"Iniisip ko na hindi naman mali kung magpapanggap akong hindi naghihinala sa kinikilos niya, 'di ba? Ngayon na okay na kami, kasal na kami. Kailangan ko pa bang bigyang pansin ang mga gumugulo sa akin? Si Kade lang ang nag-iisang tao na nag-alaga sa akin nang ganito mula nang mawalan ako ng pamilya. Nagdadalawang isip ako sa pwedeng mangyari kung guluhin ko pa 'yon at pairalin ang nangyari noong nakaraan. Siguro may explanation siya sa lahat 'di ba? Hindi naman niya 'yon gagawin nang gano'n na lang. Pero dati gusto niya ring sumuko na sa aming dalawa. Pinakakawalan niya na ko kaya naman," huminto siya sa patuloy niyang pagrereklamo kay Herl na nasa kabilang linya. "Pwede ka bang mag-relax? Simula nung nalaman mo 'yan, hindi ka na tumigil sa pag-iisip. Hala sige ka, baka mamaya mawalan ako

