Pagkatapos mag-usap nila ng isa sa tauhan ni Michelle ay nagpasya na sanang umuwi si Hanna, pero dahil may nakakita sa kanya na namigay siya ng pera ay may mga lumapit din sa kanya upang humingi din.
Naawa si Hanna, naiintindihan niya ang hirap ng kapos sa pera at walang makain, kahit hindi man niya personal na naranasan iyon pero sa isipin pa lamang na wala kang makain at gutom.
Kaya ay may naisip siyang paraan para hindi naman masanay ang mga ito na manghingi na lamang din ng pera, dapat paghirapan din nila.
Kaya naman ay magpapalaro na lamang siya doon na para sa lahat, pweding sumali ang kahit na sino, bata, matanda, bading, tomboy, nanay at tatay.
Ang palaro ay hiphip horray na kasabay ang aksyon ng kamay, parang sa palaro sa TV show.
And ofcourse ay handa ang camera ng dalaga para makunan ang masayang parlor games.
Pagkakataon din ito para sa isang masayang content.
Bago nag simula ang palaro niya ay nag Intro muna siya sa kanyang Vlog.
"Hi Guys! magandang hapon sa inyong lahat! Narito nga pala tayo sa Sitio Riverside Tondo Manila. At ngayong Hapon nga ay magpa palaro tayo! Lahat pwedi sumali!", masayang anas niya sa harap ng camera.
Hinarap niya ang camera sa mga kahalok.
"Ready na ba kayo?", malakas niyang tanong sa mga taong nandoon.
"Ready na!!", halos sabay ng pasigaw na sagot ng mga kalahok.
At hindi naglaon ay nagsimula na sila sa kanilang Hiphip Hooray palaro.
Napuno ng tawanan ang buong sitio dahil sa palaro ni Hanna, na para bang may fiesta doon o di kaya'y may variety show talaga.
Marami ang lumahok kaya ang iba ay sa ibang palaro naman, may trip to Jerusalem, may statue dance at Pinoy Henyo.
Lahat ng sumali ay hindi luhaan dahil may consolation prize naman sila. Kaya lahat ay may premyo parin.
At syempre malaki ang makukuha ng grand prize winner Limang Libong peso, First winner ay mag-uuwi ng tatlong libong peso at ang second winner ay dalawang libong peso, ang consolation prize naman ay grocery goods sa tindahan worth 500 pesos.
Kinausap ni Hanna ang nasa malapit na convenience store para doon na kumuha ng goods ang mga kalahok.
Napakasaya ng araw na iyon para kay Hanna na hindi niya inakala, nagsimula ang araw niya na wala siyang magawa at nabo-bored lamang, pero nag wakas ito sa napakasayang palaro sa isang lugar na hindi rin niya inakala na mapupuntahan niya.
The money she spent today ay eventually, galing pa rin kay Michelle kaya hindi siya nanghihinayang na iwaldas at ipamigay iyon sa mga tao.
Pagdating sa condominium unit niya ay inabala na niya ang sarili sa pag eedit ng video, she has to trim it dahil mahaba ang video.
And when she's done editing ay pinost na niya kaagad.
Doon pa siya nakaramdam ng gutom.
Nag punta na siyang kusina para icheck kung may pagkain pa siya.
Meron pa naman. Gusto sana niyang magpuntang convenience store pero ay alas Nueve na ng gabi at naalala na naman niya ang lalaki noon na parang laging nakasunod sa kanya, yung stalker niya.
Kaya hindi na lamang.
Pagkatapos kumain ay nagpasya na lamang siyang manood ng series.
Ang Philippine Adaptation ng Korean Hit drama series na Vincent ay nangunguna rin daw sa Philippine Drama series.
Tungkol ito sa isang Pilipino-Italian mafia consigliere na bumalik sa Maynila and uses his ruthless, anti-hero tactics to take down a corrupt corporate conglomerate sa buong Pilipinas.
Pinanood na muna niya ang Trailer nito.
"Oh? Si Rain pala ang bida dito! kaya pala maraming babaeng gusto ang pelikula", napaismid siya.
Hindi niya masyadong gusto ang artistang iyon, na pepreskohan siya, lalo na yung makita niya ito sa resort, kahit malayo lang iyon, ay alam niyang negative vibes ito kasama.
Nag basa muna siya sa mga comments ng video, gusto niyang ma-spoil kasi, para makumbinsi siyang panoorin ito o di kaya ay magkaroon siya ng ideya sa takbo ng kwento para hindi na siya mag sasayang ng oras na panoorin ito kung hindi swak sa panlasa niya kung sakali.
Pero so far ay magaganda ang feedback.
Meron isang nag comment na hindi na nito mabitawan ang cellphone sa panonood, hindi na natulog at talagang tinapos ang buong series ng isang bagsakan, dahil sa sobrang ganda.
May isa pang nag comment na ang hot ni Rain sa drama, tumaas ang isang kilay niya doon.
"Sige na nga! bigyan natin ng chansa! you better be good para hindi kita imamark down!", anas pa niya na animo'y kausap ang screen ng laptop.
Kumuha na muna siya ng makakaing junkfoods at maiinom bago simulan ang panonood.
Hanggang natapos niya ang unang episode ng hindi namalayan.
Hanggang nakalimang episodes na siya.
The series is action - thriller, na may kasamang comedy romance.
At totoo nga namang maganda ang storya pero dependi pa rin kung bet mo ang action series at p*****n.
Although bumabawi ang pelikula sa mga romantic na nakakatawang scene ng magkapareha.
The Lead Male and Lead Female ay bagay na bagay rin. They have Chemistry.
At may scene nga doon na half naked ang ML galing pa sa shower room.
Ito siguro ang sinasabi ng sa comment section na 'Rain is so Hot!'
Tunay nga naman na maganda ang katawan ng lalaki. Hindi mo maiwasan humanga.
Makalaglag panty ika nga.
Pero he is too handsome na parang Diyos na bumaba sa lupa.
Hindi na niya type ang super guapo ngayon, natuto na siya - natawa na lamang si Hanna sa mga pinag iisip.
Maraming mga babae ang nagkakandarapa sa artistang ito, Nation's boyfriend nga ang palayaw, grabi naman kasi ang face card kahit saang anggulo tinggan, kaya hindi mo masisisi ang mga girls at pa-girls na mahulog at humanga dito.
Pero sigurado si Hanna kung hindi ito babaero ay bakla ito.
Sa dami ba naman ng babaeng nagkakagusto pero ni isa walang pinatulan? questionable na iyon ano?
Wala pa siyang narinig na may inamin itong girlfriend, merong rumoured at na li-link marami pa nga.
Bakla talaga siguro itong pamachong lalaking ito- sa isip ni Hanna na busy sa pag nguya ng kanyang chicharon habang nanonood pa rin ng palabas ni Rain.
Hindi na niya namalayan ang oras at madaling araw na pala.
She stop at episode 8 dahil kahit maganda na ang storya at action packed na pero hindi pa rin niya isasakripisyo ang kanyang tulog, may bukas pa naman.
_______________________
'Hanna! babe?'
Nagising si Hanna sa isang mahinang pagtawag sa pangalan niya.
Boses ng isang lalaki.
"Ha?", sambit niya, nagtataka kung sino iyon.
Paglingon niya ay nakita niya si Rain na naglalakad papalapit sa kanya.
Galing ito ng shower room at nakatapis lamang ng maliit na towel sa baywang at walang pang itaas.
Animo'y may rainbow pang sumilaw sa background nito habang naglalakad ito patungo sa kanya.
Naka slow motion ang paglakad ni Rain na parang modelo sa runway.
Hindi niya alam kung anong gagawin, kung mamamangha ba siya sa isang Diyos na bumaba sa lupa o matatakot.
Nang nasa malapit na ito ay parang nang-aakit pa ang mga magagandang mata nito sa kanya.
Kaya naman ay napatili siya ng malakas!
Ngunit ang tili niya na iwan kung sa kilig ba or sa takot ay naging tinig ng Alarm clock.
Napabalikwas siya sa higaan dahil tumunog nga ang alarm clock niya.
Alas Nueve na pala. At iwan niya kung bakit hindi pa rin niya na off ang alarm na iyon, wala na naman siyang lakad, kaya hindi na niya kailangan ng alarm.
She can stay in the bed whole day Long.
'Together with a man like Rain?'- biglang pumasok sa isip niya ang panaginip.
'Ano iyon? a nightmare or a sweet dream?'
"Erase erase erase!!!", sambit niya sa sarili.
Dahil ito sa pinanood niya kagabi kaya napanaginipan niya ito, wala siyang pagnanasa dito ano?
"Never!", sambit niya sa sarili.
"Mabuti pang makaligo na nga!", anas na lamang niya.
Bored lang siguro talaga siya kaya kung ano-ano na ang nasa isipan.
Pero hindi pa rin napigilan ang ngiti sa mga labi ng dalaga ng maalala ang muscles pack ng binata sa tiyan.
Ang sarap ipang almusal sa umaga ang hot pandesal - natatawang biro ni Hanna sa sarili.
"Nababaliw na nga ako!", anas niya sa sarili.
At pumasok na siya sa banyo.