama, kapag ikaw lang mag- isa, yun tama ganun na nga iha" Keil "Okay po daddy" keirea "Apaka good girl talaga ng dalaga namin nayan, sya tapusin mo na yang kinakain mo para makapagpahinga kana" Sandrea "Opo mommy" Keirea Nang matapos kumain ni Keirea pumasok na ito sa kwarto niya para magpahinga, gaya ng nakasanayan ang mag-asawa na ang nagligpit ng kanilang pinagkainan tsaka pumatay ng ilaw ng kanilang bahay. Kinabukasan maagang nag-asikaso ang tatlo at pumunta sa martial arts club para matuto si Keirea na protektahan at ipagtanggol ang sarili niya. Sa una medyo nahihirapan ang dalaga mag-adopt ng mga tinuturo ng master niya na si master Lucio ngunit mabilis rin namang siyang natuto, may katandaan narin ang kaniyang master at napakadami ng naturuan kaya naman hindi mahirap para sa kanya na turuan si Keirea. Lumipas pa ang mga araw tuwing sabado at linggo laging nasa martial arts club si Keirea at kapag lunes hanggang biyernes nasa school ito para mag-aral. Unti- unti nang nahiligan ni Keirea ang martial arts, ginawa kasi lahat ni master Lucio ang makakaya nito upang matuto ang dalaga, minsan nga pagkatapos o bago pa man ang klase ni Keirea sa school dumadaan muna ito sa club upang mag ensayo. Nakasuporta rin naman ang kaibigang nitong si Jack sa bagong hilig ng dalaga, minsan pa nga sinasamahan nya ito sa club at nag- eensayo rin siya ng kunti. Dahil sa naging hilig nadin ng dalaga ang pag-aaral ng martial arts natutuwa naman ang mga magulang nito sa kabila ng lahat kahit pa na uuwi itong may pasa, minsan may bali pa nga pero ayos lang sa ganung paraan kasi ang alam nila na makakatulong sa anak nila balang araw. Mabilis lumipas ang araw at may kalahating taon na rin na nagsasanay ang dalaga, malapit narin magtatapos ang klase nila sa paaralan. Isang araw kakagaling lang ng magkaibigan sa club at papasok na ang mga ito sa paaralan ng bigla nalang sila harangin ng isang van, nasa sampong lalaki ang lumabas sa van at may mga takip ang mukha ng mga ito kaya naman hindi nila sila makilala "Sumama nalang kayo samin para hindi na kayo masaktan" saad pa ng isang lalaki at lumapit ito kay Keirea ngunit agad siya nitong sinipa na ikinagalit naman nito. Nakipaglaban ang dalawa sa mga kalalakihan na iyon dahil nga ayaw nilang sumama hanggang sa hindi namalayan ng dalaga na kapit na nito ang kaibigang si Jack kunti lang kasi ang kaalaman nito sa martial arts dahil minsan lang ito mag ensayo kaya madali itong nahuli. " Oh ano miss beautiful sasama ka ba o papatayin namin itong kaibigang mo na ito" sambit ng isang lalaki na tila pamilyar ang tinig na iyon sa dalaga hindi siya maaring magkamali isa ito sa tatlong lalaki na laging nanggugulo sa kanila ng kaibigan "Wag mo ako alalahanin Keirea, iligtas mo ang sarili mo, pakiusap ako nalang wag nyo na isama ang kaibigan ko" Jack " Oyy pabida ka naman masyado, hindi naman ikaw ang kailangan namin kundi si miss beautiful pero isasama ka parin namin" boy 5 " Wag nyo syang sasaktan sasama na ako" Keirea Wala ng magawa ang dalaga kundi sumama dahil baka anong gawin ng mga ito sa kaibigan. Nilagyan ng posas ng isang lalaki ang kamay ni Keirea ganun rin kay Jack at nilagyan nila ng takip ang mga mata ng dalawa tsaka pinapasok sila sa loob ng van. Malayo na ang nalakbay ng sinasakyang nilang van hanggang sa tumigil na nga ito tsaka pinababa rin ang dalawa. Tinanggal ng mga ito ang takip sa mukha ng dalawa. Nasa lumang gusali