CHAPTER 60

1240 Words

Tumigil si Oly sa paglalakad nang may makitang aso. Bumilis agad ang t***k ng puso niya habang pinakikiramdaman ito. Bahagya siyang umatras kasabay ng pagtingin sa ibang daan. Madilim pa sa buong subdivision, tanging ilaw lang sa mga poste ang nagsisilbing liwanag ni Oly, walang tao at malamig din ang simoy ng hangin. Pinagpatuloy niya ang paglalakad papunta sa bahay ni Kade kahit puno ng kaba at takot. May sakay talaga siyang kotse kaso hindi siya pinapasok ng gwardiya sa labas dahil utos daw ng mga Cuevas. Magsisinungaling nga sana siya na hindi siya si Oly kaso sobrang laki pala ng picture niya sa loob ng guard house. Akala mo namang masamang tao siya na wanted sa batas. Kaya ang ginawa niya ay pumuslit siya sa may gilid saka tumakbo nang hindi siya mapansin ng mga ito. Delikado man '

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD