Chapter 5
"I didn't know you're possessive" umiwas ako ng tingin sa kanya.
Our face were inches apart now. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya. Kaunting lapit na lang magtatama na ang aming mga labi.
"I really am. I told you" he said huskily.
Tuluyan ko ng inilayo ang mukha ko sa kanya. Nabibingi ako sa t***k ng puso ko kanina pa.
"Ayaw ko sa lalaki na ganyan Raf. Ipapasyal lang namin si Zaze" kumunot na naman ang noo niya sa sinabi ko.
He's smart and I know by now that he have an idea who's Zaze.
He's the son of his asshole bestfriend, Haze who ran away from my bestfriend after Zoila got pregnant.
"Is it Haze son?" he asked.
"Yeah, nakalimutan kong ngayon nga pala namin siya ipapasyal, you know Zoila is very busy on her studies because your best buddy left her" sarkastikong sabi ko.
Sumeryoso naman ang mukha niya dahil sa sinabi ko. I know I sounded so bitter when I am saying it. I really felt bad for Zoila.
"I am not like him, I don't know his reasons for leaving but I know she loves your besfriend very much" seryosong sabi ni Raf.
Wala kang makikitang bakas na nagbibiro lang siya at hindi nagsasabi ng toto. He really mean it.
I hope so Haze, that you have reasons.
"Masyado ng seryoso ang topic natin. Ligpitin na natin 'to. Gusto ko ng ipasyal ang cute kong inaanak" nangingiting sabi ko habang isa-isang tinatakpan ang tupper wear .
Hindi man lang tumutulong sa'kin ang lalaking 'to. Nakaupo pa rin siya sa dala niyang I don't know but it looks like comforter.
Ang kanina pa naming inuupan ay comforter. Pinapanood niya lang akong magligpit.
"Uso tumulong" parinig ko sa kanya.
Parang wala namang epekto dahil nakatitig lang siya sa'kin. Ni hindi nga siya kumukurap. Medyo naiilang na ako sa paraan ng pagtingin niya. Parang binabasa niya ang buong pagkatao ko.
"Pwedeng sumama?" tanong niya na nagpataas ng kilay ko.
"Puwede naman but I thought you're busy?"
Sumimangot naman siya dahil sa sinabi ko. Siguradong gagabihin na kami ng uwi at baka may kailangan pang gawin si Raf. I know it's his last year on college.
"Yeah, I have to review a lot of stuffs" mahinang sabi niya.
Ngumiti naman ako ng tipid sa kanya.
"See? You should prioritize your studies than me. I understand naman" I said.
"But that you will have a date on that Lean" he said.
Kumunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi. Bingi ba ang lalaking 'to o hindi pumapasok sa utak niya ang sinasabi ko?
"Raf, I thought you're smart but didn't you heard what I've just said? I said I want to see my cute inaanak. Hindi naman date 'yon" I said and rolled my eyes.
Malalim naman siyang bumuntong hininga at isa-isa ng kinuha ang mga tupper ware at dinala na sa kotse niya. Mukhang wala na siyang balak makipagtalo.
Nang mailigpit na namin lahat ng dala namin. He open the front seat without even glancing at me.
I really don't know what's on his mind right now. Ang hirap niyang basahin. Mas gusto ko pa 'yong nagsasalita siya at nalalaman ang mga iniisip niya kaysa sa ganito.
"Raf" pagkuha ko sa atensyon niya.
Malapit na kami sa bahay namin pero wala pa rin siyang imik at kibo.
We're silent for almost an hour now.
Nilingon lang ako ni Raphael Jackson at tinaasan ng kilay. Para bang he's asking me what I am going to say.
"Sige kung gusto mo sumama ka na" I said in defeated tone.
Nasa tapat na kami ng bahay namin at hindi pa ako bumababa ng sasakyan. Hoping that Raf will talk.
Ano bang arte nitong lalaking 'to? I didn't know that he have this kind of side?
He's somehow mysterious right now.
"Raf" pagtawag ko ulit sa kanya.
Damn! Bakit naging ganito na? Bakit parang ako na yata ang smitten sa kanya? Baka mahalata niyang may gusto rin ako sa kanya.
Gusto ko muna syempreng paghirapan bago niya ako makuha. I don't like to be his girl before. I am not like that now.
Hindi na ako easy to get because right now. I really want a serious realationship. I realized that I don't want to play anymore. My mind matured, my mindset matured.
For me, it looks like you shouldn't play the feelings of other people.
"Hindi ba sabi mo ayaw mo sa lalaking possessive? You can go with Lean. Hindi na ako sasama and I trust you Cerene, na ipapasyal niyo lang ang inaanak niyo" he said seriously.
Napatanga naman ako sa sinabi niya. He sounds like my boyfriend. Hindi pa naman kami!
Nanliligaw pa lang naman siya! What the hell is he saying?
Nevermind!
Bumaba na siya ang pinagbuksan ako ng pintuan. Parang wala pa ako sa sarili habang bumababa.
"Bye" he said and quickly kissed on my lips.
Agad naman akong natauhan dahil sa ginawa niya pero nakatakbo na siya papasok sa sasakyan niya at pinaharurot ito ng mabilis.
Naisahan ako ng lalaking 'yon!
Wala sa sarili naman akong napahawak sa labi ko. Tulala ako sa direksyong binaybay ng kanyang kotse kahit wala na 'yon sa paningin ko.
"Hoy! Tulala ka dyan? At nakahawak pa sa labi. HAHAHA nahalikan ka ba? Feeling nawalan ng first kiss?" asar ni Lean.
Nasa harapan ko na pala siya. Hindi ko man lang namalayan na nakalabas na pala siya ng bahay namin.
"Whatever! Tara na nga!" sabi ko at inirapan siya.
Pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse niya sa di kalayuan. Agad naman akong sumakay doon.
Hindi na ako pumasok sa bahat dahil maayos na naman ang suot ko. No need to change my clothes.
Habang papunta kami sa bahay ni Zoila, hindi mawala ang nakakairitang ngisi ni Lean. Wala pa siyang sinasabi pero alam mo ng nang-aasar.
"Huwag ka ngang ngumisi" I said when I can't take his playful smirk.
"Bakit naman? Masama na ba ngayon ngumisi? May bayad na ba? How much?" Lean said and smirk again.
"Ewan ko sa'yo! Dapat pinabayaan na lang kitang mabulok kahihintay sa bahay namin. You ruined my date" dinuro ko pa siya.
"Ay talaga ba? May date ka ngayon? Sino kaya? Masarap bang humalik at tulala ka sa may gate niyo?" asar niya.
Now that I mentioned it. Parang I just confirmed that someone kissed me.
Stupid! s**t!
"Ang chismoso mo! Alam mo ba 'yon?" sarkastikong sabi ko at inirapan siya kahit hindi naman niya nakikita.
"Oo naman!" aniya.
Nakakainis talaga 'tong taong 'to. Gusto ko siyang suntukin kahit isang beses lang.
Patuloy kami sa pagbabarahan habang papunta sa bahay ni Zoila. Malapit lang naman 'yon sa'min kaya nakarating kami kaagad.
Papasok na nga ang sasakyan ni Lean sa subdivision nila Zoila.
Nang makarating kami sa bahay ng bestfriend ko. Bumaba na kaagad ako ng kotse ni Lean para mawala ang stess ko sa kanya.
Baka masapak ko na talaga siya dahil patuloy siya sa pang-aasar kung sino ang humalik sa'kin.
Hindi niya talaga ako tinitigilan. Kalalaking tao napakachismoso.
"Ate Delia, nasaan po si Zoila?" tanong ko sa kasambahay nilang kasalukuyang naglilinis ng sala nila.
"Nasa kuwarto niya, Cerene" ani Aling Delia.
"Sige, salamat po. Aakyat na po ako sa taas ha" paalam ko.
Tumango lang naman si Aling Delia. Sanay na naman siya sa akin at kay Lean na feel at home dito.
Naramdaman ko namang nakasunod na sa'kin si Lean habang naakyat na ako ng hagdan.
Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kuwarto ni Zoila. Walang katok-katok kong binuksan 'yon. Nakita ko sila. Nakaupo sa lapag na may carpet.
Palakad-lakad ang halos tatlong taon kong inaanak habang pasulyap-sulyap si Zoila sa kanya habang nagbabasa ng libro.
"My Cutey Baby Zaze" nanggigigil na sabi ko habang pinaghahalikan ang pisngi niya.
"Ninang Preeetty" he said cutely.
Ang taba-taba ng pisngi niya. Sobrang cute talaga pero hindi ko maitatangging tuwing nakikita ko siya. Parang nakikita ko rin si Haze.
He's really the son of Haze.
"Hmmm ang bango-bango naman ng baby" patuloy pa rin ako sa paghalik.
Nakakapanggigil talaga 'tong batang 'to. Sobrang cute.
"Hoy! Kawawa sa'yo yung bata" saway sa'kin ni Lean.
"Sa cute, e" sabi ko at inirapan siya.
"Cute pala, edi mag-anak ka rin. Doon sa humalik sa'yo sa labas ng gate niyo" asar na naman niya.
Napukaw naman niya ang atensyon ng busy'ng si Zoila. Binaba niya ang librong binabasa.
"Sinong humalik?" she asked.
"Ayaw niya ngang sabihin. Baka may bago na namang fling pero hindi rin.." ani Lean na paranf nag-iisip pa. "...Tulala yan sa may gate nila na parang nawalan siya ng first kiss niya, e grade seven pa nga lang yata wala na yang first kiss" dugsong ni Lean sa sabay tawa.
Binato ko naman siya ng stuff toy ni Zaze na nadampot ko.
"Hindi naman Lean, grade eight nawalan ng first kiss yan" nakangising sabi ni Zoila.
Isa pa 'to.
"Whatever" inirapan ko silang dalawa.
"Zaze away nila si Ninang Pretty, o" sumbong ko sa batang walang pakialam.
He's playing with his toy car.
Sa totoo lang, hindi naman na ako naapektuhan sa sinasabi nilang first kiss. So what if I don't have a first kiss anymore?
I just really don't care on that kind of thing. For me, first kiss isn't important. Hindi pa naman magugunaw ang mundo kapag nawala ang first kiss mo sa murang edad.
Tsaka hindi na totoo ngayon 'yon. Sa taong mahal mo ibibigay ang first kiss mo? That's bullshit. What if it's just accidental? Mamahalin mo na ba 'yong taong nakakuha ng first kiss mo? Hindi naman ganoon 'yon.
As long as you know your limitation as a woman, that's enough. That's the important thing.
Sandali pa kaming nagkuwentuhan at binihisan ko na si Zaze ng pang-alis. Hindi kasama si Zoila kasi nga busy siya kaya kami na lang muna ang magpapasyal kang Zaze.
"Going to Mall?" naka-pout na tanong ni Zaze habang pinapalitan ko siya ng pang-alis.
"Yes" masiglang sabi ko at bahagyang kinurot ang mataba niyang pisngi.
"Oucchhhh" he pouted even more.
So cute! Nakakapanggigil talaga 'tong batang 'to.
"Ninang Ayshkrim" Zaze said and chuckled cutely.
"Later" sabi ko.
Nang matapos ko na siyang bihisan ay nagpaalam na ako kay Zoila. Buhat na ni Lean si Zaze.
"Kaway na kay Mommy" utos ko kay Zaze at kumaway ako para gayahin niya
"Bye, Mommy" I said at ginaya naman ni Zaze.
"Bay, Mami" Zaze said cutely.
"Bye, baby be a good boy" ani Zoila at nagflying kiss ng palabas na kami ng pinto.
Pababa na kami ng hagdan habang nilalaro ko si Zaze na buhat-buhat ni Lean.
"Papa" ani Zaze sabay hagikhik.
Hinahawakan niya ang mukha ni Lean at pinipisil 'yon. Hindi na maipinta ang mukha ni Lean dahil sa ginagawa ng pasaway na si Zaze.
Tawa naman ako ng tawa dahil mukhang ewan si Lean. I even took a picture of Lean. Mukha talaga siyang tanga.
"Oy! Oy! Bakit diyan ka sasakay?" pigil niya ng akmang bubuksan ko na ang backseat.
"Bakit? Dito kami ni Zaze sa likod diba, baby" nakangiti kong sabi kay Zaze at bahagyang pinisil na naman ang pisngi niya.
"Akin na nga si Zaze" I said at kinuha na si Zaze sa kanya.
Nakasimangot naman si Lean at napapakamot na lang sa ulo habang papunta sa driver seat.
I am laughing at the back of my mind because of Lean's face right now.
"Pambihira talaga! Pinaghintay ako ng ilang oras tapos ngayon naman gagawin akong driver" he said sarcastically.
Halatang ako ang pinariringgan. Nakatingin pa siya sa rear view mirror kung saan kita ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Yan ang napapala mo sa pang-aasar!
"Bagay naman sa'yo maging driver. Gusto mo mag-apply sa bahay? I'll tell it to my Mom" nakangising sabi ko.
Nasa kandungan ko si Zaze na hawak ang isang maliit na sasaktyan at 'yon ang pinagkakabalahan.
"Sa guwapo kong 'to? Gagawin mo kong driver? Pero pwede rin. One million a month" aniya.
Patuloy pa rin kaming nag-uusap ng mga walang kakwenta-kuwentang bagay habang papunta kami sa Mall.
Ganoon naman kami lagi ni Lean.
"Jabee" turo ni Zaze ng makita ang logo ni Jollibee.
May pinagmanahan ka Zaze. Mana ka sa nanay mo. Mahilig sa Jollibbe. I remember our Junior High School days. Kapag laging puno sa carinderia, sa Jollibee kami kumakain ni Zoila.
Hindi ko alam. Sobrang sarap ng chicken nila. Kahit araw-araw akong kumain n'on. I'm sure hindi ako magsasawa.
"Gusto mo doon" tanong ko sa kanya at sunod-sunod naman siyang tumango.
Nakangisi naman akong humarap sa unahan.
"Manong Driver pakibaba na nga lang kami sa mismong harap ng Mall" maarteng sabi ko.
Kitang-kita ko ang sama ng tingin sa'kin ni Lean. I know he's cursing me right now on the back of his mind.
Hindi niya lang ma-voice out kasi nandito si Zaze. Hindi magandang nakakarinig ng ganoon ang mga bata.
Ang mga bata pa naman masyadong maraming tanong. Ang hirap pa naman ipaliwanag sa katulad nila ang mga ganoong bagay.
Kahit masama ang tingin sa'kin ni Lean. Ginawa pa rin naman niya ang sinabi ko. Sa mismong harap ng Mall kami binaba.
"Sa Jollibee mo kami puntahan" sabi ko kay Lean bago bumaba ng sasakyan.
Ang ibang taong papasok din ng Mall ay napapatingin sa'kin. I am holding an almost three years old child.
Isama pa na simple lang ang ayos ko. I am just wearing a simple tee.
Iniirapan ko na lang ang ibang mapanuring tingin.
Sige! Tumingin lang kayo hanggang sa lumuwa ang mga mata niyo!
"Ayaw" ani Zaze ng papasok na kami sa Jollibee.
Kumunot naman ang noo ko ng ituro niya ang katabi ng Jolibee.
"There...want" turo niya sa McDo.
Dahil sobrang cute ng batang kasama ko wala akong magawa kundi pagbigyan ang sinasabi niya. Hindi gaanong mahaba ang pila sa McDo kaya nakapag-order agad ako.
Ni-assist pa ako dahil mag-isa lang ako. Binigyan rin si Zaze ng pambatang chair.
Habang iniintay ang iba pang order, naisipan ko munang i-check ang cellphone ko. There's a message from an unknown number.
Usually, hindi ko naman binabasa ang ganoon pero ngayon binasa ko ang message.
From: Unknown Number
I'm home.
From: Unknown Number
Still at the Mall?
Yan ang dalawang message niya. Ang unang message ay kanina niya pa tinext. Ilang minuto lang ng hinatid niya ako sa bahay kanina.
Bago ako magtipa ng reply. Sinulyapan ko muna si Zaze. May hawak siyang tatlong fries at unti-unti niya 'yong kinakain.
Cute!
To: Raf
Yeah, I am currently at Mcdo
Nagdalawang-isip pa ako kung pipindutin ko ang reply button pero sa huli pinindot ko pa rin.
"Ninang...Ayshkrim" turo ni Zaze sa ice cream na nasa harapan.
Kinuha ko naman ang mini spoon at sumalok sa ice cream at sinubuan niya.
Pagkatapos ko siyang subuan. Nag-vibrate ang cellphone ko.
Ang bilis niyang mag-reply ha.
"Hoy, nandito pala kayo sa Mcdo! Hindi mo man lang sinabi. Hanap ako ng hanap sa Jollibee" ani Lean pero hindi ko siya pinansin at binasa ang reply ni Raf sa text ko.
From: Raf
Eating? Next time we should go out also with Zaze. Just the three of us. I can imagine we looks like a happy family. Do you think I will be a good father of our children?
After reading his reply. Hindi ko mapigilang mag-imagine din. Raf and I having our own child and we're roaming around the Mall.
"Parang baliw ka dyan! Nangiti kang mag-isa" puna ni Lean pero hindi ko siya pinansin.
Hindi maalis sa isip ko ang text ni Raf.
What does he mean? He can imagine his future with me? A family with me?
----
11:56 AM, July 28