The Bodyguard
THE BODYGUARD (CHAPTER 1)
PROLOGUE:
My name is Jake Edward Jones and
i'm thirty-five years old at nag iisang anak at taga pag mana ng Jones Corporation's. Bukod sa mga negosyong pinapahawak sakin ng aking mga magulang ay meron rin akong sariling negosyo at hindi lang dito sa bansa kundi maging sa ibang bansa. Kaso kung gaano ako kaseryoso sa mga negosyo ko ay yun naman ang kabaliktaran ko pag dating sa Lovelife. Hindi ako nag tatagal sa isang relasyon, pinaka matagal na siguro ay isang buwan after non iba na naman. Ayaw ko kase na kumakapit sakin ang babae, pansin kong ganon na nga ang nangyayare ay hinihiwalayan ko na agad. In short, ayaw ko ng "Commitment" puro mayayaman rin ang mga babaeng nakakarelasyon ko at yung iba ay pumapayag na lang sa "one night stand" at dahil don ay lagi na lang ako'ng kinakantyawan ng aking mga kaibigan at madalas nilang sabihin sakin na baka karmahin ako pero tinatawanan ko lang sila dahil hindi naman ako naniniwala sa karma.
Masisisi ko ba ang sarili ko kung ang mga babae ang kusang lumalapit sakin.
Pero nag bago ang lahat simula ng makilala ko ang Bodyguard ko na si Sandro.
Hindi ko alam kung ito na ba yung sinasabi ng mga kaibigan kong karma sakin pero bakit sa isang lalake pa? oh! baka naman nababaliw at nasisiraan na ako ng ulo! dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako bakla at lalakeng-lalake ako.
Natatawa pa sakin ang mga kaibigan ko kung bakit kumuha ako ng bodyguard.
Sa height kong 6'5ft at katawan kong alaga sa gym ay wala na daw mag tatangkang kalabanin ako dahil matatakot na daw sakin. Kaso si Dad ang may gusto nito, pumayag na ako'ng may isang bodyguard kesa si dad pa ang mag bigay sakin ng bodyguard at alam kong 5 to 10 ang ibibigay nya at ayaw ko na may bumubuntot sakin, one is enough.
Isang umaga pag gising ko ay agad ako'ng bumaba at nag tungo sa kusina at nadatnan ko si Sandro na nag kakape. Napalingon sya sakin at inalok pa ako ng kape sabay tumayo at ipag titimpla nya daw ako pero hindi ako sumagot at tinitigan ko lang sya mula ulo hanggang paa. Napatingin sya sakin na may pag tataka sa mukha, ilang sandali pa ay lumapit ako sa kanya kaya kitang kita ko na kinakabahan sya base na rin sa sunod- sunod na pag lunok nito.
Pero mas lalo sya nabigla at hindi nya napag handahan ang sumunod na ginawa ko. Hinapit ko ang baywang nya palapit sakin kaya ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay nya kaya napahawak sya sa kamay ko habang naka titig sakin. nakaawang na ang bibig nya at mag sasalita na sana pero mabilis ko syang hinalikan ng mariin, pumipiglas pa sya nung una pero maya-maya pa ay nakikita kong napapapikit na sya at unti-unti na nyang pinulupot ang kanyang kamay sa batok ko at nararamdaman kong tumutugon na rin sya sa bawat halik na ginagawa ko. Bahagya ko pang ipinasok ang dila ko sa bibig nya dahilan kaya napapaungol na sya ng mahina.
Umabot siguro sa isang minuto na ganon lang ang eksena namin ng bigla ko sya'ng itinulak at para sya'ng nahimas masan ng makita ako. Agad naman akong nag lakad paakyat sa kwarto ko at malakas na isinara ang pinto.
" Fvck! ano na nangyayare sayo jake! bakla ka ba?" bulalas ko sa sarili.
Hindi ko alam pero sa t'uwing nakikita ko si Sandro ay may kung anong init ako'ng nararamdaman sa kalamnan ko oh! baka talagang nababaliw na ako. Dali- dali akong nag tungo sa banyo at nag babad sa ilalim ng shower baka sakaling maibsan ang init na nararamdaman ko kay Sandro.
🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸
(C H A P T E R 1)
SANDRA POV:
"Hoy, bumalik ka dito! akala mo uurungan kita" sigaw ko sa lalakeng tumatakbo. "Hindi pa tayo tapos! babalikan kita" bulalas nung lalakeng tumatakbo na bahagya pang hinihimas ang panga na natamaan ng suntok ko.
"Excuse me, miss?" bahagya pa akong nagulat sa lalake na nag salita sa may likuran ko kaya humarap ako sa lalake na nag salita at pag harap ko ay para akong naistatwa sa kinatatayuhan ko. Bahagya pang naka awang ang bibig ko sa lalakeng nasa harapan ko at nag salita pa ulit ang lalake kaya don na ako nahimas masan.
" A-ay, sorry sir! eto nga ho! pala yung wallet nyo" anas ko sabay abot ng wallet sa lalake.
"Salamat miss! pero sana hindi mo na lang hinabol, pano kung may dalang patalim yun at nasaksak kapa" aniya ng lalake sakin sabay abot nito ng dalawang libong piso.
"Nako, sir! wag na po, hindi po ako humihinge ng kapalit sa ginawa ko" tanggi ko sa lalakeng kaharap ko pero kumuha ulit ng tatlong libo at iniabot sakin.
" Oh, heto! dinagdagan ko na at tanggapin mo ayaw kong nag kakaroon ako ng utang na loob sa ibang tao" aniya ng lalake sakin at kinuha ang kamay ko at sapilitan nyang pinahawak sakin ang limang libong piso. Mag sasalita pa sana ako ng bigla na lang umalis ang lalake.
" Sandra, sino yung kausap mo?" tanong ng bestfriend ko na lumapit sakin.
"Yun ba? hindi ko kilala eh! tinulungan ko lang kanina kase nakita kong hinablot yung wallet nya kaya hinabol ko."
"Nako, naman sandra! pano kung napahamak ka? wag mong sabihin sakin na magaling ka sa Taekwondo ay hindi kana mapapahamak, isipin mo babae ka pa rin Sandra" sermon sakin ng kababata kong si Linda.
" Oo na po, Inay!" tugon ko sa kanya kaya natatawa na lang syang inakbayan ako.
Napatingin ako sa limang libong piso na hawak ko. Sa totoo lang gusto ko naman talagang tanggapin ang pera dahil kailangan rin namin kaso nahihiya lang talaga ako sa lalakeng kaharap ko kanina,
sobrang gwapo nya at napaka tangkad pa.
" Sandra, ano yang hawak mo? pera ba yan ah?" nag tatakang tanong ng kaibigan ko sa'kin kaya napatingen ako sa kanya.
"Oo, tara! Lin, samahan mo ako bumili tayo ng bigas at ulam" Aya ko sa kaibigan ko na si Linda at naka ngiting tumango ito sakin sabay nag lakad na kami palayo.
Bumili kami ng bigas at bumalik kami sa karinderya ni aling Magda para bumili ng lutong ulam at kanin. Gabi na rin kase at para hindi na kami maka pag saing sa bahay.
Pag dating namin sa bahay ay nadatnan namin si lola na nasa sala.
"Oh! apo, saan ba kayo galing at ginabi na kayo?" tanong ni lola samin.
"Lola, pasensya na po kung natagalan kami, marami rin kaseng tao kanina sa karinderya ni aling Magda" anas ko sa lola ko sabay kuha ng kamay nya at nag mano ako at ganon rin ang ginawa ng kaibigan kong si Linda.
"Nako, lola! kanina, may hinabol yang si Sandra, mandurukot, sinabihan ko nang wag nya ng uulitin yun at baka ikapahamak pa nya, paano kung may kasama yun tapos balikan pa sya" sumbong ng magaling kong kaibigan sa lola ko kaya agad ko syang pinandilatan ng mata.
"Apo naman, alam mong ikaw na lang ang meron ako tapos hindi mo pa iniingatan ang sarili mo, tama ang sinabi ng kaibigan mo paano kung napahamak ka apo"
wika sakin ni lola na halatang nag aalala sakin kaya nilapitan ko sya at niyakap.
" Lola, wag na po kayo mag alala okay lang po ako at baka nakakalimutan nyo po, na si Sandra to! ang apo nyong magaling makipag laban" pag mamayabang kong tugon sa lola ko.
"Miski na apo, babae ka pa rin at ayaw kong may masamang mangyare sayo, kaya wag mo na uulitin maliwanag ba apo."
" Opo lola."
"Halina po kayo ng makakain na po tayo, lutong ulam at kanin na po ang binili namin ni Sandra" tawag samin ni Linda.
Naiintindihan ko naman ang lola ko dahil kami na lang dalawa ang mag kasama sa buhay. Bata pa lang kase ako noon nung umalis si tatay at hanggang ngayon na Bentesingko na ako ay hindi pa rin sya nag papakita samin. Si nanay naman ang sabi ni lola sakin ay namatay nung araw na ipinanganak nya ako kaya simula ng magka isip ako ay tanging si lola na lang talaga ang napamulatan ko. Kahit gaano pa kahirap ang buhay namin noon ni Lola ay sinikap pa rin nya na maka pag aral ako kaso sa hindi hinahasahang pangyayare ay nag kasakit si lola. Hanggang sa nahinto ako sa pag aaral at para matulungan ko sya ay pumasok ako sa karinderya ni aling magda.
Bukod nga pala sa lola ko ay may isang tao rin na hindi ako iniiwan, ang kababata ko at bestfriend kong si Linda. Mabait si linda at gaya ko ay isa na rin syang ulila sa mga magulang nya. Lola na rin ang tawag nya kay lola at dito na rin sya nakatira sa bahay kasama namin ni lola. Halos pareho kami ng hilig at gusto kaya lagi kami nag kakasundo, may mga nang-aasar pa nga samin na baka daw mag jowa kami pero natatawa na lang kami kapag naririnig namin yun. Siguro kaya nila nasasabi yun ay dahil sobrang sweet namin sa isat'isa ng bestfriend ko at kung gaano ka kikay ang bestfriend ko ay yun naman ang kabaliktaran ko. Hindi kase ako mahilig mag lagay ng kolorete sa mukha, makaligo at maka pag suklay lang ako ay ayos na sakin yun. Minsan nilalagyan ako ng bestfriend ko ng pulbo at liptint kaso binubura ko 'ewan!' hindi ako komportable at hindi rin ako mahilig mag suot ng mga dress or mga sexy na damit kaya akala nila ay Tomboy ako pero alam ko sa sarili ko na babae ako dahil nag kakagusto ako sa lalake at hindi sa babae. Isa na yung lalakeng tinulungan ko kanina at hindi mawala sa isip ko ang Gwapo nya'ng mukha. Sobrang gwapo nya, akala mo isang Modelo na naligaw sa bayan namin
at sobrang tangkad rin nito sa height kong 5'6 ay sobra pa ako napatingala sa lalakeng kaharap ko kanina. Sayang nga lang dahil mukha itong suplado at hindi ko man lang nalaman kung ano ang pangalan nya.
Alasdos ng madaling araw ay napabaligwas ako sa kinahihigahan ko ng marinig ko si lola na para bang hirap huminga. Kaya nagmadali akong nagtungo sa kwarto nya at nagising na rin ang bestfriend ko na si Linda. Agad naman syang pumunta sa may kusina at kumuha ng tubig para kay lola. Sobrang takot na kami ng kaibigan ko dahil nakikita namin na talagang na hihirapan na huminga si lola kaya sinabi ko sa kaibigan ko na tumawag sya ng tricycle para madala si lola sa Hospital. Naiiyak na ako at ganon na rin ang kaibigan ko, sinabi nya pa sakin na ano ang gagawin namin dahil wala kaming pera pero sabi ko bahala na, ang mahalaga madala si lola sa hospital at saka ko na iisipin ang gastusin at bayarin ang mahalaga lang sakin ngayon ay madala si lola sa hospital at mailigtas.
Nakarating na kami sa hospital at mabilis na dinala si lola sa Emergency room pero hindi kami pinapasok ng doctor at nasa labas lang kami ng E.R at nag hihintay kung ano na nangyayare sa loob. Nanginginig na ako at umiiyak sa sobrang pag aalala kay lola. Iniisip ko pa lang na may masamang mangyayare kay lola ay parang hindi ko na kakayanin.
Ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor.
" Kayo ba ang kasama ng pasyente?" tanong ng lalakeng doctor saamin.
"Oho, doc! kamusta po lagay ni lola?" anas ko sa doctor na kaharap ko habang tuloy-tuloy ang mga luha ko na humahagos sa pisngi ko.
" As soon as possible! ay kailangan namin maoperahan ang lola nyo, may nakita kaming bukol sa may puso ng pasyente at pag hindi sya agad maoperahan ay baka ikamatay ng pasyente" saad ng doctor na kausap namin.
"Doc, nasa mag kanong halaga po kaya ang kailangan namin para maoperahan ang lola namin?" tanong ni Linda sa doctor.
"Kalahating milliong piso" tugon ng doctor kay linda saka nag paalam na rin ang doctor samin.
Para naman nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at napasalampak na lang ako sa may upuan.
" Saan tayo kukuha ng ganong kalaking pera bess?" tanong sakin ni Linda at tanging iling lang ang naisagot ko habang umiiyak dahil miski ako ay hindi ko alam kung saan ako makakakuha ng ganong kalaking pera.
Dalawang oras pa ang lumipas at inilipat na si lola sa isang kwarto, nanghihina akong nakatitig at umiiyak habang nakatingin sa walang malay kong lola na naka higa sa may kama.
"Lin, ikaw na muna bahala kay lola at aalis muna ako" paalam ko sa kaibigan ko.
" Sandra, saan ka pupunta?"
"Mag hahanap ako ng paraan para maoperahan si lola" anas ko.
"Saan ka mag hahanap? malaking pera yun Sandra."
"Bahala na!" sabay lumabas na ako.
Uuwi muna ako samin para balikan yung natirang pera na binigay sakin nung lalakeng natulungan ko, sa pag mamadali namin kanina ay naiwan ko ang wallet ko buti na lang at kakilala namin yung tricycle driver kaya napakiusapan kong iaabot ko na lang mamaya yung bayad pero dahil kilala nya si lola ay sinabi nyang tulong na lang daw nya yun samin at wag ko na daw sya bayaran kaya nag pasalamat na lang ako sa tricycle driver.
Habang nag lalakad ako pauwi samin ay nakasalubong ko si Mang Lito at tinanong pa nya ako kung bakit namumugto ang mata ko at muka pa daw akong walang tulog kaya sinabi ko sa kanya na nasa hospital si lola at kailangan maoperahan sa lalong madaling panahon.
Kita ko naman ang pag aalala sa mukha ng matandang lalakeng kaharap ko kaya tinanong ko rin sya kung bakit sya nandito.
"Kayo po Mang Lito, ano po ginagawa nyo po dito? diba po nasa maynila kayo."
"Pinuntahan ko si Troy sa kanila, akala ko kase andon pa sya sa bahay nila, gusto ko sana sya ipasok sa trabaho dahil nag hahanap ang boss ko" tugon ni Mang Lito sakin.
"Trabaho po? anong klaseng trabaho Mang Lito."
"Bodyguard iha. sayang kase malaki pa naman mag pasahod ang amo ko."
" Malaki po mag pasahod?" tanong ko kay Mang Lito.
" Oo, iha! at minsan ay pumapayag pa mag advance sa kanya lalo na pag emergency" tugon Mang Lito sakin.
Bigla akong nabuhayan ng loob ng sabihin sakin ni Mang Lito na nag hahanap ang boss nya ng Bodyguard at bukod sa malaki mag pasahod ay pwede pa daw mag advance ng pera sa boss nya kaya may biglang pumasok na Idea sa utak ko.
"Mang Lito, pwede po bang ako na lang isama nyo? wag po kayong mag alala alam ko po ang trabahong papasukin ko" wika ko sa kaharap ko.
"Pero Sandra! babae ka, baka di ka tanggapin ng boss ko."
"Hindi po problema yun Mang Lito ako po ang bahala mag papanggap po akong isang lalake."
"Sigurado kana ba sa naiisip mo Sandra?" tanong ni Mang Lito na nag aalala ang mukha sakin.
"Oho, mang Lito" tugon ko.
"So! sya sige Sandra, bukas sa gantong oras ay mag kita tayo ulit dito at para maisama na kita sa maynila" anas ni Mang Lito sakin at nag paalam na rin sya dahil may dadaanan pa daw ito sa kabilang bayan, tumango naman ako at nag patuloy sa pag lalakad pauwi sa bahay.
Pag dating ko sa bahay ay nag luto at naligo na ako bago bumalik sa hospital.
Tapos na ako maligo at naihanda ko na rin ang dadalhin ko, pabalik na ako sa hospital ng may madaanan akong Barbershop kaya pumasok ako don at mag papagupit.
Nagulat pa ang lalakeng may hawak ng gunting ng sabihin kong Military Hair Cut ang gupit na gusto ko, may gusto atang sabihin ang lalake sakin pero tinitigan ko lang ito ng masama kaya di na sya nag salita at sinimulan na nya ang pag-gugupit sakin.
Pag dating ko sa hospital ay napataas pa ang kilay ko sa bestfriend ko dahil halos malaglag na ang panga nya na naka titig sakin, lumapit sya sa harap ko at bahagya nya pang hinawi ang buhok ko sabay titig sa mga mata ko at hindi ko napag handahan ang sumunod na ginawa nya kaya talagang nagulat ako ng bigla nya ako niyakap kaya sa gulat ko ay agad ako'ng napahiyaw.
"Sandra, ikaw ba yan? ang gandang lalake mo!" wika sakin ni Linda kaya di ko na napigilan na hindi mapangiti, dahil ang ibig sabihin, hindi ako mahahalata ng magiging boss ko na babae ako.
" Sira, kailangan ko mag mukhang lalake para sa trabahong papasukin ko kaya nag pagupit ako" tugon ko sa kanya.
" Trabaho! anong trabaho naman yun?" tanong ni linda sakin.
"Kaninang umaga kase nakasalubong ko si Mang Lito, hinahanap si Troy at ipapasok nya daw sa trabaho kaso hindi nakita ni Mang Lito si Troy eh! kailangan na ng boss nya kaya sinabi kong ako na lang kunin nya, nung una nag aalangan pa sya kaso sa huli napapayag ko rin" tugon ko sa kaibigan ko.
" Anong klaseng trabaho ba yun Sandra?"
"Bodyguard, Lin."
"Sandra! diba delikado ang trabahong papasukin mo?" wika ng kaibigan kong may pag aalala ang boses.
"Hindi ko na iniisip kung anong klaseng trabaho ang pinapasok ko, ang mahalaga ay makakuha ako ng pera na pang paopera kay lola" tugon ko sa kaibigan ko at niyaya ko na sya kumain.
Pagkatapos namin kumahin ni Linda ay pinauwi ko na muna sya para maka pag pahinga at ako na muna ang mag babantay kay lola, sinabi ko na rin sa kanya na maaga sya bumalik bukas dahil maaga kami mag kikita ni Mang Lito para pumunta sa maynila.
Nagising akong may kamay na humahaplos sa buhok ko at pag dilat ko ay nakita ko si lola.
"Lola, buti naman po at gising na kayo!" anas ko kay lola habang naiiyak ako.
"A-apo, nasaan tayo?" tanong ni lola sakin at balak pa nya bumangon pero mabilis ko syang pinigilan.
" Lola, wag po muna kayo bumangon, nasa hospital po tayo."
"A-anong ginagawa ko dito A-apo?" tanong ulit ni lola sakin at panay tingen nya sa paligid hanggang sa makita nya ang Dextrose na nakakabit sa kamay nya.
" Lola, wag nyo po'ng tatanggalin yan! makakatulong po sa inyo yan para mabilis manumbalik ang lakas nyo po."
"Oo A-apo, pasensya kana sakin apo ah! kung masyado akong nagiging pabigat sayo" wika ni lola sakin sabay tulo ng luha nya kaya naiyak na rin ako.
" W- wag nyo po sabihin sakin yan L-lola! dahil kahit kaylan ay hindi po kayo naging pabigat sakin! mahal na mahal ko po kayo at lahat gagawin ko gumaling lang po kayo lola!" tugon ko kay lola sabay yakap ko sa kanya habang umiiyak ako.
" T-tahan na A-apo, wag kana umiyak! mahal na mahal rin kita Sandra apo."
Pag katapos namin mag usap ni lola ay nag pahinga na ulit sya.
Habang naka upo ako sa gilid ng kama at hawak hawak ang kamay ni lola ay taintim akong nag darasal na sana gumaling si lola at makasama ko pa sya ng mas matagal.
Hindi ko namalayan ang oras at nakatulog na ako at pag gising ko ay nasa tabi ko na ang bestfriend ko na si Linda.
Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa may pader, pasado alasingko pa lang ng umaga at talagang inagahan ng kaibigan ko na maka balik sa hospital, nag dala na rin sya ng kape at pandesal.
Kaya sobrang mahal ko itong kaibigan ko na to dahil sobrang maaasahan lalo na sa gantong sitwasyon.
" Bess, mag almusal kana muna at mamaya umuwi ka para makaligo, naihanda ko na ang mga damit mo at nilagay ko na rin sa bag alam kong madami kang kakailanganin don dahil maynila yun at alam kong matatagalan ka!" anas sakin ni Linda habang umiiyak kaya bigla ako napatayo at nilapitan sya saka mahigpit na niyakap.
"Bess, sobrang thank you ah! kung wala ka hindi ko na alam kung kaya ko pa ba to!" tugon ko sa bestfriend ko at umiiyak na rin ako habang naka yakap sa kanya.
"Basta mag iingat ka don ah, Sandra!" wika nya at tumango na lang ako sa kanya habang nag iiyakan kaming dalawa.
Tapos na ako mag almusal sa dala ni Linda sakin, napatingin naman ako kay lola na tulog na tulog pa rin kaya lumapit ako kay lola at bahagya ko pang hinimas ang buhok nya saka hinalikan sa noo at tumingin kay Linda.
" Bess Lin, ikaw na bahala dito ah! ikaw na rin bahala mag sabi kay lola! hindi ko na sya gigisingin baka di ako matuloy sa pupuntahan ko!" wika ko sa kaibigan ko na tanging tango lang ang sinagot sakin habang umiiyak ito.
" Pag dating ko sa maynila kakausapin ko agad ang magiging boss ko para maka advance ako sa kanya at maipadala sa inyo ng sa ganon maoperahan na si lola" dugtong ko pa sa kaibigan ko at nag paalam na ako.
Bubuksan ko pa lang ang pinto ay tinawag ako ni Linda at pag harap ko ay lumapit ito sakin sabay niyakap ako at umiiyak.
" Sandra, mamimiss kita!" anas sakin ng kaibigan ko at hinaplos ko na lang ang likod nya tsaka tumango ako! hindi na ako nag salita at lumabas na ako sa kwarto.
Pag dating ko sa bahay ay tama nga ang sinabi sakin ng kaibigan ko, naihanda na nya ang mga dadalhin ko kaya nag tungo na ako agad sa may banyo at mabilis na naligo. Ilang sandali pa ay tapos na ako maligo at naka pag bihis na rin, tanging Sapatos, Pantalon at itim na T-shirt ang suot ko at meron rin akong suot na itim na Sombrero.
Bitbit ko na ang bag at nag lalakad na ako patungo sa lugar kung saan kami mag kikita ni mang Lito, napapangisi pa ako sa mga babaeng naka tingin sakin.
"Siguro talagang mukha akong lalake sa ayos ko ngayon" anas ko sa sarili at dahil na rin siguro sa itsura ko. 5'6 Ang height ko, morena, matangos ang ilong at makapal at mahaba ang pilik mata ko, hugis puso naman ang labi ko at pag ngumingiti ako ay lumalabas ang dimple ko na nasa kaliwang bahagi ng pisngi ko kaya hindi nakaka pag taka kung mukha akong lalake.
Sa hindi kalayuan ay natatanaw ko na si Mang Lito, panay tingin pa nito sa mga dumaraan kaya lumapit na ako sa kanya at bahagya pa sya nagulat sakin at kung hindi ako nag salita ay hindi nya ako kikibuhin.
"Mang Lito, aalis na po ba tayo?" tanong ko sa matandang lalake na kaharap ko.
"Aba! sandra, ikaw ba yan? hindi kita nakilala! ang gandang lalake mo"
wika ni Mang Lito sakin kaya napangiti ako sabay himas sa batok.
"Tingin nyo po Mang Lito? hindi ako mahahalata ng boss natin!" tanong ko kay Mang Lito at sinabi naman nya sakin na sa itsura ko ngayon ay tiyak na hindi ako mahahalatang babae ng boss namin.
Tinanong pa ako ni Mang Lito kung nag almusal na ba ako, sinabi ko naman na tapos na kaya nag lakad na kami papunta kung saan nya pinarada ang kotse na minamaneho nya.
Habang nag mamaneho si Mang Lito ay panay kwento ito sakin, sinasabi nya kung ano ang ayaw at pinag babawal ng boss namin at sinabi nya rin na sampong taon ang agwat ng edad ko sa boss namin may pag ka masungit at suplado daw pero mabait naman daw sabi ni Mang Lito panay tango naman ako kay Mang Lito habang naka tingin ako sa labas ng bintana ng kotse.
" Wow! Mang Lito, ganto pala ang maynila? ang daming sasakyan at mga tao tapos ang tataas ng mga gusali" wika ko habang manghang mangha sa mga nadadaanan namin ni Mang Lito.
Ilang oras pa ang lumipas ay sinabi na sakin ni mang lito na dumating na kami, napatingin ako sa mataas na gate at masasabi kong gate pa lang ay halata mo ng may sinasabi ang may ari.
Pag kapasok namin ay halos lumuwa ang mata ko sa mga nakikita ko sa harapan ko at mas lalo ako namangha ng pumasok kami sa loob ng Mansion para akong batang panay tingin sa paligid at bahagya pang nakaawang pa ang bibig ko sa pagka mangha. Halos lahat ng nakikita ko ay masasabi kong napaka elegante.
Ilang lakad pa ang ginawa namin ni Mang Lito ay narating rin namin ang kusina at may tatlong babae ang nandon, yung isa ay may katandaan na at yung dalawa ay parang kasing edad ko lang.
"Hindi mo man lang sinabi na may isasama ka palang pogi Mang Lito edi sana naka pag paganda man lang ako ngayon" wika ng babaeng kaharap namin ni Mang Lito.
"Nako, Ashley! tigil-tigilan mo yang kaharutan mo at kakarating lang ni....
Hindi naituloy ni Mang Lito ang sinasabi at napatingin sya sa gawi ko.
" Sandro, Sandro Lopez ang pangalan ko" pakilala ko kaya humarap ulit si Mang Lito sa babaeng tinawag nyang Ashley.
"So, Sandro pala pangalan mo? ako nga pala si Ashley pero pwede mo akong tawaging baby kung gusto mo" aniya ng babaeng kaharap ko at bahagya pang natatawa ito.
Napahiyaw naman ang babaeng si Ashley ng kurutin sya ng matandang babae na kasama nya.
"Nako, pag pasensyahan mo na si ashley ganto talaga to kaya masanay kana" wika ng babaeng may edad.
"Sya nga pala ako si Rosa pero tawagin mo na lang akong Nanay Rosa at eto naman si Sarah pamangkin ko" pakilala sakin ng matandang babae at sinabi ko ulit ang pangalan ko sabay kinamayan si nanay rosa.
"Hindi pa ba dumarating si sir? ipapakilala ko sana si Sandro sa kanya" biglang tanong ni mang lito sa kaharap na si nanay rosa.
"Wala pa lito, baka mamaya pa yun" tugon ni nanay rosa kay mang lito.
"Halika na muna" tawag ni Mang Lito sakin kaya tumango naman ako at nag paalam na sa tatlong babae sabay sumunod kay Mang Lito.
Dinala ako ni Mang Lito sa may likod ng mansion may kusina don at eto ata ang tinatawag ng mga mayayaman na dirty kitchen.
"Kumain kana muna dito Sandra" wika ni Mang Lito sakin.
"Shhhhh! Mang Lito, baka may makarinig po sainyo!" sita ko kay Mang Lito.
"Nako, naman talaga! kailangan ko talagang sanayin ang sarili kong tawagin kang Sandro baka may makaalam pa na nag papanggap ka lang" tugon naman ni Mang Lito sakin tsaka napapailing pa.
"Sige na, kumain kana muna dyan at aayusin ko lang pag kakaparking ng kotse"
paalam ni Mang Lito at lumabas na ng kusina.
Naiwan naman ako'ng mag isa sa loob ng kusina kaya tiningnan ko yung dalawang kaldero at tamang-tama dahil may lamang kanin at adobong manok, nag sandok na ako at umupo sa may lamesa at nag umpisang kumain.
Sobrang sarap ng pag kakaluto ng adobo kaya sunod-sunod ang subo na ginawa ko.
"Sino ka? at anong ginagawa mo dito!"
wika ng maawtoridad na boses ang nag salita sa may likuran ko kaya mabilis akong napatayo sa gulat at humarap sa taong nag salita sa likuran ko, nanglaki ang mata ko ng mamukahan ko ang lalakeng kaharap ko.
"Sya nga, sya nga yung lalakeng minsan ko ng natulungan na mabawi ang wallet nya sa isang mandurukot" anas ko sa sarili.
" Tinatanong kita! sino ka? at ano ang ginagawa mo dito?"
Tanong ulit ng lalakeng nasa harap ko pero hindi ako makasagot kase puno ng kanin ang bibig ko kaya itinuro ko na lang ang bibig ko para makita nya kung bat di ako maka sagot.
Buti na lang at pumasok si Mang Lito sa loob.
"Sir Jake, andyan na po pala kayo! sya nga pala si Sandro Lopez ang magiging Bodyguard nyo po" wika ni Mang Lito sa tinawag nyang Sir Jake.
"So, ang ibig sabihin sya rin ang boss ko!" kaya napatingin ako sa lalakeng kaharap ko at pinipilit lunukin ang laman ng bibig ko.
Tumingin naman sakin si Sir Jake at tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa na para bang binabasa nya pagkatao ko.
"Mapag kakatiwalan at maaasahan ba sya Mang Lito?" tanong ni sir Jake kay Mang Lito.
"Oo naman sir, kilala ko ang batang yan at alam kong maaasahan sya" tugon ni Mang Lito sa kay Sir Jake.
"Kung ganon! ikaw na ang bahala sa kanya Mang Lito, ituro mo kung saan sya matutulog at sabihin mo na rin sa kanya ang mga ayaw ko lalo na yung oras ng gising nya" wika ni Sir Jake kay Mang Lito.
"Nasabi ko na Sir kanina habang nasa byahe kami" tugon ni Mang Lito sa amo namin.
"Mabuti kung ganon"
tugon ni Sir Jake kay Mang Lito at tumingen ulit sakin saka nag lakad na palayo.
" Hindi ko akalain na magiging boss ko yung unang lalakeng naka kuha ng atensyon ko!" anas ko sa mahinang boses at naka ngiti ako'ng pinag patuloy ang kinakain.
Author: thanks sa pag babasa.🌸