"Aba, nakakagulat ka. Mukhang nag-iba ang ihip ng hangin. Bakit nandito ka ngayon? Nagsawa ka na ba kakahabol sa lalaking 'yon?" "Lola, bakit ba kasi nag-iiba na ho ang ugali niyo? Dati naman okay kayo. Kaya nga tinanggap ko kayo agad sa buhay ko, eh. Kasi akala ko, mamahalin niyo lang ako at laging susuportahan. Iba ko kay Mommy, lola. Kaya please? Kung gusto niyo ho talaga kong manatili sa tabi niyo, 'wag niyo kong sakalin sa sobrang higpit niyo." Parehas kaming natahimik nang dumating si Luke. Tinaasan niya ko agad ng kilay na para bang minamaltrato ko si Lola. "Chairman Yang, since nandito na ulit si Amelia. Siya na lang ang isasama ko sa meeting mamaya. Magpahinga na muna kayo dito." "Hindi ko kailangang magpahinga pero sige, isama mo siya." Tumingin lang sa kanya si Lola at hindi

