CHAPTER 109

2275 Words

"Excuse me po." Habol ni Oly sa lalaking nakaputi. "Kayo po 'di ba 'yung doctor ni Lola?" Huminto naman ang matandang lalaki at nakaharap na ngumiti sa kanya. Tumango ito at taka siyang tinignan. "May kailangan ka ba, hija?" "Ahm, kasi po last time kala ko may gusto kayong sabihin sa akin. Kaya po hinanap ko po kayo ngayon bago ko pumunta sa kwarto ni Lola," paliwanag niya. "Last time?" ulit nito na mabilis niyang tinanguan. Napaisip ang doctor at bahagyang natawa. "Teka lang ha? Medyo makakalimutin na kasi ko. Ano bang napag-usapan natin no'n?" Mukhang mali siya ng iniisip. Mukhang nabigyan niya lang ng kahulugan ang naging pagngiti nito sa kanya at pagtapik. Ano ba kasing iniisip niya at hinanap niya pa 'to? "Ikaw si Amelia Yang, right?" biglang tanong nito na mabilis na nagpataas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD