Purple Scarlet Part 5

1094 Words
Tinititigan niya ang susi ng kotse sobrang nasiyahan siya sa regalo na natanggap niya sa kanyang kaarawan, habang aliw na aliw sa panonood sa Lamborghini key nya ng biglang makarinig siya ng sunod sunod na putok ng baril umalingaw ngaw ang tunog ng baril sa buong bahay, biglang kinabahan si Keirea at bumilis ang t***k ng kanyang puso. "Sina Mommy at Daddy" tanging saad niya Dali dali niyang tinungo ang pintuan ng kanyang kwarto pagbukas nya ng pinto kitang kita mula sa ikalawang palapag ang nangyayari sa kanyang mga magulang, kapwa ito naliligo sa sariling dugo, napapaikutan ito ng mga armadong kalalakihan, ang ama niya ay dilat na ang mata at alam niya na wala na itong hininga samantalang ang kaniyang ina ay napatingin pa sa kinaroroonan nya at sininyasan siyang tumago bago ito lagutan ng hininga. Napatulo ang luha ni Keirea, galit na galit ito at ikiniyom ang mga kamay, napansin niya na ang lalaki malapit sa ama ni Keirea napansin niyang may marka itong dragon sa kanyang kanang kamay at may kwentas ito na ang desinypng dragon, hindi nya makilala ang mga ito dahil balot na balot ang mga mukha ng mga ito. "Ha ha ha hindi nyo ako kayang taguan Keil and Sandrea, diba nahanap ko rin kayong dalawa at maniningil na ako sa lahat ng kasalanan nyo, tinangay nyo pa talaga ang isang bag na pera ng ating grupo" saad ng lalaking may kwentas. Napalakad nalang paatras si Keirea at hindi sinasadyang masagi niya ang flower vase ng kanyang kwarto, nataranta siya at dali daling pumunta sa sikretong bahagi ng kanyang kwarto na ipinagawa ng kanyang mga magulang in case of emergency, ang kwarto na iyo ay napapalibutan ng bubog na hindi makita ang nasa loob, ngunit ang tao na nasa loob kitang kita ang kaganapan sa labas. Ilang mga kalalakihan ang pumasok sa kanyang kwarto, doon nya nakita na lahat pala ng mga taong pumasok at pumatay sa pamilya nya ay may tattoo na dragon sa kanang kamay, ngunit ang isa ang naiiba iyong may kwentas ng dragon marahil ito ang kanilang pinuno. Matapos halungkatin ng mga ito ang kwarto ng dalaga at hindi nila ito natagpuan. "Boss hindi namin makita, marahil nakatakas na iyon" tugon ng isa sa kanila sa lalaking may kwentas ng dragon "Mga bobo bakit nyo hinayaang may makakita sa ginawa natin" sambit ng lalaking may kwentas "Patawad boss, wag kayo mag alala hahanapin namin kung sino man iyon" turan ng isa. Bago pa sila umalis may isang pusa ang nakita nila sa kwarto ni Keirea kaya napagkamalan nila na iyon ang nakalaglag ng flower vase. "Boss pusa lang pala" *Bangggggggggggg* isang putok muli ang nasaksihan ni Keirea ng paputukan ng baril ang pusa ng lalaking may dragon na kwentas. " Walang kwetang pusa kagaya kalang din ng walang kwentang Keil at Samdrea na iyon. Iligpit nyo na lahat iyan at wala kayong ititira ni kunting ibedensiya at babalik na tayo ng Pilipinas ngayon din, tapos na akong maningil sa kanila" lalaking may kwentas "Masusunod pinuno" tauhan Nagsimula ng magligpit ang mga ito samantalang si Keirea ay nasa loob parin ng pribadong bahagi ng kanyang kwarto. Nanginginig na ito sa galit ngunit wala siyang magawa dahil kapag lumabas siya wala siyang lakas upang kalabanin ang mga taong pumaslang sa kanyang ama at ina, ang tanging magagawa niya lamang sa ngayon ay iligtas ang kanyang sarili at paghandaan ang kanyang paghihiganti. Matapos ang mahabang oras sa huli ay umalis na rin ang mga lalaking iyon, sumakay ang mga ito sa sasakyang noon pa napapansin ni Keirea na nagmamasid sa kanilang bahay, lumabas na rin si Keirea sa pinagtataguan nito at muling tinungo kung saan nakita niyang nakahandusay ang kanyang ama at ina,ngunit pagkarating nya wala siyang nakitang bangkay at kahit kaunting bakas wala siyang nasilayan. Sinigurado ng mga iyon na malinis ang ginawa nilang krimen. Napaluhod na umiiyak si Keirea dahil hindi nya manlang nayakap ang mga ito sa huling sandali ng kanilang buhay. Hindi makapaniwala si Keirea na ang saya na kanyang naramdaman ay agad napilitan ng sakit at puot. "Mommy, daddy huhuuuuuuuu magbabayad sila, mooooommy daaaaddy, ako naman ang maniningil sa kanila, hinding hindi ako makakapayag na hindi ko mabigyang hustisya ang inyong pagkamatay. Hahanapin ko po kayo at ibabalik sa ating tahanan mommy, daddy. I'm so sooooory kung wala akong nagawa, pangakong pagbabayarin ko sila huhuuuuuuu" sa malakas na boses na turan ng dalaga halos nabalot ng tinig niya ang buong bahay kung kani- kanina lang ay nabalot ng tuwa ngayon naman ay hinagpis ng dalaga. Napahagulhol ang dalaga sobrang sakit ng nasaksihan niya, sa isang iglap lang nawala ang ama at ina ng wala siyang nagawa. "Mommy, Daddy iniwan ko agad huhu" turang ng dalaga habang umiiyak. Wala ng magawa si Keirea, alam niya na sa sarili niya na hindi na babalik ang mga magulang kahit anong pag iyak ang kaniyang gawin, nag-ayos nalang siya ng kanyang sarili at nagtungo sa kwarto ng mommy at daddy niya, niligpit niya ang kanilang bahay at naisipan na hindi na muna siya uuwi doon babalik nalang siya kapag dala na niya ang labi ng kaniyang magulang. Sumakay siya sa sasakyang regalo sa kanya ng kaniyang magulang at umalis siya ng hindi alam kung saan ito patungo. Matapos ang mahabang paglalakbay narating niya ang bahay ng kanyang Master Lucio. Habang papalapit siya sa pinto ng bahay ng master niya biglang nandilim ang paningin niya at nawalan siya ng malay. * Mommmmm mmmmmy Dadddddddd dddddddy hmnnnnnn huhuuuuuuu* * Mommmm mmmy Daddddddd ddddy huhuuuuuuuu "wala ka talagang kwentang anak" *Mommmm mmmy Daddddddd ddddy huhuuuuuuuu* *Ahhhhhhhhhhhhhh* malakas na sigaw ni Keirea "Keirea, keirea gising" saad ni Master Lucio habang bahagyang niyuyog yog ang dalaga at nagising naman si agad Keirea habang hinihingal pa ito "Ma ma Master Lucio" Keirea "Anong nangyari sa iyo Keirea, ayos ka lang ba, nakita kita na walang malay sa labas kaya inakayakay kita papasok dito sa loob" Master Lucio "Ma ma Master huhu" ani Keirea habang nangingig ang tinig at umiiyak "Ano bang nangyari(napahagulhol nalang si Keirea habang kinukuyom ang kanyang kamay)"Kung ayaw mong pag-usapan muna okay lang basta magpakatatag ka, alam kung malalampasan mo lahat ng hamon, magtiwala ka lang sa itaas " Master Lucio. Muling napaiyak si Keirea sa tanong ni Master Lucio at walang salita na lumalabas sa bibig nito at pinipilit nitong tumayo ngunit hindi pa kaya ng katawan nya bumabalik parin ito sa pagkakahiga " Wag mo na muna pilitin tumayo, magpahinga ka muna igagawa kita ng tsaa para mainitan ang tiyan mo" Master Lucio "Salamat Po " Keirea
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD