Chapter 6

2644 Words
Chapter 6 "Ate, Kuya Raf is in our living room" Courtney said. It's another weekend and like what Raf said. We'll having a date. Actually dapat mamayang hapon pa pero hindi ko alam kung bakit ganito siya kaagang pumunta. Isang linggo na ang nakararaan simula ng sabihin niyang manliligaw siya. Every morning may dumadating na flowers sa bahay at mayroong kasamang cards na may sweet messages. He really made my day for the past week. Alam ko namang busy siya kaya hindi niya ako masundo tuwing umaga at hindi tugma ang schedule namin. "Sabihin mo maghintay siya sa living room at huwag siyang aakyat dito" I said while putting some powder on my face. I also put liptint so I won't look pale. Hindi ko alam kung bakit na-coconcious na ako sa itsura ko ngayon? Maybe I am a bit insecure because I know his past. Maraming mas magagandang babae ang dumaan sa kanya. Nang makuntento na ako sa itsura ko at mukha na akong dyosa. Bumaba na ako. Prente siyang nakaupo sa couch namin at kausap si Daddy. Oh My Gosh! Si Daddy! Ngayon nga pala ang uwi niya and it looks like Raf and my Dad talking seriously. "Dad" awkward kong pagkuha ng atensyon sa kanya. Seryoso naman siyang tumingin sa'kin pero ngumiti rin kalauanan. "My daughter is here. Tandaan mo ang sinabi ko sa'yo" ani Daddy na may nagbabantang tono. Kabadong tumango naman si Raf. I kissed my Dad on the cheeks before he leave us alone on he leaving room. Pagkaalis ni Daddy malalim na napabuntong hininga si Raf. Parang nabunutan ng tinik sa dibdib. I wonder what did my Dad said. "Anong sabi sa'yo ni Daddy?" tanong ko at umupo sa katapat niyang single couch. "It's nothing" he answered. Nagkibit-balikat na lang ako sa sinabi niya. "May pupuntahan ka ngayon? You look overdressed" puna ni Raf. Nakalimutan ko nga palang sabihin sa kanya na mayroon akong photoshoot ngayon. Nagulat rin ako na nandito siya ngayon ng maaga dahil ang usapan namin mamayang hapon niya ako susunduin. "Oo. I have a photoshoot this morning." kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. "You can come if you want" dagdag ko pa. Sandali naman siyang natahimik dahil sa sinabi ko. I'm not a full time model pero na-featured na rin ako sa isang sikat na Magazine. Hindi ba niya alam? Looks like he doesn't know anything. "I will surely will." seryosong sabi niya. "So let's go?" ayaw ko sa kanya. I checked wrist watch and I might be late if we stay here on our living room for a moment. Tahimik si Raf at parang may malalim na iniisip. What is he thinking? Hindi ko na naman mabasa kung ano ang iniisip niya. "Raf, Batangas tayo" I said while we are on the main road. Nag U-turn naman siya at kinabig ang kabilang direksyon. Wala pa rin siyang sinasabi at sa kalsada lang nakatingin. Sinabi ko sa kanya ang mismong beach na pupuntahan. Base sa nakikita kong reaksyon niya, he's against on my modeling career. I think he's just controlling himself from talking. First, we don't have a relationship yet. Second, he's just courting me. Third, he don't have the right to against my dream. "What is the theme? I hope it's not bikini's" aniya at lumiko na kami sa gate ng beach resort. "We're in the beach. What do you expect from my photoshoot. A casual wear?" I asked but it sounds sarcastic. He violently took a deep sighed but he didn't speak. It looks like he don't want to argue with me. Tsaka ano bang problema nitong si Raphael Jackson? I thought he likes girl na model type? This is quite a big modeling agency. Unti-unti ng umuusbong ang career ko sa pagmomodelo. Hindi ko na palalampasin 'to. Kahit pa mayroon na akong nararamdaman kay Raf. Hindi ko ipagpapalit ang nabubuo konh career. Kung talagang seryoso siya sa'kin, susuportahan niya ako sa gusto ko. "Cerene" salubong sa'kin ni Berny. Mas nauna na siya dito. Ang alam ko dalawa kaming model ng swimwear na ito. Agad na hinanap ng aking mata ang makakasama. I saw Gloriel Sandoval sa isang sun lounger. Kausap niya ang ilang staffs doon. Siya pala ang makakasama ko. Kilala na siya sa industriya at isa na ring artista. "Ay, nandito ka pala Fafa Raf" puna ni Berny at natuon na ang atensyon sa lalaking nasa likod ko. Raf just greeted Berny and keep silent again. Hindi niya ako kinakausap. Nag-umpisa na agad si Berny na ayusan ako dahil ako na lang ang iniintay. They are all early but I am just on time. "Bakit mukhang may LQ?" mapang-usisang tanong ni Berny. "Hindi ko alam. Sinabi ko lang naman sa kanyang may photoshoot ako tapos two piece ang suot, hindi na nagsalita" sagot ko habang nakapikit. Nilalagyan ako ni Berny ng very light na eyes shadow. My skin is not that fair. Hindi naman ako, sakto lang talaga. Good for modelling such bikini's. Tanned ang color. Mas na-enhance ang high cheek bone ko dahil sa ginawa ni Berny. Ang galing niya talagang magmake-up. "Baka gustong siya lang ang makakita ng sexy body mo. May pagkapossessive pala si Fafa" ani Berny. Sasagot na sana ako ng may pumasok ng isang staff sa provide na dressing room para sa'kin. Hindi ko alam kung nasaan si Raf. Baka nasa labas or bumalik sa kotse niya. Ayaw niya bang manood? "Miss Cerene, we'll start na daw po in ten minutes" sabi ng staff. "Okay" Sagot ko. Nang matapos na ni Berny ang make-up. Pumasok na ako sa isa pang maliit na silid. Nakalagay na doon ang iba't ibang design na susuotin ko. The first one is color white bikini. Maganda ang disenyo niya. Nang maisuot ko na 'yon ay lumabas na ako. It really suits on my body. Agad na nanlisik ang mga mata ko ng paglabas ng dressing room. Gloriel Sandoval is flirting with Raf and this Raphael Jackson seems enjoying talking to that woman. He even smile! Ni hindi nga siya ngumingiti kanina habang magkasama kami tapos makikita ko siyang malaki ang ngiti. Bwisit! Ang sarap i-untog ng ulo ni Raf sa boobs ng Gloriel na 'yon. Napatingin naman ako sa'kin. It's not that big like Gloriel pero hindi naman ako flat. Masama ang tingin sa nakatalikod na si Raf habang papalapit ako sa kinatatayuan nila. May pahampas-hampas pa si Gloriel sa braso ni Raf habang nag-uusap sila. Alam kong may kasamang haplos ang kamay ni Gloriel sa matigas na braso ni Raf. Tsansing pa ghorl! "Raf" pagkuha ko ng atensyon niya. Nagulat pa siya at mukhang hindi inaasahan ang pagtawag ko sa kanya. Mukhang nakalimutan niya yatang ako ang sinamahan niya dito. Agad niyang inalis ang kamay ni Gloriel na nasa braso niya. Dapat lang! Sasabihin ko nga sa kanya mamaya na dapat siyang maligo ng alcohol dahil marami na siyang germs sa katawan dahil sa babaeng nasa harapan namin na may mapang-akit na ngiti. Halos magkasing tangkad lang kami ni Gloriel. She's also beatiful but I am more beautiful than her. She have curves but my curves are more define than her. Sa boobs lang siya lumamang. "Cerene" ani Gloriel at bumeso sa'kin. Nang magkadikit ang pisngit namin, umirap ako. Ew! Nadikitan ako ng malandi! Maliligo na rin ako ng alcohol mamaya! Plastic akong ngumiti sa kay Gloriel, yung ngiti rin naman niya mukhang plastic. Katulad din ng mukha niyang pina-plastic surgery niya. "Looks like the two of you are enjoying?" tanong ko sa kanila ng may plastic na ngiti pa rin. Mas lalo pang ngumiti si Gloriel pero ng mapadako ang tingin ko kay Raf at seryoso na ulit ang mukha niya. Hindi katulad kanina na may pangiti-ngiti pa. Mukhang mas gusto pa yata niyang wala akong dito sa tabi niya para makalandi siya! "Yes, just catching up. Raf was my ex" nakangiting sabi ni Gloriel at malanding sumulyap kay Raf. Talagang harap-harapan pa. Wala bang pakiramdaman ang babaeng 'to? Naging matalim ang