Rain's POV

1080 Words
Maganda talagang magbiyahi sa umaga dahil wala pang trapik at maaga ring makakarating sa paroroonan. Exactly an hour passed at nakarating na si Rain sa condominium. He just parked his car at the usual spot at pinatay na ang makina ng sasakyan ng makita niya si Hanna na nagmamadali na naman sa pag-alis. At nasa telepono ang babae mukhang may kausap o may tinatawagan? May emergency na naman bang nangyari? "Sumagot ka Mr Sebastian!", narinig niyang anas nito na parang nayayamot na. Again? she is calling that man again? Ano ba talagang relasyong ng dalawa at bakit kumukontak pa si Hanna sa lalaking may asawa na? At narito na sa Pinas si Greg Sebastian at ang asawang si Faith. Will she meet that man now? Parang awtomatikong may naramdaman siyang hindi kaaya-aya. He is jealous and annoyed. Sinabi na niya noon na hindi na siya makikialam sa business ng dalaga pero hindi niya kayang baliwalain ito. Kahit wala siyang karapatang manghimasok sa buhay ng dalaga pero ay iba ang sinasabi at utos ng puso. Kaya ay sinundan na niya ang babae na nagmamadali ng umalis. Mas lalo siyang nagtaka dahil patungong mansiyon ng mga Sebastian ang tinatahak nilang daan ngayon. Kikitain ba talaga ni Hanna ang lalaki sa mismong bahay nito? Nababaliw na ba talaga itong babaeng tu? Pero hindi naman dumiritso ang babae sa mismong mansiyon kundi nagmasid lamang sa paligid. At nang makitang paalis na ang kotse na lulan si Faith ay nagmadaling sinundan ni Hanna ang kotse nito. Nag ekis na ang kilay ni Rain. Anu ba talagang pakay ni Hanna sa mag-asawa? Kay Faith? May balak ba itong masama sa babae? Ganun ba ka patay si Hanna sa lalaking iyon para gumawa ng kasamaan? Pero sa likod ng kanyang isipan ay nagsasabing hinding-hindi iyon magagawa ni Hanna, ang manakit ng tao. Pinag-iisipan lamang niya ng masama ang babae ngayon. Sinundan na lamang niya ito baka sakaling makakuha siya ng sagot sa lahat ng kanyang mga katanungan. At napansin nga niyang may isa pang sasakyan na biglang bumuntot sa sasakyan ni Faith. Sino ang nasa kotseng iyon? Nang lumihis ng daan ang kotse ni Faith ay napagtanto nga ni Rain na nakabuntot nga ang sasakyang iyon. Na sinusundan din ni Hanna hanggang ngayon. Mga kasamahan kaya ni Hanna ang nasa loob ng kotseng iyon? Mga ilang minuto pang pagsusunod niya kay Hanna at sa mga sasakyang nasa unahan ay tumigil bigla ang mga sasakyan. At iyon nga ay dahil hinarang na ng isa pang sasakyan ang kotse ni Faith. Ngunit ilang minuto din ang lumipas ay narinig na ni Rain ang police siren, at mukhang sa direksyon nila ang punta ng pulis. Muling umandar ang mga kotse sa unahan ng marinig ang wangwang ng pulis, wari'y tatakas ang mga sasakyang nasa unahan. Hanggang may isang Mercedes-Benz S 680 Guard na kotseng humahagibis na biglang nag overtake sa kanya. Bulletproof ang sasakyan na iyon , top of the line if it's about security at napakamahal, sigurado siyang kay Mr Sebastian ang kotseng iyon. Nakasunod din doon ang police mobile. Lalong lumala ang curiosity ni Rain kung ano ang nangyayari at anong kinalaman ni Hanna dito? Matagal-tagal ding habulan ang nangyari hanggang sa may putukan na ng baril. This is a serious situation! agad na alarma sa isipan ni Rain. It's not just a car chase anymore but looks like a scene in the movie 'The Fast and The Furious' Ang isipan ay naroon kaagad sa babaeng nakasakay sa unahang kotse, baka mapaano si Hanna. Nakita naman niyang dumistansya ang babae ng marinig na ang sunod-sunod na putok ng baril. "Good Girl!", naanas niya. Hanggang narinig nga niya ang malakas na tunog ng sasakyang bumangga. Tuluyang huminto si Hanna. Huminto na rin siya sa di kalayuan. Kasunod doon ay ang pagdating ng iba pang pulis car at ambulansya. Hindi pa umalis ang dalaga until nakita niyang umalis na ang ambulansya galing sa pinangyarihang lugar. Nakabuntot lang siya kay Hanna all this time. Hindi niya maintindihan ang babae. Is she meddling someone's business or crime? Bakit pinapahamak nito ang sarili? Dahil ba kay Sebastian? Umiling-iling na lamang ang lalaki. Hanna just went home after all those crazy car chase. At nabalitaan na lamang ni Rain na it's Michelle Cruz who planned to harm and abducted Faith. Noon pa man ay mabigat na ang loob niya sa babaeng iyon, tuwing may family gathering at kasama ito ni Aunt Celest Cruz aka madam Cruz ay pa-bida ang babae. He can sensed she's faked at naghahabol lamang sa kayamanan ng mga Cruz's. At tama nga siya. Ngayong natagpuan na ng mga Cruz's ang tunay na apo at tagapagmana na si Faith ay gusto ngayong i-eliminate ni Michelle ang babae. At dahil lamang iyon sa kayamanan at mana. Ayon sa balita ay nadakip on the spot si Michelle dahil nawalan ito ng malay pati ang driver nito ng bumangga ang sasakyan sa isang Mercedes-Benz na kotse. May picture at video post pa sa eksina. Makikita sa picture at video na sinadya ng Mercedes Benz na iharang ang kotse upang bumangga ang kotse ng babaeng tumangay kay Faith, upang mapahinto at madakip ang mga salarin. Habang si Faith ay dinala rin sa hospital. Pero hindi pa rin nasasagot ang katanungan ni Rain. Kung ano ang kaugnayan ni Hanna sa nangyari? It's a coincidence lang ba na nasundan ni Hanna ang kotse ni Faith ng araw na iyon? O alam ni Hanna ang mangyayari kaya ay pinuntahan nito ang mansion? Nag-aalala siya sa babae kaya ay ganito siya ka curious. Babantayan na lamang niya ang babae ng mas mahigpit pa. _____________ Nakahinga ng maluwang si Hanna ng mabalitaang nakaipit na sa bilangguan ang masamang babaeng si Michelle. At ayun sa balita ay ligtas na rin si Faith. Naabutan nga sa panganganak ito dahil sa nangyaring krimen na kinasasangkutan. Mabuti na lamang din at ligtas din ang baby nito. Ma-swerti talaga si Faith sa kahit ano. Sa wakas ay may katapusan na rin sa mga kasamaan ni Michelle Cruz. At hindi na siya ma-iinvolve pa kahit kailan sa mag-asawang Sebastian. This chapter is closed already for her. Iyon din ang mga katagang isinulat niya sa kanyang diary. "Chapter closed". Magaan ang kalooban ni Hanna at good mood siya. Isinantabi na niya ang kanyang diary at maingat na inilagay muli sa ilalim ng drawer sa side table ng higaan niya. Matutulog siyang mahimbing ngayong gabi. Kaya nakangiti pang pinatay na niya ang ilaw at naghandang matulog na. ___________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD