An Emergency Rescue

1365 Words
Araw ng Linggo. Nagpasya si Hanna na mag general cleaning at mag rearranged sa kanyang condo. Wala lang talaga siyang magawa kaya ay gusto niyang makitang maiba naman ang mga nakikita niya sa loob. Gusto lang niyang mapagod. Wala pa ring nag claim sa aso isang linggo na ang lumipas, merong nag attempt pero they failed to describe the collar ng aso kaya hindi sigurado si Hanna kung sila nga ang nagmamay-ari ng aso. Kaya ay nasa kanya pa rin ito. She named him Mr Park kasi ay sa parki niya nakita ito na pagala-gala. Binilhan na niya ng bagong collar at leash. Kasama niya si Mr Park kapag nagpunta siyang convenience store at kapag nag jogging siya sa umaga. They are like partners now. Kasama na rin niya ito sa mga vlogs niya. At marami ang natutuwa kay Mr Park dahil mabait at matalinong aso ito. Pero ngayong nagkakanda kuba na siya sa pag aalis at pag lalagay ng mga gamit at muwebles sa sala ay nakahalata lang si Mr Park sa kanyang higaan na para bang nag enjoy pa itong pinapanood siyang nahihirapan at napapagod kulang nalang ay kakain ito ng popcorn habang pinapanood siya. Kung makapagsasalita lang ang aso, siguradong ang sasabihin nito ay 'Deserve!' Nakita mo ngayon ang hirap at pagod na hinahanap mo! Natatawa na lamang si Hanna sa mga naiisip tungkol sa aso. Dahil busy ay nag order na lamang ng pagkain si Hanna. At maya-maya pa nga ay nag ring na ang doorbell, iyon na nga ang delivery niya. Nagmadali na ring pumunta sa pintuan ang dalaga kasunod si Mr Park. Pero ng buksan ni Hanna ang pintuan ay diritsong lumabas si Mr Park. "Naku po! huwag kang lalabas!", nagulat pang anas ni Hanna. Pati ang delivery man ay nagulat sa asong biglang lumabas galing sa loob. Tinanggap na muna ni Hanna ang delivery at hahanapin na lamang niya ang aso pagkatapos. Sinundan ni Hanna ang aso pero hindi niya makita ito. "Mr Park!", tawag niya dito. "Saan ka ba nagpunta!", patuloy na sigaw niya. Hanggang narinig niya ang tahol ng aso sa itaas, hindi pala bumaba, umakyat pala ito. Magbabayad na lamang siya ng danyus sa disturbong dulot ni Mr Park ngayong araw. Siguro ay na bored ito dahil nasa bahay lang sila kaya gustong lumabas. At nakita nga niya ang aso naka upo sa harapan ng unit ng dalawang matanda, si lola Margarita at lola Juan, yung dalawang matandang tinulungan niya sa mga labahin noon. Nakaharap ang aso sa pintuan at tela umiiyak. He is making sounds na parang umiiyak. He also tried to push or scratch the door na wari'y gustong pumasok doon. Tela may ipinahihiwatig ang aso. Kinatok na ni Hanna ang pintuan para kumustahin ang dalawang matanda. Matagal-tagal na ding hindi niya nakumusta ang dalawa. "Lola Lolo! si Hanna po ito! okay lang ho ba kayo diyan?!", tawag niya. Pero walang sumasagot. Parang walang tao sa loob. "Baka umalis sila Mr Park, walang tao yata sa loob. Tara na please.. or babalik nalang tayo mamaya, okay?", kausap niya sa aso. Pero nagmatigas talaga ang aso at ayaw sumunod sa kanya. "Okay, I will gave another try, okay?",anas niya sa aso. "Lola! Lolo! kumusta po kayo? Si Hanna po ito!", sigaw niya sa pintuan. Pati ang aso ay tumatahol na rin , na wari'y gustong tumulong sa pagtatawag. Parang meron talagang masamang nangyayari sa loob, sa isip ni Hanna. Dahil balisa si Mr Park at ayaw umalis. He might has sense, or heard na hindi natin kayang marinig na mga tao. Kinatok na ng malakas ni Hanna ang pintoan at nilakasan pa ang pagsigaw. At talagang walang sagot. Pati ang aso ay umalolong na. Wala ring ibang kapitbahay ang lumabas siguro dahil Sunday ay possibleng wala sa mga bahay ang mga tao. Nagpasya na si Hanna na kunin ang cellphone sa ibaba sa unit niya at tumawag ng rescue. "Dito ka lang Mr Park, kukunin ko lang ang cellphone ko, okay? at babalik ako!", anas niya at nagmadali ng umalis. Natataranta na siyang bumalik sa unit niya para kunin ang cellphone. Nang makuha iyon ay nag dial na siya ng rescue habang tumatakbo pabalik sa unit ng mga matatanda. Hanggang meron ng sumagot sa tawag niya. Nag tanong ang nakasagot kung ano ang emergency na meron siya. Inexplain naman ni Hanna na ang kapitbahay niyang dalawang matatanda ay hindi lumalabas ng bahay at naka-lock ang pinto. Hindi rin sumasagot sa pagkatok at tawag niya sa pintuan. Baka ay may masama ng nangyayari sa dalawang matanda sa loob. Tinanong pa siya kung kailan ang huli nilang kita ng matanda, hindi na niya matandaan, parang last week pa yata iyon. She was instructed to contact the condominium management para mabuksan ang pinto at ma-check ang cctv kung lumabas ba ang mga matatanda. Nagpasalamat na lamang si Hanna dito. Wala siyang nakuhang tulong kasi ay may protocol din silang sinusunod. Next, she tried to call the management pero walang sagot. Wala na talaga siyang choice kundi itry na gibain ang pintuan ng unit ng mga lolo at lola. Babayaran na lamang niya ang pagpapaayos kung sakali. She tried all her might to crash into it pero siya yata ang mababalian, ni hindi man lamang nayanig ang pinto kahit kunti. Pumasok din sa isipan niya ang dumaan sa bintana, nasa unit 301 ang lolo at lola at siya naman ay nasa 201. Isang palapag ang pagitan, baka pweding sa veranda siya dadaan. Pero naisip din niyang mas delikado kung mag ala-spiderwoman siya doon sa bintana. Kaya balik siya sa pagkatok at pagtawag na lamang sa pintuan. Akmang susubukan ulit niyang gibain ang pintoan pero may matangkad na lalaking dumating, tumatakbo rin ito patungo sa kanila. And just in one smash ay natumba ang pintuan ng unit nila ni Lola Margarita at Lolo Juan. Ganoon ka lakas ang lalaki. Nagmadaling pumasok ang lalaki sa loob kaya naman ay sumunod na rin siya dito, pati din si Mr Park. At hinanap na nila sa loob ang mga matatanda. Si Mr Park ang nakakita sa dalawang matanda. Walang malay ang mga ito sa kwarto nila. Si Lolo Juan ay nasa kama habang si Lola Margarita ay nasa sahig. Parang mahihimatay din siya sa mga nakita. Nakakaawa ang dalawang matanda. Pero mukhang inataki ang dalawang matanda kasi ay wala namang dugo o foul play sa loob. Nakita niyang may tinawagan ang lalaki sa telepono nito. "Room 301, please hurry up!", anas nito. Agad kinarga ng lalaki si Lola Margarita at umalis kaagad. Naguguluhan si Hanna kung susunod ba o hindi. Parang hindi niya alam ang gagawin, natataranta din siya. Pero walang maiiwan kay lolo Juan kung susunod siya sa lalaking nauna ng umalis. Pero ilang minuto pa ay may mga lalaking dumating din, hindi rescuer o paramedic kundi parang mga security escort. At kinuha din nila si Lolo Juan. "Miss kailangan mo ding sumama sa amin sa hospital para magamot ka din", anas ng isang lalaki sa kanya. "Ha?wala naman akong sakit?", anas niya. At doon pa niya napansin ang dugo sa braso niya. Nasugatan pala siya sa braso ng tangkain niyang sirain ang pintuan. Na kahit anong gawin niya ay hindi natitinag ang pintuan. "Ah, okay lang po ako! wala ring kasama si Mr Park kung aalis ako", anas niya dito. "Utos po ng may-ari ng building na isama ka po sa hospital, kundi papaalisin daw si Mr Park kung hindi ka sasama!", sambit ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Hanna. "Ito ba yung lalaki kanina, yun yung bagong may-ari ng condominium building?", tanong niya. Naku! nakakatakot pala ito. Tumango lamang ang lalaki. "Ako ng bahala sa aso mo!", anas nito. "Sige po!", sagot niya dito. "Mr Park, dito ka nalang muna, okay? babalikan kita. Behave ka ha!", kausap niya sa aso at sumunod na nga siya sa mga taong bumaba na. Napansin niyang nauna ng umalis ang isang sasakyan, lulan siguro nito si lola. Sumunod din dito ang isa pang sasakyan, nandoon siguro si Lolo Juan. At pinagbuksan naman siya ng lalaki upang sumakay sa passenger set sa isang mamahaling sports car. 'Wow! ang ganda ng sasakyan!', puna niya dito. At maya-maya pa ay umalis na sila patungong Hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD