"Buti naman at naisipan mong maglibot. Ang tagal mo ring hindi nagpakita, ah? Inaapi ka ba ulit do'n? Sabihin mo lang sa akin at ako na ang kukuha sa'yo. Dito ka na lang ulit tumira kasama ni Sophie." "Herl, okay lang kami do'n. Wala ng nang-aapi sa akin. Isa pa, nangako ako kay Luke. Hindi ko pwedeng basta-bastang hindi tuparin 'yon. Saka lola ko pa rin si Chairman Yang kaya kailangan ko talagang alagaan siya." "Ah, basta. Hindi porket biglang bumait sa'yo si Luke e magtitiwala ka na. Makiramdam ka pa rin, Oly." Tinuro niya sa akin ang sandok kaya napatawa ko. "Sophie, tingnan mo si Ninang Herl matapang. Dapat ikaw din," sabi ko sa anak ko. "Hay, nako. Kahit galit ako kay Sir Kade, hinihiling ko na sana magmana sa kanya ng ugali si Sophie para hindi siya matulad sa'yo." Pabirong umira

