"Hindi ko inaasahan na mahilig ka pala sa mga painting." Pumantay si Kade sa pagkakatayo niya kaya napatingin siya rito saka mabilis na umiwas ng tingin nang titingin na rin ito sa kanya. Kanina pa nagkukunwari si Oly, napapagod na siya at namumuti na ang mga mata kakatitig sa mga painting na kahit kailan ay hindi niya maintindihan. Kahit kasama niya ngayon si Kade ay nakakaramdam pa rin siya ng pagkainip. Parang gusto niya na 'tong hilahin palabas at sabihin ditong gusto niya talaga sa food park. Pero hindi! Hindi siya pwedeng mawala sa focus. Kahit ganito siya at mahina, karapatan niya pa ring malaman ang totoo kahit pa medyo nag-aalangan na siya dahil alam niyang masasaktan siya sa malalaman. Nawala siya sa pagkatuliro nang isilip ni Kade ang gwapo niyang mukha. Nakangiti ito na nakak

