“Ate Bel,” mahinang tawag ni Berry ng makita ang nakatatandang kapatid na papalapit sa kanilang bahay. Ngumiti si Bel ng makita na ang mga kapatid na malamang na hinihintay ang kanyang pagdating. “Hawak ko na,” sabay taas ni Bel ng kanang kamay kung saan hawak ang brown envelope kung saan naroon ang tunay na titulo ng lupa na patunay na nakalagay sa kanyang pangalan at muling naibalik na sa kanilang pamilya. Wala namang naging kibo sina Berry at Bet na may lungkot sa mga mata sa halip na maging masaya na sa wakas ay hindi na sila kailangan pang umalis sa kanilang bahay at sa lupain na nasasakupan. “Ate Bel, bakit mo naman ginawa ang ganung klase ng pagpapakababa?” untag ni Betty na bagamat may halong inis ang pagtatanong ay awang-awa sa kanyang nakatatandang kapatid. “Dahil mahal ko k

