Ilang linggong tahimik si Kade sa kanyang bahay. Hindi siya tumitigil sa pagkuha ng koneksyon para makapasok sa Yang mansion. Kung makakasama siya sa ilan sa mga pulong na gaganapin doon, baka makita niya si Oly. Sa bawat araw na lumilipas, para siyang nababaliw dahil sa pananabik. Palagi siyang umiinom ng kape habang nagtatrabaho at hindi iyon maganda sa kanyang kalusugan. Hindi siya kumakain, hindi lumalabas ng bahay at hindi nakikinig sa sinuman. Sinumbong siya ni Henry sa kanyang mga magulang ngunit wala ni isa sa kanila ang nakapasok sa bahay ng binata. Bago ang padlock ng bahay pati na rin ang doorknobs. Walang paraan para makapasok sa loob kung hindi pwepwersahin. Nabalitaan 'yon ni Oly mula kay Herl na pumuslit para bisitahin siya. Pinayagan naman itong pumasok ng kanyang lola dah

