CHAPTER 111

1299 Words

Nakakunot ang noo ni Oly habang nakatingin sa mga gamot ng matanda, inaayos niya 'yon ngayon kahit hindi ito inuutos ng matanda. Kanina pa siya nagtatampo dahil sa pagwawalang bahala ng kanyang lola sa lahat ng pagprepresintang ginagawa niya. Totoong concern siya dito pero ayaw 'yon paniwalaan ng matanda. Wala si Luke ngayong araw kaya nakakagalaw sila nang maayos, ang tanging nagbabantay sa matanda ay ang personal nurse na kinuha nito noong nakaraang araw. "Anong oras mo gustong umalis?" subok na tanong ni Kade na kanina pa hindi makakibo dahil sa kaba. "Kade, bakit ba uwing-uwi ka na kanina pa? Ang aga pa oh," reklamo naman ni Oly kasabay ng pagpapakita ng oras sa suot niyang relo. Maya-maya pa, muling pumasok si Dr. Dela Cruz para sa resulta ng kanyang lola. Agad na napatayo si Oly.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD