An Interview

1412 Words
Sa kabilang banda ay kasalukuyang nasa CBF Studio si Rain, kahit busy pa sa taping for his upcoming movie ay pinaunlakan niya ang guesting for an afternoon talkshow. Dahil may plano siya. Unti unti niyang ipapahayag at ibalita na may nagugustuhan na siyang babae. He also planned a vacation after his current project, and put a halt on his other commercial shoot until Hanna's return in the industry. This way, he can make sure that His Aunt - the CEO will keep the promise they had. He will make sure his Next big project will be with Hanna. Nasa dressing room pa siya at inaayosan, pero ano mang minuto ay magsisimula na ang shooting ng talkshow. And according sa floor director mag la-live sila ngayon hindi recorded. At dahil sanay na si Rain sa ganitong mga interview ay wala na siyang kaba-kaba. He just cooly seated in a high chair while his make up artist is prepping him. In a minute ay magsisimula na sila. "Okay guys! Let's get ready dahil mag sisimula na tayo!", announce ng floor director. Ang mga taong nagtatrabaho sa likod ng camera ay tapos na sa mga paghahanda, siniguradong maganda ang lighting at walang problema sa sounds at scripts. Ready na rin ang mga camera man. Ang host ng show ay ready na rin , si Tito Boyet, isang sikat na TV host sa telebisyon. Bumaba na si Rain sa upoan at nag ready na , maghihintay na lamang siya ng cue. At maya-maya nga ay nag umpisa na ang show. "Mga Kaibigan! Magandang Hapon sa inyong Lahat! Hito na naman ako ang inyong Tito Boyet, na manghihiram ng inyong mahalagang Tatlongpung minuto ng inyong oras, para sa ating Talk Fast! At nawa'y ang araw niyo ay kasing ganda at kasing kinang ng ating celebrity guest ngayong hapon!", "Let's all welcome, ang nag iisang boyfriend ng bayan, ang guapo at kahanga-hangang artista, Mr Rain!", masayang anunsiyo ng batikang Host. At agad naman pumasok si Rain sa main stage ng tawagin na ang pangalan niya. Tumayo ang Host para iwelcome ang guest, at agad naman silang nag kamayan at nag biso-biso. Pagkatapos ay humarap naman sa camera si Rain at kumaway doon, at sa mga studio audiences rin. Pagkatapos ng batian ay umupo na si Rain sa couch na para sa kanya. "Kumusta ka Rain? at ano ang feeling ng bansagan kang Boyfriend ng buong bansa?", agad tanong ng host. "Well.. I'm doing pretty good Tito Boyet! Busy pa rin sa taping but Good!", paunang sagot niya dito. Tumango-tango ang host. "And..It's kind of overwhelming though na bansagan ka ng ganoong pangalan. Salamat sa mga nais akong maging boyfriend that only means marami akong taga hanga at maraming nagmamahal!", natatawang anas niya. "Totoo! isang buong bansa!", sambat ng host. Natawa na lamang din si Rain. "At kaya nga siguro naging hit ang iyong recent series na 'Vincent' dahil puro girlfriends mo ang mga nanonood nito", biro ng host. "Oo nga Tito Boyet", Natatawa parin si Rain. "Million-milliong girlfriends po yata iyun Tito Boyet!", dagdag niya pa. Natawa rin ang Host sa tinuran niya. "Kidding aside and talking about girlfriend, ikaw ba? may girlfriend ka na ba? or may babae na bang nagpapatibok ngayon ng puso mo?", tanong ng host. "Ahh..wala pa pong girlfriend Tito Boyet but...", sagot niya na nakangiti. "But.. pero...?", tanong ng Host dahil sa pabitin na sagot ni Rain. Ngumiti si Rain. "Baka soon...", natatawang sambit ng binata. "Ayy.. at ang mga ngiting iyan! alam ko iyan! iyan ang ngiting inlove..", anas ng Host. "Indeed Tito Boyet! I'm in love with someone!", sagot niya dito. Nag hiyawan ang mga studio audience sa nalaman. "Ahmm teka lang mga kaibigan.. kaunting katahimikan.. papayag ba kayong hindi malaman kung sino ito?", tanong ng host sa mga audience. Ang camera ay nasa audience ngayon. Si Rain ay nangingiti lamang. "Hindi..! Reveal na yan!", sagot ng audience. "Artista ba ito Rain?", tanong ng host. Tumango si Rain sa tanong. Hiyawan na naman ang mga tao sa loob ng studio. "But.. currently she is in hiatus. She is not working right now in the industry for the moment", sagot ni Rain that clears some of the especulations. "Ohh?? Can we get an initial?", halungkat pa ng host. "Mmm.. ?", nakangiting sagot ni Rain. Natawa naman ang host. "Well just say.. she is a princess.. yun muna ang clue!", anas ni Rain. "Okay.. For sure she is very pretty as a princess", anas ng host. "Super pretty po Tito Boyet", nakangiting sagot ni Rain. "Rain, maswerte kung sino man si Princess dahil ang isang Rain ay na inlove rito. And best of luck sa inyong pag-iibigan", sambit ng host. "Thank you po at kayo ang una kong babalitaan kapag kami na!", anas naman ni Rain. Hiyawan na naman ang mga studio audience. Marami pang naging topic sila tungkol sa Hit drama series niya kamakailan, napag usapan ang mga action scenes at ang mga hot scenes doon. "Paano mo pinaghandaan ang mga fight scenes doon, napanood ko ang series, at lahat ay intense fight pa", tanong ng host. "Yes, Tito Boyet! Well.. I have a black belt rank in Taekwondo since college and I did some training in Kick boxing, kaya naman ay hindi na bago sa akin ang hand to hand combat, but to make the scenes realistic ay kumuha pa rin kami ng proper training lalo na sa gun shooting scenes before nagstart ang taping", sagot niya. "Wow! kahanga-hanga! can you show us one of your signature move in Taekwondo?", hiling pa ng host. "Sure!", Ngumiti si Rain at tumayo at nagpuntang gitna ng stage. Tumayo rin ang host. "Gusto mo bang sparring tayo Tito Boyet?", birong tanong pa ni Rain sa host. "Ah..eh.. huwag na baka hindi natin matapos itong show natin..", anas ng host. Nagtawanan naman ang lahat. "Okay! I will just show one move na paborito ko", anas niya. And then in a swift motion ay nag perform ng 360 round house kick si Rain. Agad palakpakan ang lahat. "Wow! imagine kung ako ang natamaan nun, baka lumipad na ako palabas ng building", komento ng host. Tawanan naman ang lahat. Bumalik na si Rain sa kinauupuan pagkatapos pati ang host. "At ito Rain, marami rin ang hindi maka move on sa mga romantic scene doon. Lalo na ang pa show off daw ng iyong katawan. Paano mo rin iyon napaghandaan? may awkward moment bang nangyari sa iyo at ng iyong leading lady while shooting those scene?", tanong ng host. "Ahmm..Wala naman ganoong paghahanda, I guess because I go to the gym everyday, nakahanda at fit na ang katawan natin kapag may ganoong scene na kailangan sa trabaho. At wala ding awkward moments na naganap dahil napaka-professional din ni Ms Christine, trabaho lang", anas nito. "There's one question here from our audience Rain, ang sabi "What if yung katambal mo sa pelikula ay ang taong In love ka, is it more comfortable to do those romantic scene or more awkward instead?", tanong ng host na binasa ang tanong. "It will be more comfortable for me Tito Boyet! Actually I am planning to do a project with her in the future", sagot ni Rain. "That will be so exciting Rain.. so for next project namin makikilala si Princess!", biro ng host. Natawa naman si Rain. "Mmm.. let's put it that way..", sagot ni Rain. "Alright! at may nais ka bang pasalamatan, o ipaabot na mensahe.. para sa mga fans mo or para kay princess?", dagdag biro pa rin ng host. "Yes, Tito Boyet!", sagot ni Rain at tumingin sa camera pagkatapos. "Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat sa patuloy na pagsubaybay, pagtangkilik at suporta sa akin, sa lahat ng ginagawa ko. Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyo, sana ay patuloy pa po ninyo akong suportahan sa mga susunod ko pang mga shows at projects", anas ni Rain. "At sa taong mahal ko, for now, I’m watching you from afar, happy just to catch a glimpse of you from a distance. I will make my feelings known to you soon, but not just yet. I’m waiting for the perfect time—our right time. For now, please take care of yourself. I am so incredibly proud of you and everything you do."Dagdag pa niya. Palakpakan na may kasamang sigawan ang lahat. "That was amazing message Rain! Nakakakilig! Kinikilig pati ang Singkwentahin! ", komentong biro ng host. Tumayo na si Rain at ang host at nagkamayan pagkatapos. And the show concluded.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD