Nagising ako dahil sa dahan dahan niyang pagbangon sa kama. Agad akong napatingin sa kanya at napansin niya ako. "Saan ka pupunta? Madaling araw pa lang," sabi ko bago lumingon sa bintana para siguraduhin ang sinabi ko. Madilim pa sa labas at ramdam ko pa rin ang pinagsamang lamig ng aircon at lamig tuwing umaga. Nilingon ko ulit siya nang hindi siya sumagot. "Kade?" "Matulog ka pa. May gagawin lang ako." "Ano?" Hinabol ko ang kamay niyang pinangtukod patayo. Hindi ako kumbinsido sa sagot niya at natatakot akong pagbangon ko ay wala na naman siya sa tabi ko. Sobra na ang phobia na nakukuha ko sa lahat ng nangyayari. Baka kapag nawala siya ulit, hindi ko na kayanin. "Love, you need more rest. Hindi ako aalis. May gagawin lang ako sa ibaba." "Ano nga?" Umupo na ko para bumangon. "Maglil

