“Ang ganda talaga ng kuwintas na ito,” sambit ni Bel habang hawak pa rin ang kwintas na bigay sa kanya ni Lola Barbara. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na binigyan siya ng isang mamahalin at mahalagang bagay na mahalaga sa Lola ni Jude. Buong akala kasi ni Bel ay baka hindi siya magustuhan ng mga biyenan gaya ng kung paanong hindi siya gusto ng kanyang asawa. Ngunit nagpapasalamat si Bel dahil naging mabuti naman sa kanya ang mga biyenan lalo na si Lola Barbara na niregaluhan pa nga siya. “Pero magkaanak nga ba kami ni Jude ng babae?” tanong ni Bel sa sarili dahil ang bilin pa ni Lola Barbara ay ibigay ni Bel ang kwintas pagsapit ng ikalabing walong taon ng anak na babae nila ni Jude sa hinaharap. “Anak na babae,” ani ni Bel habang mas pinagmamasdan pa ang kuwintas n

