Habang nasa daan patungong hospital ay hindi maiwasang magtanong ni Hanna sa driver.
"Ah, Kuya! Pwedi ho bang magtanong?", anas niya dito.
Pero hindi paman nakasagot ang lalaki ay nagtanong na nga siya.
"Ganoon ba talaga ang hitsura ng boss mo? parang may sunog siya sa mukha? pero may ire-recommenda sana akong dermatologist para sa kanya at dahil suki ako sa derma na ito ay pwedi akong mang hingi ng discount para sa kanya!", anas ng dalaga.
Natatawa lamang ang driver na kausap niya sa mga sinabi niya.
Nagtataka tuloy siya kung bakit natatawa ito.
"Totoo po Kuya! sabihin mo sa boss mo na kontakin ako kung gusto niya, okay?", anas pa niya.
Umiling-iling lang ang lalaki.
Ilang sandali pa ay nasa hospital na sila.
Madaling inaasikaso ng mga doctor at nurses ang dalawang matanda.
At si Hanna naman ay sa Out patient at ginamot ang sugat at pasa niya.
Pagkatapos niyang magamot ay nag stay na muna siya sa hospital para makibalita sa dalawang matanda.
Tinanong rin siya ng nurse kung anong nangyari.
At isinalaysay nga niya ang nangyari kanina.
Ngunit hindi na niya nakita ang lalaking tumulong sa kanila, si Mr owner.
Baka ay umalis na rin ito ng hospital pagkatapos mahatid ang mga lola at lolo.
Ang hospital na rin ang kumuntak sa mga anak ng mga matanda.
At nalaman nga ni Hanna na inataki sa puso si Lolo Juan, naoperahan na ito at ligtas na pero nasa ICU pa rin.
Habang si Lola ay nahimatay dahil sa labis na pagkataranta.
At okay na si Lola at nagising na ito.
Kaya naman ay pupuntahan na niya ito sa kwarto nito.
Nang makita siya ng lola ay agad itong yumakap sa kanya at umiyak.
Walang patid ang pasasalamat nito sa kanya.
Alam na pala ni lola na siya at si Mr Park ang unang tumulong sa kanila.
"Wala pong anuman iyon lola, ang mahalaga ay ligtas ka na po at si Lolo Juan. Si Mr Park yung alagang aso ko po talaga ang malaki ang naitulong, siguro ay narinig ka po niya, kasi ay talagang lumabas ito ng unit ko at nagpunta sa pintuan niyo po, at doon hindi na ito umalis hanggang na-rescue po kayo", anas niya.
"At sa may-ari po ng building lola, siya rin ang nagbukas ng pinto at nagdala sa inyo ni Lolo dito sa hospital" , dagdag pa niya.
"Talagang malaki ang utang na loob ko sa inyong tatlo! Maraming salamat talaga iha!", madamdaming wika ng matanda.
"Walang anuman po 'La, magpahinga na muna kayo, okay? dadating na din mamaya ang mga anak niyo po", balita niya dito.
"Sige iha! mabuti naman upang makapahinga ka rin pagkatapos", anas ng lola na bumalik sa pagkakahiga sa kama.
Hindi pa muna umalis si Hanna sa hospital hanggat hindi dumating ang mga kamag-anak ng mga lolo at lola.
______________________
Earlier that day.
Nasa taping si Rain sa mga huling eksena na ng kanyang pelikula.
Kasalukuyan siyang nilalagyan ng prosthetic sa mukha dahil kinailangan sa eksena.
He also wear a wig na overgrown na ang buhok, na parang mga dalawang taon ng walang hair cut.
Ang mukha niya ay may mga sunog na para talagang totoo.
They are almost done with his makeup ng nagtutunog ang kanyang cellphone.
Hindi iyon tawag o text notifications
It's an alarm.
Nang i-check ni Rain ang cellphone ay distress alarm pala mula sa cctv monitor niya sa cellphone.
At nakita nga niya sa cctv monitor sa cellphone niya na Si Hanna ay natatarantang kumakatok sa pintuan ng room 301.
She tried calling on her phone pero parang walang nakuhang tulong dahil she is now attempting to distroy the door.
Kaya wala ng sinayang na sandali si Rain.
Mabuti na lamang at sa studio lamang ang kanilang shooting ngayon dahil gagamit sila ng green screen sa mga eksena ngayon.
Kaya malapit lang sa condominium siya.
Walang sabi-sabing umalis siya sa studio.
Nagtaka ang mga tao doon.
"Boss! saan ka pupunta? mag-uumpisa na kayo anumang oras?", tanong ng PA niya na nagmamadali ring humabol sa kanya.
"I'll be back! tell them to wait for me!", anas niya sa PA at wala na ngang lingon-lingon na dumiritso na sa parking area kung saan ang sports car nito ay naka park.
At ilang minuto nga ay nakarating na siya sa condominium building.
Agad siyang nagpark at dumiritso sa room 301.
At nandoon nga si Hanna at ang alagang aso nito.
Akma pa ngang babanggain na naman ng babae ang pintuan kahit duguan na ang dalaga sa braso nito.
Napatiim bagang siya sa nakita.
Nakita naman siya ng babae at agad na umalis sa pintuan para magbigay daan sa kanya.
At gamit ang buong pwersa at kaalaman sa physical combat ay isang tadyak lamang niya ay tumumba agad ang pintuan.
Pumasok na agad siya upang hanapin ang matatanda.
Ni-review niya ang cctv monitor kanina at hindi nga lumalabas ng unit ang matatanda kaya sigurado siyang nasa loob lamang ang mga ito.
Nakita niyang pumasok na rin ang dalaga kasama ang alagang aso nito.
Hanggang kumahol ang aso.
Halos magkasabay pa sila ng dalaga na nagpunta kung saan ang tahol ng aso naroroon.
At iyun na nga ang tumambad sa kanila.
Ang dalawang matatanda na walang malay sa kwarto.
Napansin niyang gulat at natakot siguro ang dalaga dahil napaatras ito.
Pero wala na siyang inaksayang panahon.
Nakita niyang humihinga naman si Lola Margarita at possibleng nawalan lang ito ng malay. Habang si Lolo Juan ay possibleng inataki ito base sa hitsura at position ng kamay, nakahawak ito sa dibdib.
Tinawagan na niya kanina ang right hand ng ama upang manghingi ng tulong.
Tatawagan niya ulit upang ipaalam saang unit.
"Room 301! Please hurry up!".
At binuhat na niya si Lola Margarita upang dalhin sa hospital.
Hindi na niya naka usap ang dalaga dahil sa pagmamadali.
Maingat niyang isinakay sa isang kotse niya si Lola at siya na ang mag da-drive nito patungong hospital.
Dumating na naman din ang mga tauhang hiningi niya.
"May isa pang matandang lolo nasa kwarto ng room 301, please ibaba niyo at dalhin sa ospital", pagbigay instruction niya dito.
"At pati ang babae na naroon, isama niyo rin sa hospital dahil may sugat iyon sa braso, baka ma infected at magka piklat iyon, kung ayaw sumama ay magdahilan kayo, sabihin mong papalayasin ko ang aso niya sa condominium, kuha niyo?", anas niya sa mga ito.
Nagtinginan pa ang mga tauhan at tsaka halos sabay pang sumagot.
"Areglado po sir!".
At nagmadali ng umakyat ang mga ito sa itaas.
Hindi pa umalis si Rain hangga't hindi niya makitang kasama si Hanna sa pupuntang hospital.
Ang sports car na niya ang iniwan niya upang iyon na ang sasakyan ni Hanna patungong Hospital.
Nang makita niyang bumaba na ang babae kasunod lamang ng mga lalaking buhat si Lolo Juan ay pinaandar na niya ang kotse at umalis na.
Sumunod naman sa kanya ang iba pa.
Pagkarating ng hospital ay agad naman ding inasikaso ang mga matatanda at si Hanna.
At siya ding pag ring ng kanyang telepono.
Tinatawagan na siya ng direktor kung nasaan na siya.
Ang kanyang PA ay panay rin ang text at tawag.
Kaya ay umalis na lamang siya ng hospital.
Nagbigay na lamang siya ng instruction sa isa sa mga tauhan niya na bantayan si Hanna at mag report pagkatapos.
Umalis na siya ng hospital at pabalik na sa studio.
Today, isa na namang kahanga-hangang ugali ang nadiskobre niya sa babae.
Hindi lang matulungin kundi may pagka heroic din ito.
Natatawa na lamang si Rain ng maalala ang kuha sa cctv.
Binangga ni Hanna ang pintuan gamit ang sariling katawan na animo'y kay laki-laki eh, ang petite kaya ng babae.
Kaya hindi man lamang natinag ang pintuan.
Imbis ang babae ang parang bolang walang pwersa na bumangga at nag bounce back lamang.
Alam niyang masakit iyong pinagagawa ng babae.
Kaya siguro nasugatan ito.
Pero he find it cute. She is cute while trying to distroy the big and strong door.
At napag isip ni Rain na bilang ganti sa babae at sa alagang aso nito ay baka papayagan na niyang mag stay sa unit ang aso.
He will allow pets inside the condominium building already.
Sigurado siyang matutuwa ang dalaga dito.