Another Controversy

1572 Words
Halos maghahating gabi na ng umuwi si Rain galing ng shooting. Nagtaka pa siya ng pagdating niya sa unit ay naroon lamang sa labas si Mr Park, ang alagang aso ng dalaga. Ang sabi ng tauhan niya ay umalis na ng hospital ang dalaga mga bandang hapon pa. At ang akala niya talaga'y nakauwi na ang dalaga pero tela'y wala pa ito. Kawawa naman si Mr Park naghihintay sa amo, kaya ay pinapasok na niya sa loob para bigyan ng tubig at pagkain ang aso. Baka ay hindi pa ito kumakain. Para namang na feel at home na kaagad ang aso sa bahay niya. Mabait ang aso at mukhang nakikinig kapag kinakausap. At ng nasa loob na sila ng unit niya ay dumiretso ito sa toilet, baka kanina pa ito na jijingle. At alam nito kung saan ang banyo na para bang nakapasok na ito doon noon pa. At umihi nga ang aso sa toilet bowl. Napaka amazing! Natatawa na lamang siya dahil na a-amaze siya sa katalinohan nito. Nang matapos ito sa kanyang business doon sa banyo ay uminom nga ito ng tubig pero hindi kumain. Hinihintay nga nito ang amo. "Kumain ka muna, dadating din mommy mo mamaya", anas niya sa aso. The dog only make a small sound at umupo at humiga sa sahig malapit sa pinto. "Asan na nga kaya ang mommy mo ano? mag hahating gabi na", anas niya, lumapit pa siya sa aso na tela ay dinadamayan sa kalungkutan nito. He will go out and find her. Hindi pa naman siya nakabihis kaya ay lalabas na lamang siya, iiwan na muna niya si Mr Park sa labas ng unit. Baka ay nasa hospital pa ang dalaga. Hustong palabas na siya ng condo ng may dumating din na taxi. Si Hanna nga at nagmamadali ng bumaba ng taxi at pumasok sa loob. Kaya naman ay babalik na rin siya sa loob dahil narito na ang dalaga. Pero bakit kaya ginabi na ng tuluyan ang babae? Tinawagan na niya ang hospital para alamin. Nagpakilala siyang siya ang naghatid ng mga pasyente kanina at nagtanong kung kumusta na ang mga ito. Mabuti na ang kalagayan ng dalawang matanda ayun sa nurse na naka-usap niya. Si Lolo Juan ay ililipat na sa regular ward bukas dahil okay at stable na ang condition nito. Nagtanong din siya kung dumating na ba ang mga kamag-anak ng mga matatanda. At dumating na raw, bago lang nakarating dahil ang iba ay galing pa sa ibang bansa ang iba ay galing probinsya. Ah! kaya pala halos hatinggabi na ng umuwi si Hanna, baka hindi nito iniwan ang mga matatanda hanggang dumating ang mga anak nito. Very thoughtful talaga ng dalaga. Hindi nito kaano-ano ang dalawang matanda pero grabi kung makaasikaso ang dalaga. Isang plus point na naman sa kanya iyon. Pero siguradong pagod ito ngayon. Pagdating niya sa unit niya ay nakapasok na nga si Mr Park sa loob. He will email Hanna about Mr Parks staying inside the condominium tomorrow. He will allow her to completely adopt the dog and stay in the condominium. He knows Hanna will be happy with this news tomorrow. At dahil pagod rin siya sa buong araw na intense, physical at demanding na shooting dahil action ang upcoming movie niya kaya ay agad na siyang naligo upang makatulog na pagkatapos. _______________________ Kinabukasan Pagkatapos mag gym ni Rain ay nag email na siya kay Hanna. Hindi na naman niya nakita sa gym ang babae at hindi rin ito nag jogging sa labas. Baka ay tinanghali ng gising dahil malalim na gabi na ito nakauwi galing ng hospital kagabi. And he expected na mag rereply kaagad si Hanna sa email niya dahil sa saya. Pero wala siyang natanggap na reply. Baka ay hindi pa nito nabasa ang email. Wala siyang shoot ngayong araw kaya ay balak niyang magpahinga na rin sa condo lamang buong araw. He went online to check on Hanna's recent post, baka may post ito. Pero iba ang nakikita niya online. Muling nabuhay ang issue ni Hanna at Mr Sebastian noon. May nagpost kasi na nakabalik na ng Bansa ang bagong mag-asawa Si Faith Torres at Mr Greg Sebastian kagabi at may nag uugnay na naman sa dalaga dito. May nagtanong kung nasaan na ba kaya si Hanna Monteverde bakit wala na itong show? May nag co-comment na namumulubi na ito at nag vo-vlog na lamang. May nagpost pa ng haka-haka na nasa bahay ampunan na ito nakatira. May nag post din na they saw Hanna being rush to a hospital yesterday baka raw ay nag attempt ng suicide dahil sawi sa pag-ibig. Kung ano-anu na ang haka-haka at pambibintang ang ginawa ng mga tao. Puro paninira sa dalaga at puro walang mga katuturan. That poor girl, hindi na talaga tinantanan ng mga bashers nito. Only if they know the true Hanna Monteverde. She is beautiful inside and out. Hinusgahan na agad ng mga tao si Hanna base lamang sa isang pagkakamali noon. She is surely is sad right now dahil na naman sa mga post ng mga bashers. Hindi nag online si Hanna buong araw. Nag-aalala si Rain sa dalaga pero wala siyang magagawa sa ngayon para sa babae. Hanggang may naisip siyang paraan para i-counter measure ang mga paninirang post tungkol kay Hanna. He made a new social media account para gamitin niya sa pagpost. At hindi nga nagtagal ay na post na niya ang isang video. Pinamagatan niya itong 'Not all hero wears cape, some are beautiful like angel!' Na agad umani ng libo-libong likes and share. Nakilala din agad ng mga tao kung sino iyong babaeng tumulong na ma-rescue ang mga matatanda. Si Hanna Monteverde at ang alagang aso nito. Nagpasalamat na lamang din si Rain na hindi siya makikilala sa video dahil sa prosthetic niyang suot sa mukha noon, parang naging disguise niya pala iyon nang hindi sinasadya. Anyway, mga ilang segundo lang din naman ang appearance niya doon sa video, noon lamang pag labas niya karga si Lola Margarita, ang ibang anggulo ay nakatalikod na siya sa cctv. Kaya hindi na siya mapapansin doon. At umani nga ng mga positibong komento ang naturang video na iyon ni Hanna. Aleast matatabunan nito ang mga negative post tungkol sa dalaga. At kahit sa ganitong paraan ay nakatulong siya sa dalaga. He missed Hanna, hindi niya nakita ang babae sa buong araw. He check the cctv monitor if lumabas ba ang dalaga ng condo. Lumabas pala ito kanina ngunit hindi pa nakakabalik. 'Saan naman kaya ito nagpunta?' Tiningnan niya ang orasan at mag aalas 11 na ng gabi. Baka mayroon ng nangyaring masama dito. Kaya dali-dali na siyang lumabas ng unit at hahanapin niya ang dalaga. Hindi ito sumakay ng kotse nito kanina kaya siguro ay nasa paligid lamang ito. Baka nagpalipas lamang ng sama ng loob somewhere. At hindi pa nga siya nakakalayo ay nakita na niya si Hanna na naglalakad pauwi na ng condo pero parang lasing ito. Hindi na makalakad ng matuwid. Kaya ay nag u-turn na siya at dali-daling binalikan ang babae. Napakadelikado ng ginawa nito, sa isip ng lalaki. Huminto siya malapit sa dalaga na mabagal ng naglalakad, na wari'y anumang oras ay makakatulog na ito sa daan. Agad niyang nilapitan ito at hinawakan sa mga braso dahil parang matutumba na. "Ihahatid na kita sa condo", anas niya dito. Tumingala sa kanya ang dalaga at tumingin sa mukha niya. Ngumiti ito sa kanya. Para namang matutunaw si Rain sa ngiti at tingin lamang ng babae. "Tulungan na kita", saad pa niya at inalalayan ang dalaga patungo sa sasakyan niyang nakatigil lamang sa di kalayuan. "I know that smell! Ikaw yung estatwa noon sa hotel room!", anas ng babae. "Nabuhay ka ba para tulungan ako?", tanong nito na halos hindi na masabi ng maayos ang mga salita. "Yep! and I'm here to protect you!", sagot naman niya dito. Naalala pala ng babae ang nangyari sa hotel noon. Pero akala nito ay isa siyang estatwa. Ngumiti lamang ang babae bilang tugon. Sa wakas naman ay naisakay na niya sa passenger seat ang dalaga, isenicure pa niya ang seatbelt nito bago umikot at sumakay na rin sa driver's side. Ilang minuto pa ay nasa parking lot na sila ng condo. Pero parang nakatulog na ang babae sa upuan nito. "Han.. honey?", natatawa pa si Rain sa endearment na ginamit niya sa pagtawag sa babae. "Babe, we're here! tara na at umakyat na tayo!", anas niya dito. Wala namang malay ito kaya hindi na nito matandaan ang pagtawag niya dito ng babe. Ungol lamang ang sinagot ng babae. Tinanggal na niya ang seatbelt nito at kinarga ang babae. Baka umagahin na sila kapag hihintayin niyang magising ito. Wala naman ding ibang tao na dahil hating gabi na iyon. Tulog na talaga ang babae. Pero pagdating sa unit nito ay doon na nagkaproblema ang binata. Hindi niya alam ang passcode ng dalaga. "Babe? ano nga pala ang passcode mo?", tanong niya sa babae na nasa mga bisig karga - karga niya. "Mmm..", iyon lang ang sagot nito. "Patay tayo dito babe!", anas niya. Narinig niyang tumahol si Mr Park sa loob ng unit ni Hanna. Alam nitong naroon na ang amo sa labas, ang problema ay hindi naman kaya ng aso na pagbuksan sila. Kaya ay no choice sa unit na muna niya patutulugin ang dalaga. "Mr Park sa akin muna ang princessa ko ha! behave ka lang diyan", anas niya sa aso sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD