"Yung totoo? Binisita mo ba talaga ako dahil miss mo na ako o kailangan mo na naman ng payo ko? Hindi mo naman ako sinusunod, eh. Useless lang, Olyiana," tuloy-tuloy na sabi ni Herl habang namimili sila ng pagkain. "Alam mo? Ikaw 'yung tipo ng kaibigan na minsan masarap sabunutan." "Wuy, grabe ka naman sa akin. Bakit parang ang init ng ulo mo? Meron ka ba ngayon?" Pinaglapat ni Herl ang mga labi niya bago sumagot kay Oly. Muli siyang bumaling sa mga pagkain at pagkaturo ay saka niya binalikan ng tingin ang kaibigan. "Hindi ako badtrip. Medyo naiirita lang ako sa nakausap ko kanina." "Sorry ha? Dahil sa akin iniwan mo 'yung maganda mo na sanang trabaho sa company nila Kade." "Hay, ayan ka na naman. Ano kung sa call center na lang ako ngayon? Ginusto ko ang pag-alis sa kumpanya nila kay