sila dinala ng mga lalaking iyon, habang nakatayo sila tinanggal na rin ng mga kalalakihan ang takip sakanilang mga mukha at hindi nga nagkamali si Keirea iyong tatlong lalaki nga ay kasama sa mga nag kidnap sa kanila "Welcome to my palace miss beautiful ha ha" boy 1 "Sinasabi ko na nga bang hindi kayo mapagkakatiwalaan" Keirea " Labis lang kitang mahal kaya ko nagagawa to, ako nga pala si Mike kailangan mo na ako makilala para pagpumalangit ka na kilala mo na ang taong labis na nabibighani sayo" Mike "Anong kailangan nyo samin" Keirea "Wala naman hihintying lang natin gumabi at magpapakasaya tayo ha ha, eenjoyin ko lang ang araw na kasama kita baka bukas kasi wala na kayong dalawa ha ha" boy 1 " Mag paparty party lang naman tayo ha ha" boy 2 "Napakasama nyo" Jack Dahil sa sinabi ni Jack sinuntok siya sa sikmura ng isang lalaki "Manahimik ka nalang tutal wala narin naman kayong magagawa eh ha ha, kahit anong sigaw nyo walang makakarinig sa inyo dito ha ha ha"boy 3 "Sige ipasok na mga yan sa mga silid, at bantayan nyong hindi makatakas"- boy 1 Ipinasok na nila si Keirea at Jack sa isang silid na iisa ang pintuan at bintana.Mula sa loob ng kanilang kinaroroonan rinig nila ang mga boses ng nagbabatay sa kanila at nag-iinuman pa ang mga ito. Malapit na gumabi at kinakabahan na ang dalawa. "Baka may gawin silang masama sa iyo at baka patayin nila tayo" ani Jack kay Keirea na noo'y nag iisip ng kanilang gagawin "May naisip akong plano, ganto magkukunwari akong naiihi para maalis nila ang tali na nasa kamay ko at papatulugin ko ang nagbabantay satin para makuha natin ang kapit nyang baril, magagamit natin iyan bilang proteksyon" Keirea "Baka mapano ka" Jack "Mag- iingat ako" Keirea "Sige nasa likod mo lang ako lagi Sinimulan na nga ni Keirea ang plano at naging epektibo naman ang kanyang pagpapanggap, tinanggalan nga ng tali ng isang lalaki na nagbabantay sa kanila ang kanyang kamay kaya't binilisan ni Keirea ang kilos nito na mapatulog ang lalaking iyon, hindi nman siya nahirapan sa kasama nito dahil tulog na ito sa sobrang kalasingan tsaka niya binaling si Jack na noon ay nasa likod na rin niya, tinanggalan nya rin ito ng tali. Lakad at tago ang gawa ng dalawa hanggang sa makarating sila sa kinaroroonan ng limang lalaki. Lubog na sa kalasingan ang dalawa kaya naman madali na nilang napatulog ang mga ito, kinuha rin nila ang mga baril nito. Palabas na sila ng dumating ang tatlong lalaki "Tatakas kayo"Mike Tinutukan pa sila nito ng baril ang dalawa buti na nga lang at may baril din ang dalawa mabilis nilang nabaril sa paa ang tatlo tsaka sila tumakbo palabas. Hinanap nila ang daan palabas ng lugar at di kalaunan nakalabas rin sila. Agad nagtungo ang dalawa sa bahay ni Keirea at kinuwento ang nangyari sa mga magulang nito laking pasalamat ng mag-asawa na nakaligtas si Jack at kanilang anak. Nagtungo ang apat sa police station dahil sa nangyari, itinuro nila ang lugar at agad namang inaksyunan ng polisya. Nahuli ang grupo ni Mike at kinulong ito ng mga police, matagal na palang hinahanap ang mga ito ng batas dahil patong patong na ang nagawa nitong krimen. Madami ang napatay ng grupo ni Mike kaya madami ang nagpasalamat sa magkaibigan at nahuli sila, naging tahimik naman ang buhay ng magkaibigan mula noon ngunit patuloy parin sila sa pag-aaral ng martial arts hanggang sa makapagtapos sila ng kanilang pag-aaral.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD