"Masama na talaga ang lagay niya hano?" Mabigat ang loob ni Oly habang nakatulala sa malayo. Iniisip niya pa rin ang lola niya kahit na masungit ito at ayaw na sa kanya. "Hirap na hirap na ko, Kade." Biglang pag-iyak niya na ikinagulat ng kanyang asawa. Nataranta si Kade at agad na napalingon sa kanya. "Sorry, hindi ko na mapigilan. Ayoko kasi ng ganito. Gusto kong maging maayos na ang lahat. Ang bigat-bigat sa loob. Ang sakit-sakit." "Love.." Kinuha agad ni Kade ang isang kamay niya saka ito hinawakan nang sobrang higpit. "Bakit kasi hindi ka niya matanggap? Okay ka naman. Isa pa, kahit kanino pasok ka sa standards nila. Ano bang mali sa'yo? Ano bang ayaw niya sa'yo?" "Sshhh... Tumahan ka na." "Kung tutuusin naman, mas okay ka pa nga kay Luke. Mas okay ka sa kanya, Kade." Nilingon

