Purple Scarlet Part 7

1191 Words
Chapter 3 *Jack POV* Halos limang araw ng hinahanap ni Jack ang kaibigang si Keirea matapos ang birthday nito ay hindi na niya ito nakita pa maging ang mga magulang nito, labis itong nag- aalala sa kaibigan kaya't walang tigil rin ito sa paghahanap. Lahat ng lugar na pwede nitong napuntahan ay pinuntahan niya at lahat ng taong nakakilala rito ay tinanong rin niya ngunit walang nakakaalam kung nasaan na nga ba ang dalaga, iisang lugar at tao nalang ang hindi niya nakakausap at napupuntahan yun ay si Master Lucio at ang tirahan nito nang sindya kasi niya pumunta sa club nito ay walang tao roon, hindi nya lagi ito naaabutan kaya naman hindi niya nakakausap. *Ringgggg ringgggg ringgggg* magkasunod na tunog ng kanyang cellphone at kanya naman itong sinagot. "Hello sir tuloy po ba ang meeting natin ngayon" Tanong ng secretary ng company nina Keirea, magmula kasi nang mawala ang dalaga siya ang nagmanage ng company at hindi niya muna pinaalam sa mga empleyado na nawawala si Keirea. "Yes I'll go there" -Jack "Okay sir" Nag-ayos na siya at nagtungo sa opisina, iaannounce lang naman niya na hindi muna siya makakapasok dahil magbabakasyon rin siya, kahit ang totoo ay hahanapin lang niya ang kaibigan. Habang nasa meeting iniiwasan man ngunit hindi parin maiwasan ang may magtanong tungkol sa may-ari ng company "Ahmnnn sir kelan po ba makakabalik si ma'am" "Oo nga sir mag-iisang linggo narin siyang wala" "Hmnnn for now on I have no idea kung kelan babalik si ma'am but I'm sure babalik sya nagtake lang sya ng break"- Jack "Sana nga makakabalik na si ma'am" "Nagpapalamig lang ang ma'am kaya intindihin natin for those several years nakatuon lang sya sa company ehh, kaya guys habang wala kami ng ma'am Keirea pagbutihin nyo parin maasahan ko ba yan"- Jack "Yes sir,enjoy po kayo"- all employees Mabigat man sa loob na hindi siya pumasok ay wala siyang magagawa kailangan niyang makita ang kaibigan, may kutob rin kasi siya na may nangyaring hindi maganda. Bumalik muli si Jack sa bahay nina Keirea nagbabaka sakaling baka naroroon na ang mga ito ngunit pagkarating niya roon wala ni anino ng mga ito ang kanyang nakita. Pumunta siya sa kabilang bayan dala ang mga litrato ni Keirea at mga magulang nito upang doon naman magtatanong kung may nakakakita ba sa mga ito. Lumipas ang mahabag oras, nauhaw, nagutom at napagod na si Jack sa kakatanong ngunit lahat ng napagtanungan niya ay pare pareho ang naging tugon na hindi nila nakita, napanghinaan na ng loob si Jack na makikita pa muli ang kaibigan ngunit ayaw parin niyang sumuko, namahinga na muna siya sa isang park kung saan maraming tao ang dumadaan umaasang baka dumaan doon ang kanyang kaibigan o magulang manlang nito. Hapon at wala parin resulta gaya ng dati hindi parin niya nakita sina Keirea at magulang nito, nanghihina na sa pagod si Jack, nag-aalalang baka tuluyang hindi na niya makita pa ang mga ito. Walang pagpipilian kundi umuwi ang tanging magagawa niya, kailangan niyang magpahinga para kinabukasan may lakas siya upang hanapin muli ang kaibigan, kulang ang buhay ni Jack at nawalan ng saya simula ng nawala si Keirea, labis itong nalungkot. Pagkarating niya sa kanyang bahay kumain lang ito at nagpahinga para mabawi niya ang lakas at may lakas ulit kinabukasan. Sa kabilang banda ilang araw narin ang pabalik balik nina Keirea at master Lucio sa police station ngunit wala paring aksyon ang mga ito pinapakita lang nila na busy sila at maraming ginagawa ngunit ang tototo pilit nilang binabaliwala ang suliranin tungkol sa mga magulang ni Keirea. Sa tapat ng police station hindi pa nakakababa ng kotse si Keirea napansin agad nuto ang isang dalawang lalaki na may kaparehong tattoo sa mga taong pumaslang sa kaniyang mga magulang, yung isa ay katabi ng guard at ang isa naman ay kausap ng isang officer na may handle ng kaso ng mga magulang niya kaya't ng pababa ng sasakyan si master Lucio pinigilan niya ito. "Sa tingin ko kailangan na po nating umuwi" Keirea "Bakit iha may problema ba" Master Lucio "Pagkauwi nalang po natin tsaka ko sasabihin, sa ngayon umalis na po tayo dito" Keirea Napansin naman ni Master Lucio ang pagkabalisa sa mukha ni Keirea at ang pagkuyom nito ng kamay kaya pinaandar nalang nito ang kotse tsaka binaybay ang daan pauwi. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakauwi narin sila. "Ano bang nangyayari sayo iha, bakit bigla bigla ang gusto mong pag-uwi" Master Lucio "Hmnnnn Master ano po kasi bago po tayo bumaba kanina sa kotse napansin ko po yung dalawang lalaki na nasa police station" Keirea "Dalawang lalaki?" Master Lucio "Opo at kagaya ng mga pumaslang kina mommy at daddy meron din silang tattoo ng isang dragon" Keirea "Mabuti nalang at nakita mo sila iha kung hindi baka napahamak na tayo pati pala mga alagad ng batas ay hawak nila" Master Lucio "Kaya nga po pinigilan ko kayo kanina dahil kung hindj alam kong papatayin rin nila tayo gaya ng ginawa nila sa mga magulang ko" Keirea " Hindi na ligtas para sa iyo ang pumunta pa sa lugar na iyon at nakakasiguro ako baka hanggan dito ay matunton ka nila" Master Lucio " Yun din po ang naiisip ko, baka pati kayo madamay " Keirea "Ang mabuti pa doon ka muna sa kapatid ko sa kabilang nayon, doon nakakasigurado akong ligtas ka" Master Lucio "Pano po kayo" Keirea "Walang makakagalaw sakin dito wag ka mag-alala, ikaw ang kailangan mailigtas dito at tsaka yung kapatid ko malaki maitutulong nun sayo magpaturo ka sa kanya at tutulungan ka nya" Master Lucio "Sige po Salamat Po Master, hindi po ako nagkamaling sa inyo lumapit" Keirea "Sa darating na linggo ihahatid kita roon" Master Lucio "Sige Po Master, ahmnnn Master wala po ba kayong balita sa company namin at kay Jack" Keirea "Si Jack ang kaibigan mo balita ko pinaghahanap kaniya, nung isang araw sabi ng janitor ko pumunta sa club ngunit wala ako roon kaya umalis nalang at hanggang ngayon hindi pa kami nagkakatagpo" Master Lucio "Ganun po ba tiyak na nag-aalala na yun sakin hindj kaai ako nagpaalam sa kanya" Keirea "Maintindihan nya rin kung bakit at sya nga pala ang tungkol sa company mo maayos naman nyang napapalakad"Master Lucio "Mabuti naman po kung ganun" Keirea "Hindi mo muna ba sya dadalawin o bisitahin man lang ang company mo" Master Lucio " Hindi na po muna baka madamay pa sila" Keirea "Sige ikaw bahala. Oh sya nga pala maiwan muna kita rito punta muna ako sa club at may aasikasuhin pa ako doon" Master Lucio "Sige po mag-iingat po kayo" Keirea Hinintay nalang ni Keirea na makalabas sa gate ang kotse ni Master Lucio tsaka niya ito isinara. Pagkatapos naman niyang maisara ang gate naalala niya ang kanyang kotse na regalo ng kanyang mommy at daddy sa likod ng bahay ni master Lucio doon kasi nila ito inilagay kung saan walang makakakita at para narin walang makaalam na naroon si Keirea. Tinungo niya nag kanyang kotse at pagkakita niya dito muli siyang napaluha at bumabalik ang masasayng alaala nilang magpamilya. Pumasok siya sa kanyang kotse at pinagmasdan ang loob nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD