Kahit masungit ang pagtingin ngayon sa akin ni Kade ay hindi pa rin ako umalis agad. Hindi ko 'yon pinansin para hindi masayang ang pagkakataya ng trabaho ni Henry para lang magkaroon ako ng chance. Nanatili ako na nakalapit sa mukha niya at nang magkaroon ako ng pagkakataon ay hinila ko ang necktie na suot niya. I know this wasn't my original plan but what if.. What if mabawi ko siya gamit lang ang isang halik gaya ng nangyari dati? Mababaliw ba ulit siya sa akin? Matatandaan niya kaya kung gaano niya ko minahal? Ayos lang kung habulin niya ulit ako at hanap-hanapin tulad ng dati dahil hindi ko naman na siya pahihirapan. Mas ipaparamdam ko pa sa kanya ang pagmamahal ko. "What are you doing?!" singhal niya nang magkalapit ang mukha namin. Tinitigan ko lang siya mula sa kanyang mga mat

