Nakaupo kami ngayon ni Timmy sa harap ng pinto ng apartment. Para kaming mga bata na napagsarahan ng pinto. Bawat taong dumadaan, tinitignan kami kaya mas lalo kaming naiinip. Ang una naming plano talaga kanina ay bumili ng meryenda para excuse sa pagtambay sa convenience store, pero dahil sa lalaki, hindi kami nakatambay doon. Bawat kilos ko sinusundan din niya ng tingin kaya nag-aya na lang akong bumalik agad. Buti na lang at mabait si Timmy, wala lang sa kanya ngayon kahit nakasalampak kami sa sahig. Halos mag-iisang oras na rin ang lumipas mula nang paalisin nila kami ni Timmy. Bakit gano'n? Parang ang tagal naman yata nilang mag-usap. "Siya ba mismo ang nagsabi sa'yo na pinasusundan ka niya? Baka tinatakot ka lang niya?" tanong ni Timmy. Bumuntong hininga ko bago umiling. "Hindi l

