Ayaw man iwan ng kanyang mga kapatid si Bel ay pinagtatabuyan niya talaga ang mga ito. Hindi papayag si Bel na hanggang sa pagpapakababa niya ay makita ng kanyang mga nakababatang kapatid. Lumuluha na lamang si Bel habang tinatanaw ang pagtakbo ng mga kabayo na lulan ang kanyang mga kapatid palayo ng lumang sementeryo. “Wala na ang mga kapatid mo kaya malaya ka ng magagawa ang gusto mo,” ani ni Jude na isa-isa ng nilubog ang mga papel na hawak sa putik sa harap ng puntod. Nanood lamang si Bel habang inululubog ng asawa ang mga papel na magpapatunay na inililipat sa pangalan niya ang kalahating lupain ng kanilang hacienda. “Bakit kasi pinayagan mong umalis ang mga kapatid niya, Kuya? Mas magandang panoorin sana kung habang isa-isang kinukuha ng babaeng yan ang mga papel ay nanonood ang

