Binuksan ko ng konti ang pinto. Minostrahan ko sina Manang Thess at Sophie na 'wag mag-iingay. Pero dahil nga hindi pa alam ni Sophie ang nangyayari ay tumawa siya at nagpapadyak na para bang tuwang-tuwa sa akin kaya napapikit ako at nataranta naman si Manang Thess. "Sophie," reklamo ko. "Nabalitaan naming biglaan kang nagpaalam kahapon na hindi papasok kaya pumunta agad kami dito. Okay ka lang ba?" Rinig kong tanong ng mommy ni Kade. "Dahil lang wala ako sa kumpanya ngayong araw pumunta kayo agad dito? Lahat kayo?" Bahagyang tumawa si Kade. "What's this, mom? Hindi na ba ko pwedeng magpahinga?" "No, son. Of course you can. Nag-alala lang kami kaya pumunta agad kami dito. Hindi mo 'yon maaalis sa amin, mga magulang mo kami." "This is unusual." Huminto si Kade. "Hindi naman kayo dati g

