"Amelia! Amelia!" "Nasaktan ba siya?!" "Nahihilo ko." "Ano?" "Alfred, nahihilo ko." "Oly!!" "Mommy, daddy.." "Gising na si Amelia, gumising ka diyan, Oly!" ***** Tuliro ako habang naghihintay sa labas ng kwarto ni Kade. Ayaw akong papasukin ng pamilya niya maski na noong nasa ICU pa lang siya. Hindi ako makasilip kahit sandali lang. Kanina ko lang ulit nakita ang mukha niya nang ilipat na siya diyan sa kwarto. Maputlang-maputla ang mukha niya, ang dating mapupulang labi ni Kade ay parang naging kulay ubas. Sinisisi ko ang sarili ko na nagpakita pa ko doon. Hindi ako nagagalit sa mga magulang niya ngayon dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari sa kanya. Kung sinunod ko lang siya at nanatili ako sa Pangasinan. Hindi siguro ito mangyayari. Kung sana naging malakas lang ako tula