tingin ko kay Raf. Umiwas naman ng tingin si Raphael Jackson. "A, talaga? Mabuti pumasa ka? Nakapagpa-retoke ka na ba noong naging kayo? You know, he only like beautiful girls" I said. I know it sounds rude but I don't care. I'm pissed. Nawala ang plastic na ngiti sa'kin ni Gloriel at tumalim ang tingin. As if I'm scared! "Ma'am start na daw po tayo" singit ng staff. Binigyan ako ni Gloriel ng masamang tingin bago sumunod sa staff. Ako naman ay hinarap muna si Raf at sinamaan ng tingin. "Ex pala ha! At mukhang enjoy na enjoy ka pang kausap!" inis na sabi ko kay Raf at nag-martsa na palayo sa kanya. Hindi ko na siya hinayaang magsalita pa. Mamaya na ako makikipag-usap sa kanya pagkatapos ng trabaho ko. Hinubad ko na ang robe ko, ganoon din ang ginawa ni Gloriel. We made some poses gaya ng utos sa'min. Tuwing magkakaroon siya ng pagkakataon at nagbabatuhan kami ng matatalim na tingin. Hindi ako papatalo sa kanya! Nagpalit pa kami ilang design ng bikini. Retouch and made some poses again and we're done. Lumapit si Raf sa'kin at siya na mismo ang nagsuot sa'kin ng robe. Seryoso ang mukha niya habang ginagawa 'yon. "I really don't like this. I hope this is the last" seryosong sabi niya. Inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya. Kung makapagsalita siya parang boyfriend ko na siya at parang hindi siya lumalandi kanina. "You're not my boyfriend so don't meddle on the thing I want to do and one more thing, I though you're courting me so why are you flirting with that retokada?" taas kilay kong tanong sa kanya. "Nagkamustahan lang" sagot niya. Umirap naman ako dahil sa naging sagot niya. Nagkamustahan? E, kung makahagod ang kamay ng babaeng 'yon sa kanya halatang inaakit siya. "Really?" I asked sarcastically. "Yes, jealous? Hmm?" nakangisi na niyang tanong. Inirapan ko na naman siya. Kanina lang seryoso siya. Ngayon mayroon na namang mapaglarong ngisi sa mga labi niya. "No! Why would I be? Mas maganda ako doon sa retokadang 'yon" I said and crossed my arms. He chuckled because of what I said. He pulled me closer to him. Now, he's touching my face and we are staring intently at each other. "Yes you're the most beautiful yet fiesty woman I've met. And don't be jealous on Gloriel, she's just nothing but a part of my not so serious past" seryosong aniya. "I am inlove with you, Cerene" he said while his face are just inches apart on mine. Kaunting na lang maglalapat na ang mga labi namin... "Hoy! Dito pa kayo magtutukaan! Hustisya sa mga single. Huwag kayo ditong mag-live show" ani Berny. Napalayo naman ako bigla kay Raf. "Istorbo" mahinang bulong ni Raf pero narinig ko pa rin Damn! What was that? We're just talking and what the f**k? Napatingin ako sa ibang staffs na nanonood pala sa'min. Awkward naman akong ngumiti sa kanila. Nakita ko namang padabog na naglalakad sa di kalayuan si Gloriel. Problema n'on? Inggit ka ghorl? Di ka na ulit papatulan ni Raf. "Magpapalit lang ako" paalam ko. Namumula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan pero mukhang wala lang naman may Raf ang mga mapanuring tingin nila. Mabilis akong nagbihis. Tinatanggal ko na ang make-up ko ng may pumasok na lang bigla sa loob ng dressing room. "Feeling mo naman seryoso sa'yo si Raf? Ha! Pinaglalaruan ka lang din niya" ani Gloriel sa bitter na tono. Akala ko ba artista siya? Galingan naman sana niya ang acting niya! Nawawala ang poise niya dahil halatang inis na inis siya sa'kin. Tumawa naman ako ng mapang-asar para lalo pa siyang mainis. "Really? Edi pagalingan kaming maglaro. I'm not like you. Madaling nakuha. s*x lang habol niya sa'yo? Ano? You can't get over him, siya ba ang naka-una? Nasarapan ka ba?" walang filter kong tanong. Nakita ko naman siyang bahagyang nagulat dahil sa sinabi ko. Mukhang hindi inaasahan na lalabas 'yon sa bibig ko. Nakataas ang kilay ko at binibigyan siya ng nang-iinsultong tingin. "So what? Ganoon rin ang gagawin sa'yo ni Raf. I'm sure of that" sagot niya at bumalik ang confidence at tinaasan ako ng kilay. "How sure are you? Edi sana hindi ko siya kasama ngayon. He was my ex-fling before but look now, siya 'tong habol ng habol. See our difference? Ako pangseryosohan, ikaw pangkama lang" I said and smile fakely before I leave her with a mad face. Paglabas ko, namataan ko si Raf na matyagang naghihintay. Ngumiti ako ng malaki sa kanya dahil sa mukha ni Gloriel. Halatang gustong-gusto niyang makipagsabunutan sa'kin pero ayaw mawala ang poise niya. "You seems happy" puna ni Raf. "Yes, dahil kasalukuyang umuusok ang ilong ng ex-fling mo" nakangisi kong sambit. Inakbayan naman niya ako habang papunta na kami sa parking. Bumalik na yata siya sa mood. Kanina seryoso siya at hindi ko mabasa ang iniisip niya. "Anong sinabi mo sa kanya?" tanong ni Raf. "Wala lang. Ipinamukha ko lang sa kanya ang katotohanan" sagot ko. "I know you Cerene" ani Raf na parang alam niya kung ano ang tinutukoy kong katotohanan. "Alam mo, let's change our topic. Ayaw ko ng pag-usapan ang ex-fling mong retokada. I wonder kung bakita ka pumatol doon? Nevermind! Huwag mo ng sagutin" I said. "Saan ba tayo magde-date?" tanong ko sa kanya. Pag-iiba ko na rin ng topic. "Anything you want" aniya. "I want to eat our lunch on Tagaytay" sagot ko. Nasa Batangas na naman kami so malapit lang. Sinabi ko sa kanya kung saan kami pupunta. Sa isang Filipino Cuisine Restaurant na kita ang view ng Bulkang Taal. Isang beses pa lang ako nakapunta doon at gusto kong bumalik. Masarap at malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa'min. Bahagya pang nililipad ang nakalugay kong buhok. Ipinaghila ako ni Raf ng upuan bago siya umupo. "This place is quite refreshing. Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" he asked. Nagdalawang isip naman ako kung sasabihin ko ba sa kanya kung bakit ako nakapunta dito. Tinaasan niya ako ng kilay. Tila naghihintay ng sagot ko. "May naka-date ako dati at dito ako dinala" sagot ko sa tanong niya at nag-iwas ng tingin. Sakto namang dumating ang waiter at mayroong dalang menu. Hindi na siya umimik at tumingin na lang ng puwedeng orderin. Mayroon pa sanang libreng lunch doon sa shoot ko kanina pero mas pinili kong mauna na at sa iba na lang kumain. Kakain na naman ako ng puro carbs. Nasisira ang diet ko dahil kay Raf. It's okay tho, I will consider my weekend as my cheat day. Binigay ko na ang order ko sa waiter at ganoon din siya. Pagkaalis ng waiter, namayani ang katahimikan sa aming dalawa. "When did he bring you here?" pagbasag ni Raf sa ilang minutong katahimikan. Noong una nagtaka pa ako sa tanong niya. Hindi ko nakuha pero kalaunan ay na-realize kong tinutukoy niya ay ang naka-date ko noon. "Five years ago? I guess?" sagot ko na parang hindi pa siguro. "You was fourteen that time" seryosong aniya. Ano naman kung fourteen lang ako noon? Is there something wrong on dating a man when you are fourteen? Wala naman. "So? You know forget what I said. C'mon Raf mas natandaan ko pa 'tong place na 'to kaysa sa pangalan ng ka-date ko" I said truthfully. That's true. Ang alam ko lang may nagdala na sa'kin dito pero hindi ko na alam kung sino. Sa dami ba naman nila. Makakalimutan ko talaga. "Hmm" tugon niya. "Jealous again?" nakangising sabi ko sa kanya. Now, he's the one who's jealous. Kanina lang ako ang nagseselos. I'm right, Raf is my karma and vice versa. We are both threaten on our past. Kung ganito lang din naman. Dapat pa ba namin ituloy? Should I still give us a chance or should I stop him now from courting me? ----- 3:00 PM, July 31
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD