Unexpectedly!

1443 Words
Lumipas pa ang mga araw at naging busy na si Rain sa mga natitirang commitments niya bago mag bakasyon. He is promoting the upcoming sci-fi movie niya. Kaya may mga guesting and interviews din siya. Hindi pa rin niya na me-meet si Hanna. Pero patuloy pa rin siyang nag momonitor sa dalaga kahit busy siya. Habang si Hanna ay nagpatuloy sa kanyang career bilang vlogger. Busy siya sa kanyang travel vlog lately. Hindi naman mga masyadong malayong mga lugar ang pinupuntahan niya. Binibisita lang niya ang mga heritage site, mga parki at pasyalan sa Maynila. Paraan din niya para malibang kasi ay halos magtatatlong buwan na siyang palaging nasa bahay lamang. Habang namamasyal at nag vo-vlog ay nakatanggap siya ng tawag galing sa opisina ng CBF network. Bigla siyang kinabahan. Tungkol saan kaya ito? Kaya ay dali-dali na niyang sinagot ang tawag. "Hello?", bati niya. "Hi! ito po ba si Miss Hanna Monteverde?" "Yes! ako nga po! Sino po sila?", tanong pa niya upang ma verify niya kung sakaling scam call ito. "Yes, ako po si Mae sekretarya po ako ni Madam Cruz. She wish to see you tomorrow afternoon, libre ho ba kayo?", tanong nito sa kanya. 'Hala!', nagpapanic na ang isipan niya. "Tungkol po kaya saan ito?", tanong na naman niya. "Ah, hindi po sinabi ni Madam eh", anas ng kausap. "Sige ho Mae, libre ako bukas!", anas na lamang niya. "Okay po,.set ko na ang appointment niyo po tomorrow afternoon around 2pm. Okay?", wika pa ng babae. "Okay!", sagot na lang niya pero para siyang excited na natatakot. "Bye!", paalam ng babae at namatay na ang tawag. Tungkol kaya tu sa nangyari kay Faith? madadamay ba siya o kakasuhan din? O tungkol ito sa career niya? Mukhang hindi siya makakatulog nito buong gabi sa pag o-over think. Sa buong maghapon nga ng nakauwi na siya sa unit ay inabala na niya ang sarili para hindi siya masyadong mag-isip. Naglinis na siya sa buong bahay, lahat na ginawa niya para ma busy. At success naman na hindi niya namalayan ang oras. Nang pagtingin niya ng orasan ay mag aalas 11 na kaagad. "Good! para ilang oras nalang ang hintayin at umaga na!", anas niya sa sarili. Kinuha na niya ang basura na itatapon niya sa ibaba at lumabas saglit. Husto namang nasa ibaba na siya ng nag ring ang telepono niya. Numero lamang ang nakalagay pero sinagot na niya. "Hello?" At parang nagulat pa siya ng narinig ang boses ng sumagot sa kabilang linya. "It's me Greg Sebastian!". "Mr Sebastian?". "Yup! I just wanna say Thank you for what you did last time! My men overseen Michelle that time kaya kung hindi dahil sa iyo ay baka napaano na ang asawa ko", diritsong saad ng lalaki sa kabilang linya. "Ah, wala po iyon! I'm glad I can help!", sagot din niya. "What do you need? Money? career?", tanong na hindi inaasahan ni Hanna. Hindi siya naghangad ng kapalit sa anumang tulong na ibinigay niya. Ang sa kanya lamang ay ang kanyang kunsensya. "Nope! I am not asking for any prize Mr Sebastian. I just don't want anything bad happen to innocent people, hindi kakayanin ng kunsensiya ko", sagot niya dito. "I guess we're even now. I already paid off my debt to you, for causing issues before!", dagdag pa niya. "And I appreciate the gesture of you saying thank you! and that's enough prize for me!", anas niya sa lalaki. "Okay then! Well.. I guess we're really even now! Good luck to you Miss Monteverde!", wika nito bago nagpaalam. Napabuntong hininga na lamang si Hanna pagkatapos at bumalik sa ginagawang pag segregate ng basura. Nakadama siya ng saya at katahimikan pagkatapos ng pag-uusap nila ng lalaki. She can truly move to the next chapter in her life. Nakangiting tinapos na niya ang ginagawa. __________________ Kinabukasan sa CBF Network. Masayang naglalakad at maganda ang ngiti sa mga labi, she also wore her best OOTD today. Kahapon nga ay nakatanggap ng tawag mula sa Network si Hanna, at pinapapunta siya ngayong araw. She's hoping na pababalikin na siya ng network sa trabaho. Sana ganoon nga ang mangyayari ngayon at hindi ang mga negatibong ideya na pumapasok sa isipan. Nasa opisina na siya at agad niyang kinausap ang reception. "Ah, Miss Monteverde. Sa Top floor po kayo, nandoon na si Madam Cruz", anas ng kausap niya sa Reception. "Ah.. Sige po..", sagot niya dito. Tumuloy na siya sa elevator at pinindot ang top floor button. Bahala na kung anong mangyari. Pero sa puso niya ay may pag-asang pababalikin siya sa network. 'Sana nga!', sambit niya sa sarili. Pasarado na ang pintoan ng elevator ng biglang may nagmamadaling makapasok, isang lalaking maraming bitbit, may hawak na inumin sa kanang kamay, at dalawang bag sa magkabilaang braso at mga damit sa kaliwang kamay. Dali-dali rin niyang pinindot ang button na pabukas upang tulungan ang lalaking nagmamadaling makahabol. "Thank you Miss.. ", humihingal pa ito. Parang naawa siya sa lalaki, sino kayang artista ang amo nito? at grabi naman sa pang-aalipin. Nagtaka pa si Hanna dahil hindi tuluyang pumasok sa loob ng elevator ang lalaki, bagkos ay iniharang lang ang katawan nito sa pintuan upang hindi sumara ito. At doon pa nakita ni Hanna ang papalapit na lalaki na animo'y nag lalakad sa runway, animo'y isang modelo, walang pakialam kung maipit sa pintuan ng elevator ang PA nito. Chill lang itong naglalakad, naka cap and shades pa sa loob ng opisina. Hindi niya masyadong makita ang mukha dahil obvious naman na kung talagang sisilipin niya sa labas ang paparating. 'What the hell..', sa isipan ni Hanna. Maldita siya at mapagmataas minsan pero hindi siya ganito ka kapal ang mukha, pinaghihintay talaga sila ng lalaking ito. Sino kayang artista 'tu? Baka baguhan at nanibago sa buhay artista? At sa wakas ay nakapasok na ang artistang lalaki sa loob ng elevator at tumayo sa tabi niya. Matangkad ito at maganda ang katawan - pero agad na binura ni Hanna ang paghanga. Hindi siya kailanman hahanga sa mga ganitong tao. Nakita niya sa kanyang peripheral view na inalis na nito ang shades na suot. Pero hindi na niya pinansin iyon. "Give me my drink", utos nito sa PA. Agad namang tumalima ito. 'Napaka-bossy naman, akala may ari ng network'- sa isipan niya. Hinigop ng lalaki ang laman ng disposable cup hanggang sa pinakahuling patak, creating a loud unpleasant sound. Sinasadya yata nito iyon, dahil mas lumapit pa ang tunog sa tainga ni Hanna. Napangiwi si Hanna sa ingay na dulot noon. Napaka childish! 'Mmmp! papansin ang Puta*', anas niya sa sarili. Pero hinayaan na niya iyon, hindi na niya pinansin pa. Pagkatapos ubusin ng lalaki ang inumin ay binalik niya ito sa PA. Pati basura ay sa PA ibinigay, hindi na lamang nito hawakan hanggang makakita ito ng basurahan. Wala talagang modo at humanity. 'Tsk tsk!', sa isipan ni Hanna, na kulang na lamang ay iiling iling. Nakita niyang para sa 8 floor ang mga ito. Studio recording ang naroon sa 8th floor. 'Ah, baka mag rerecord ang lalaki, baka isa sa mga local, trying hard na mga new music artist ang puta*'- sa isipan na naman niya. Iwan niya ay mabigat ang dugo niya sa lalaki, kahit hindi niya kilala ito, ni hindi niya kita ang mukha. 'Sorry Lord kung mapanghusga ako ngayon, hindi na mauulit, ngayon lang?', anas naman niya sa sarili. Hanggang bumukas na ang pintuan ng elevator, nag paunang lumabas na ang lalaki, chill pa rin ito, walang ano mang bitbit, habang ang PA nito'y hindi magkakanda ugaga sa maraming bitbit na mga gamit. May isang maliit na booklet ang nahulog mula sa mga bitbit na gamit ng PA. Akma niyang habulin ang mga lumabas na pero huli na ang lahat, sumara na ang pintoan. Kinuha niya ang nahulog. Isa palang script. Binasa niya ito. At halos lumabas ang mata niya ng mabasa kaninong script iyon. 'Rainier Castillo AKA Rain' Si Rain iyon? The Topnotch artist? Na sikat na sikat sa larangan ng action movies? 'Wow!', sa isipan ni Hanna. She just met the #1 artist in the industry. Pero ng maalala ang tunay na attitude nito behind the camera ay nawala ang paghanga niya. Cancelled ang pagka Fan niya dito. Ganoon ba talaga ang ugali ng lalaki? Well.. last time she remembered seeing him from afar ay nakasimangot at parang galit din ito, sa kanya! dahil sa pang-iisturbong ginawa niya sa shooting nito. Baka iyon nga ang ugali nito. She keep the script and put it inside her bag, isasauli na lamang niya ito kung may pagkakataon. At iwinaksi na niya ang nasaksihang eksena sa elevator at nag-focus na sa pakikiusap sa CEO ng Industriya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD