Walang imik ang mag ama habang kumakain ng haponan at mabigat ang atmospera sa dining table.
"Kumain ka pa 'nak!", anas ng ina ng makitang tinapos na ni Rain ang pagkain.
"Busog na po ako mom, aakyat na po ako! Goodnight po!", anas niya habang tumayo na sa upuan.
Humalik siya sa Ina at sa ama pagkatapos bago umakyat sa itaas.
"What did you do?", narinig pa niyang tanong ng ina niya sa ama bago tuluyan siyang nakaakyat sa itaas.
Hindi na muna niya iisipin ang sinabi ng ama niya. As long as wala itong gagawing ikapahamak kay Hanna ay hahayaan na niya ito.
Mahal niya si Hanna at hindi basta-basta mababali ito.
Ngunit malungkot siya dahil hindi pa man siya nakapagpahayag ng damdaming sa babae pero meron na agad hadlang sa pag ibig niya dito.
Pero ang sabi nga nila 'Love conquers all'
Is his love that strong to overcome obstacles and conquers all?
Is Hanna will return his love? - that's the biggest question for now.
Nahiga na lamang siya sa kama at hinayaan ang isipan na tangayin siya sa mga ala-ala ng dalaga.
Hanggang maalala ang halikan nila ng babae ng minsang nalasing ito.
Naalala kaya ni Hanna ang nangyari sa kanila?
Kung nagpadala siya noon sa init ng kanilang mga katawan ano kaya ang possibleng nangyari?
Baka nasa presinto na siya at nakasuhan ng r**e?
O possibleng sila na?
And one desisyon comes to his mind.
He will finally meet Hanna when his back!
_____________________
Kinabukasan.
Maagang bumiyahi pabalik ng Maynila si Rain.
Hindi na siya nagpaalam sa ama. Ang Ina lamang niya.
"Anak, pagpasensiyahan mo na ang dad mo, okay? Probably he will change his mind someday!", anas ng ina habang naghahanda na siyang umalis.
"It's okay Mom! wala naman din siyang magagawa. Buhay ko, desisyon ko, that's my rule anyway", sagot niya sa ina.
Ngumiti na lamang ang ina sa kanya.
"Mag-iingat ka sa biyahi mo ha! tumawag ka kapag nakarating ka na", sambit pa nito na niyakap na siya.
"Yep! kayo din po dito, mag ingat palagi at alagaan ang kalusugan, okay?", anas din niya.
Tumango ang ina na may ngiti sa mga labi.
Sumampa na siya sa kotse at kumuway sa ina bago pinaandar ang sasakyan.
Kumuway din ang ina sa kanya.
Isang oras din ang biyahi niya pauwing Maynila.
Samantala.
Si Hanna naman ay may natanggap na namang text galing sa tauhan ni Michelle.
Michelle is planning an abduction habang wala si Greg Sebastian dahil may business trip sa Hongkong.
Hindi na talaga makapaghintay ang masamang babaeng ito para magdulot ng kasamaan sa sariling pamilya, kay Faith.
Hanna dialed Michelle's Number para balaan ito na huwag ituloy ang masamang binabalak pero ay hindi ito sumasagot sa tawag niya.
Wala na siyang option kundi tawagan si Greg Sebastian mismo kahit sinabi na niyang hindi na siya tatawag kailanman sa lalaki.
She dialed his number at bahala na.
Nag ring ang telepono nito pero walang sagot.
Nag dial siyang muli habang nagbibihis na upang kung sakaling kailanganin ay pupuntahan niya si Faith para balaan.
Wala pa ring sagot sa tawag niya kay Greg Sebastian.
She also tried again calling Michelle pero wala ring sagot.
Hindi rin niya kayang tawagan ang tauhan ni Michelle baka ay maipit ang tao, kawawa naman. Sekreto lang kasi itong nagpapadala ng impormasyon sa kanya.
She tried again dialed Mr Sebastian's number habang nagmamadali na sa parking lot.
"Sumagot ka Mr Sebastian!", na anas niya habang pasakay na ng kotse.
Frustrated na siya dahil walang sumasagot sa mga tawag niya.
Kung didiritso siya ng presinto ay masasalang na naman siya sa matinding interogasyon.
Mapagkamalan pa siyang accomplice.
Pinaandar na niya ang sasakyan at pupuntahan na lamang niya si Faith sa mansiyon ng mga Sebastian.
Ilang minuto ay naroon na siya sa labas ng mansiyon pero nakita rin niyang palabas na ng mansiyon si Faith sakay ng kotse nito.
Sinundan na lamang niya ang kotse nito dahil nahuli na siya ng dating.
Ngunit hindi pa sila nakakalayo ay napansin niyang may sumusunod din sa kotse ng babae. Hito na nga iyon!
Mga tauhan na nga siguro ito ni Michelle at nag-aantay lamang ng pagkakataon.
Tinawagan niyang muli si Greg Sebastian.
At sa wakas ay sumagot na ito.
"Mr. Sebastian! Sorry but this is urgent! Si Michelle Cruz.. hindi ko aakalain na kikilos ang masamang babaeng iyon ngayon. She is planning to abduct your wife today!", agad na wika niya dito.
"Sinusundan ko sila, hinahabol nila ang sasakyan ng asawa mo ngayon!", maalarmang balita ni Hanna sa lalaki.
"What!?", Tanong agad ng lalaki.
"Saan banda na kayo ngayon? sundan mo sila, at huwag mo silang hayaang mawala sa paningin mo!", ma authoridad na sambit ng lalaki.
"Patungong Bulacan itong daan, kasalikuyang nasa highway", sagot niya dito.
"Okay, I am on my way. If kinakailangan ay tumawag ka ng pulis, okay?", anas ng lalaki.
"Okay! babalitaan din kita!", sambit niya bago ibinaba ang telepono.
Nag desisyon siyang tumawag na sa mga pulis.
Kaya nag dial na siya sa rescue number.
Agad namang may sumagot.
"Hello! may kidnapping pong nagaganap dito. Kailangan po namin ang tulong niyo po!", kaagad na wika niya sa sumagot sa linya.
May mga tanong pa ang nasa kabila na sinagot naman ni Hanna.
Binigay niya ang plate number ng kotseng humahabol sa kotse ni Faith ngayon at ang lugar.
She demanded na tingnan sa mga cctv camera sa highway na tunay ang nagaganap na car chase.
Nag promise naman na magpapadala ng mga pulis ang presinto.
Hanggang ang kotse ni Faith ay lumihis sa maliit na daan.
At patuloy pa ding hinahabol ng itim na kotse.
Siya din ay patuloy ring sumusunod sa kanila.
Hanggang nakita niyang huminto ang sasakyang sinundan niya, na ambush na pala ang kotse ni Faith ng isa pang kotseng nag-aabang lang pala.
Nahulog nga sa patibong ang driver ni Faith.
Huminto na rin si Hanna sa di kalayuan bago pa siya mapansin ng mga tauhan ng masamang babaeng iyon.
Hindi alam ngayon ni Hanna kung anong gagawin.
Tatawag ba siya ulit ng pulis o tatawag ng tulong mula sa mga tao?
Tumingin siya sa paligid, wala naman ding mga kabahayan kaya impossible siyang may makuhang tulang mula sa mga sibilyan.
Pinagpanalangin na lang niyang sana'y makinig si Michelle sa pakiusap ni Faith.
Sana'y madala sa pakiusap ang babae.
Nakita niyang lumabas si Faith at nag usap nga ang dalawang babae sa labas ng kotse.
Nagmanman lamang siya.
Hanggang narinig niya ang serina ng mga pulis sa di kalayuan.
Biglang nabuhayan ng loob si Hanna. Sa wakas ay narito na ang rescue team.
Pero nakita rin niyang nag iba ang anyo ni Michelle ng marinig ang wangwang ng pulis.
Naging agresibo ito at agad hinawakan ang braso ni Faith at hinila sa kotseng nakaparada at isinakay doon.
Siniguradong nagalit ang babae dahil may tumawag ng pulis.
Kinabahan si Hanna.
Baka siya pa ngayon ang maging dahilan kung may masamang mangyari kay Faith.
Dahil sa pangingialam niya.
Pero nais lang naman niyang makatulong.
At ang pagtawag ng pulis ang pinakanararapat gawin sa sitwasyong ito.
At nakita nga niyang muling pinaharurot ang kotseng lulan na ngayon si Faith.
Sumunod naman dito ang iba pang kotse ng mga tauhan ng babae.
Akma na siyang susunod din pero isang humahagibis na itim na sports car ang napakabilis na sumusunod ngayon sa kotse ni Michelle.
Siguradong si Greg Sebastian ang lulan niyon upang iligtas ang asawa.
At nkakahabol na ito sa kotse ng masamang babae.
Kasunod din dito ang pulis car.
Nabuhayan na naman ng loob si Hanna.
Kaya ay nakisunod na rin siya sa mga ito.
Hanggang narinig niyang may nagpaputok na ng baril.
"Diyos ko! huwag mong pabayaan ang mga inosente po!", na anas niya.
At nagsunod-sunod na nga ang naririnig iyang putok ng baril.
Nagkakabarilan na talaga ang mga kotseng nasa unahan.
Para siyang character sa shooting game na Non playable character at nag especulate lamang between the Lead character and the villains.
Baka ay matamaan din siya ng ligaw na bala kaya ay dumistansiya na siya.
Hanggang narinig niya ang malakas na kalabog.
Kasabay noon ay ang marami pang pulis car at ambulansyang paparating.